Kabanata 3

1000 Words
Mabilis ang ginawa niyang pagpitas sa bulaklak na liryo at isinilid iyun sa bulsa ng kaniyang skirt,sinigurado na hindi iyun masisira,baka mkasi mapagalitan siya ng hardintro kapag nakita siya at isumbong sa totoong may-ari ng hardin.. Nagmamadali niyang tinungo kung saan iniwan ang mga magulang,mabuti na lamang at sakto ang kaniyang pagdating dahil katatapos lang ng mga ito.. "San ka ba galing?kanina ka pa wala sa inokupa mong upuan." Tanong agad sa kaniya ng ina.. "Ah!naglakad-lakad lang ho ako diyan sa tabi-tabi.." "Sumakay ka na sa tricycle at aalis na tayo,magpapaalam lamang ako kay Don Ramon.." Napalabi siya,kung hindi lamang niya kilala ang ina baka isipin niyang nagsisipsip ito kay Don Ramon..Napakibit-balikat na sumakay na lamang siya ng tricycle ,nakasakay na ang kaniyang ama sa harap ng manibela at ang kaniyang ina na lamang ang hinihintay..pasulyap siyang dumako ang tingin sa ina na masaya pang nakikipaghuntahan sa matandang Don na akala mo ay close na close sa matanda.. Samantala noong nangangamuhan pa ang kaniyang ama ay hindi man lang niya ito nakitang lumapit at makipag-usap sa matandang may-ari ng hacienda pero bakit ngayon ay makikita pa sa hitsura nito ang masayang mukha habang nakikipag-usap. Napahalukipkip na kinuha niya ang bulaklak na isinilid sa bulsa ng kaniyang skirt..baka kasi masira at madurog ito.siguro naman hindi na siya mapapansin na may hawak ng bulaklak dahil nasa loob na siya ng tricycle..Hmmm..napakaganda talaga ng bulaklak ng liryo.. "Iuuwi kita sa bahay..naghihintay na sayo ang paglalagyan mo doon." "Tara na" Boses iyun ng kaniyang ina na nakasakay na pala sa backseat ng tricycle..nagsimula naman ng magpaarangkada ng tricycle ang kaniyang ama..Mabuti na lamang at nakisama ngayong araw ang kanilang tricycle dahil minsan may topak din ang kanilang service eh!kapag ayaw umandar hindi aandar..Tsk..kunsabagay ilang taon na rin naman ito sa kaniyang ama...mabuti na lang nga at kahit sumusuko na ang mga kala-kalawang nito na kusa na lamang nagsisipagtikalan ay matibay pa ring kumakapit ang mga bakal nito..kung hindi nga lamang mag-iingat sa pagsasakay ay baka matetano na sila ng mga kalawang ng tricycle...ngunit walang magagawa kesa naman wala silang service,kahit papaano ay malaki pa rin naman ang pakinabang nito. Medyo may kalayuan rin pala ang bahay nila magmula sa hacienda..at saka ngayon lamang niya nalaman na ang kalsadang dinadaanan nila ay pagmamay-ari pa rin ni Don Ramon..hindi lang pala ito basta mayaman..kundi milyonaryo talaga. Hay!sa wakas!nakarating din sila ng bahay.. Kaagad na bumaba siya ng tricycle at agad na tinungo ang maliit na kuwarto nila ng kaniyang Ate Samantha,pagkatapos makapagpalit ng damit ay humanap agad siya ng mapaglalagyan ng pinitas niyang bulaklak,naisipan na rin niyang maglinis ng kanilang kuwarto.Maliit lamang iyun pero napaganda naman nila ng kaniyang Ate at kaaya-aya namang tingnan.. Maya-maya pa ay narinig niya ang pagtawag ng kaniyang Inay sa kaniyang pangalan.. "Bakit ho?" "Nakalimutan ko pala na ihatid itong mga mais na binili ni Aleng Maring,ihatid muna sa kanilang bahay at baka hinihintay na ng matanda." Tumango siya at kinuha ang isang plastik na mais.Isa rin kasi iyun sa pinagkukunan nila ng panggastos ang pagtatanim ng kaniyang Itay hindi naman puwede na umasa na lamang sila sa pag-aani ng mga palay kailangan eh!may iba rin silang mapagkukunan dahil hindi naman basta-basta nakakapag-ani..may buwan lang din naman ang pag-aani ng palay at hindi sila puwedeng maghintay dahil tiyak na mukat ang mga mata nila sa gutom kapag nagkataon. Habang naglalakad ay muling sumagi sa kaniyang isip ang gwapong lalake sa hacienda ni Don Ramon. "Sino kaya yun?"may kuryosidad na tanong niya sa sarili,isa kaya sa mga anak ni Don Ramon? Wala naman kasi siyang ideya tungkol sa pamilya ni Don Ramon at kahit na sa matanda dahil kahit na madalas itong nababanggit ng kaniyang Itay dahil nga naging amo naman nito si Don Ramon ay madalas napag-uusapan ito ng kaaiyang mga magulang,hindi nga lamang niya pinagtutuunan ng pansin dahil hindi naman siya nakikisawsaw sa usapan ng mga matatanda at saka wala naman siyang balak na alamin ang buhay ng milyonaryong si Don Ramon... Hindi lang mawala sa isip niya ang lalake kanina,paano ba naman kasi...sino bang makakalimot sa pagiging Adonis nito.Kahit sino naman sigurong babae ay mapapatulala kapag nakita ang lalake. Napatalon siya sa pagkagulat ng biglang may bumusina mula sa kaniyang likuran.Inis na humarap siya sa pinanngalingan ng busina..At na-shocks talaga siya ng makita kung sino ang nagbubusinang iyun..Ang lalake kanina at minamaneho nito ang isang wrangler type jeep na kulay black..Hays!kahit saang anggulo talaga ito tingnan ay napakagwapo at hot talaga nito,bumabakat pa rin sa suot nito ng sando ang matitipuno nitong dibdib..Teka lang!macheck nga ang garter ng kaniyang panty baka kasi lumuwag eh! "where are you going?maybe you want to ride?" Hmmmp..saang lupalop na bansa ba ito galing kasi english speaking eh!mabuti na lamang at ang favorite subject niya ay english kaya naman hindi rin namam siya papahuli kung englisan din lang naman ang usapan kaya din naman niyang makipagsabayan rito kaya lamang ay hindi siya sanay baka magkandapilipit ang dila niya.. Totoo ba?niyaya siya nitong sumakay,hindi nga?hindi ba siya nabibingi lang..inaalok siya nitong sumakay sa sasakyan nito..Ayyy!gusto niyang mapatili pero kailangan pigilin.. "Hey!Is there something wrong with my face? That's how you looked at me earlier." "Huh?Ah...ah..ka..kasi ang guwapo mo.."mga salitang nanulas sa bibig niya.. Natawa ito ng bahagya na lumabas ang pantay-pantay at mapuputi nitong ngipin. Naku naman!tama na! hindi ko na kinakaya ang kapogian nito..Shits! "Don't make fun of me, get in and I'll drop you off where you're going." Huh!ano namang biro dun,wala naman nakakatawa sa sinabi niya na gwapo ito ah!dahil totoo naman ang kaniyang sinasabi. "Get in." Bahala na nga!mapilit ito eh!kaya wala nang atubili pa sumakay siya sa unahan ng sasakyan nito sa katabi ng lalake,alangan naman sa likod siya di pinagmukha naman niya itong driver niya.Ganun!ilusyunada. Pakiramdam niya maiihi siya sa pagkakaupo dahil katabi niya ito,kahit pa sabihin may pagitan naman ang upuan ng sasakyan ay amoy pa rin niya ang masculine scent nito na nanonoot sa kaniyang ilong..Nakakakiliti ang amoy na iyun na nagpapabilis ng t***k ng kaniyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD