bc

YESTERDAY AND EVERYDAY

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
forbidden
family
HE
age gap
second chance
friends to lovers
arranged marriage
shifter
neighbor
boss
drama
sweet
bxg
campus
highschool
office/work place
musclebear
love at the first sight
addiction
passionate
like
intro-logo
Blurb

Yesterday and everyday is a story that depicts longing to someone you love. A love between two person that made a promise to each other that they will go back to each other's arm after they dreams in life pursued. But what if, as the years passed without news to each other and already accept that their promises are void. He suddenly comes back but you already hated him for abandoning you? Will you fight your love to her or not?

chap-preview
Free preview
Prologue: The Dreams Pursued
“Let me guess. You want to know if we ended together?” Well, let’s read together the story of two person separate ways to pursue their dreams and promised to come back and wait for him to come home. But may I ask you, “Will you wait for the man who made a promised that you’ll be together by marrying you? Whatever it takes and how long will you wait? Isang gabi habang maulap ang alapaap at nagbabadya itong uulan. Tumambay ako sa balcony ng aking kwarto habang inaasikaso ang mga dokumento sa kompanyang pagma may-ari ko. Ang lamig ng simoy ng hangin sa gabing iyon kaya napayakap na lang ako sa aking sarili at tinanong sa kawalan, “Nilalamig din ba siya?” Pero natawa ako dahil, bakit inaalala ko pa siya kung siya naman ‘yong nang-iwan. Linigpit ko ang aking mga gamit at pumasok sa loob para magpahinga. “Aalis lang ako saglit pero babalik ako. Babalikan kita, at sa pagbalik ko gagawin at ibibigay ko lahat ng magpapasaya sayo. Mahal na mahal kita, Ashley, lagi mong tatandaan kung gaano ka kahalaga sa akin.” Nagising akong balisa at pawis na pawis sa panaginip na ‘yon. “Bakit ko ba ‘yon napapaginipan” nasabi ko sa aking sarili. Ilang taon na din ang nakakalipas pero gabi-gabi ako binabagabag ng panaginip na ‘yon. Linigpit ko na ang aking higaan at naligo bago lumabas ng kwarto. Nakita ko si mama sa kusina na naghahanda ng almusal. “Good morning, sweetheart. Kumusta ang tulog mo?” tanong niya sa akin. “Good morning, ma” tipid kong sagot Nagtungo ako sa lagayan ng kitchen utensils at kumuha ng malamig na tubig sa ref. Nagulat ako ng biglang dinampi ni mama ang kanyang palad sa aking noo at tinanong, “Siguradong okay ka lang, anak?” Napatigil ako sa pag-inom at nginitian si mama. Pilit ang aking ginawad na ngiti sa kanya para hindi siya mag-alala. “Oo naman, ma. Bakit naman po ninyo natanong?” pagsisinungaling ko. “Okay. If you, say so” tanging sagot niya sa akin. Marahil ay hindi niya napansin na nagsisinungaling na naman ako sa kanya. Huminga ako ng malalim at nagtungo sa hapag-kainan. “Buti naman effective yong pangiti-ngiti ko” nasabi ko sa sarili habang nagbabalat ng nilagang itlog. Habang si mama ay naghahain ng linuto niya sa hapag-kainan. “Ma, baka late po ako makauwi mamaya. May mga reports lang po ako na kailangang tapusin” paalam ko sa kanya habang kumakain kami. Tumingin siya sa akin at ngumiti. “Sige. Sabihin ko sa papa mo na sunduin ka.” Mula noon hindi nagbago ang pagiging protective nila sa akin. Gusto ni mama, si papa pa rin ang maghatid at magsundo sa akin. And I am always grateful for them. “No need, tita. Ako na po ang magha-hatid at magsu-sundo sa kanya” Sabay kaming napalingon ni mama sa pinto at nakita namin si Daniel. “Bakit na naman ba siya nandito” mahinang sabi ko sa kawalan. Si Daniel, kasamahan ko noon sa trabaho. Siya na ang nag desisyon na ligawan ako kahit hindi ko naman siya pinayagan na manligaw. Lumapit siya sa akin at umakbay at sinabing, “Am I right, Kate?” pagkukumpirma niya. Ngumiti na lamang ako at dahan- dahan kong tinanggal ang pagkaka-akbay niya at nagpaalam na pupunta sa kwarto. “Daniel, pwede ba kitang makausap?” seryosong tanong ni mama sa kanya. “T-tita” nauutal na bigkas niya sanhi ng kabang nararamdaman niya. Seryosong tumingin sa kanya si mama, tinanong siya. “Are you serious about courting my daughter, Kate?” Kahit napapansin ang kaba ni Daniel sa kanyang mga mata. Sumagot pa rin ito ng diretso. “Yes, tita” Ngumiti si mama sa kanya, “I’m grateful that you’re there for Kate. Pero alam kong napapansin mo rin na kaibigan lang ang nararamdaman ni Kate para sayo. Sana, kung ano man ang desisyon ni Kate sana respetuhin mo” mahinahon na sabi ni mama. Nasaktan man si Daniel sa narinig niya kay mama, magalang pa rin itong sumagot. “Naiintindihan ko po” Minsan hindi ko maintindihan si mama, hindi naman siya ganyan kay John. Kaya napapa-isip ako kung, “Ano kayang problema? May nangyari kaya noon na hindi ko alam? Simula noong gumaling ako sa pagkakabungo labin-dalawang-taon na ang nakakaraan wala ni isa, ang may gustong i-kwento ang buong nangyari. Tahimik lang ako sa biyahe hanggang sa makarating kami sa parking lot ng isang kompanya. Pero, bago pa ako lumabas sa sasakyan, biglang nagsalita si Daniel dahilan para manatili ako sa kotse ng ilang minuto. “Kate, let’s have dinner tonight” “Daniel, sorry. Maybe nextime” I refused. “Kate, don’t you like me?” he asked. Nakita ko ang sakit na nararamdaman niya sa paulit-ulit na pananakit ko sa damdamin niya. “Daniel, I appreciate your feelings to me. Pero, hanggang friends lang talaga ang tingin ko sayo. I’m sorry” I frankly answered. I know, nasaktan ko siya sa mga sinabi ko pero hindi ko naman pwedeng pilitin ang sarili ko na mahalin ko higit pa sa tingin ko sa kanya. “Madam, we had closed the contract to Lewis Group and at 3 o’clock this coming Friday, they’ll signed the contract with us. Garcia’s clothing boutique emailed us, they want to invest with us but they’re business are based in States, should I declined their request?” report ni Kath, secretary ko. Tumingin ako sa kanya. “No. Let’s seal the investment deal with them” sagot ko. “Okay. I’ll update them” “Hayts. Nakakapagod naman ang araw na ito” mahinang banggit ko habang naglalakad patungong parking lot. Susunduin kasi ako ni Bogart. Kakain kasi kaming magka-kaibigan sa labas. “O, kayo ng bahala dito a. Siguraduhing malinis ang mga gamit at malinis ‘tong salon para prepared tayo bukas. Naiintindihan?” bilin ni Beki sa kanyang empleyado. “ O siya sige. Mauna na ako” paalam niya. Yan ang kaibigan kong si Beki. Maalala ko grabe mag rant yan noong high school at grabe ang pressure na naranasan niya sa parents niya lalong-lalo na sa papa niya. Sundalo kasi! Pero kita mo naman ngayon kung gaano siya ka successful. “Akala ko ba titigil ka na sa panliligaw kay Kate? Eric, alam mong mayroong “sila” ng kaibigan natin. Talaga bang susulutin mo ang babaeng mahal ng kaibigan natin?” rinig ni Beki ng makalabas siya sa beauty salon na pagma may-ari niya. Nakita niyang naiinis si Bogart sa kaibigan naming si Eric. Pero imbes na awatin sila, pinili niyang makinig nalang. Ganyan naman sila palagi. Pinipilit ang hindi puwede. Nginisian ni Eric si Bogart. “Noon yon. Isa pa, sigurado ka bang babalik pa yon, ni tawag sa atin wala nga tayong natatanggap. Buti nga, nakalimutan na ni Kate ang lalaking iyon. Kaya pwede ba, tigilan mo ko kapa-paalala kung anong gagawin ko. Sa akin si Kate at walang makakapigil sa akin” galit na sagot ni Eric. Napabuga nalang ng hininga si Bogart ng makita niya si Beki umiiling at nakikinig sa usapan nila. “Ah ano? Kanino sa inyo ako makiki-sabay? Sabi ni Maris susunod nalang daw siya sa restaurant” tanong niya bigla sa kanilang dalawa. “Kay Eric kana sumabay. Ako na susundo kay Kate” malamig na banggit ni Bogart at sumakay sa kanyang kotse at pinaharurot ito. “Ayos lang kayong dalawa? Mukhang may pimagta-talunan kayong dalawa kanina” usisang tanong ni Beki. Pero siyempre nagkukunwari lang siyang hindi niya alam. Ewan ko basa dalawang ‘to kung bakit pinagta-talunan pa ang bagay na ‘yon. “Get in the car” sabi lang ni Eric sa kanya at nauna ng sumakay sa kotse. “Kath, pakilagay nalang ang mga tapos na sa drawer. Just send me my schedule tonight” bilin ko kay Kath. Bumalik ako sa opisina, dahil ngayon gustong makipag transact ng isa naming kliyente. Buti, wala pa kanina si Bogart. “Copy that, madam!” sagot ni Kath at inayos na ang mga tapos ng reports sa table ko. Napaunat na lang ako ng kamay sa pagod. Grabe, pang isang linggo na ‘tong pagod ko ah. Nakarinig kami ng katok mula sa pinto, may biglaang kliyente na naman kaya? “Are you done?” nakangiting tanong ni Bogart. Nakangiti akong tumango sa kanya at kinuha ang bag ko. “Mauna na ko, Kath. Ikaw ng bahala, rito” paalam ko. Binigay ko ang aking bag kay Bogart at humawak ako sa kanyang kamay na para kaming mag-kasintahan. But, don’t get me wrong, komportable lang ako sa kanya since I know na pareho naman na hindi kami nakakaramdam ng malisya at alam kong alam niya kung hanggang saan lang siya. Hindi katulad ni Eric na bawat pinapakita mong kabaitan sa kanya, binibigyan niya ng malisya. “Sakay na” nakangiting sabi ni Bogart at pinagbuksan ako ng sasakyan. “Salamat” Sinabi ko sa kanyang mai-idlip muna ako sandali para may lakas akong makipag harutan kina Beki at Maris mamaya. Tumango lamang si Bogart at dahan-dahan lang ang naging takbo ng sasakyan. “Kate!!!” masayang salubong sa akin ni Maris at Beki pagkakita sa amin. “Maris, Beki! Miss ko na kayo” sambit ko habang yakap-yakap ko sila. Sa sobrang daming ginagawa, madalang nalang kami nagkikita-kita. “Miss na miss ka na din namin” Masaya ang kwentuhan naming tatlo ng habang kumakain ng matanong nila ang tungkol clothing business ko. Heto na naman sila. “Balita namin, maraming gustong mag-invest sa clothing business mo” tanong ni Maris. “Yeah, right. May gusto kang mag-invest but the investor was based outside the country. Nakakagulat nga e” pagbabahagi ko sa kanila at tuloy lang ako sa pagkain. “Congrats bae! Baka may kakilala kang sikat na mga beauty salon owner outside the country. Ilakad mo naman ako” banggit ni Beki na ikina-ngisi ko. “Sure. Sabihan kita kung meron" sagot ko habang enjoy ako sa pagkain ng tempura. Ang sarap kasi, matagal na yong last time na nakatikim ako. “Yayain mo naman kami sa bahay niyo. Balita namin uuwi daw si John” kinikilig na sabi ni Beki. Masama akong tumingin kay Beki pagkatapos niya sabihin yon. “John? John talaga? Hindi mo na kinu-kuya a, walang respeto sa nakakatanda sa kanya” I said sarcastically. Di ko alam a, pero nararamdaman kong matagal ng nagkakagusto ‘to kay kuya. “It unnecessary na tawagin ko pa siyang kuya. Magiging boyfriend ko naman siya. Soon!” kinikilig na sabi niya. Sabi ko na nga ba. Na para bang magiging sila ni kuya. “Grabe ang tili ah!' sabat ni Maris at napa-inom ito ng wala sa oras. “Wow, nagsalita ang wala pang anak” naiinis na sabi ni Beki kay Maris. Napuno ng tawanan ang aming lamesa. Nakakamiss rin ang pikunan nila Maris at Beki. Tuloy parin ang pang i-insulto nila sa isa’t-isa ng mag paalam ako. “Excuse me. I need to use the rest room” Ilang minuto din ang nakakalipas ng maisipan kong bumalik sa lamesa namin. Palabas na ako ng restroom ng makasalubong ko ang isang pamilyar lalaki na pamilyar. “Okay, Alex. Just put it on my table” Hindi ko maiwasang mapatingin sa taong ‘yon nang marinig ang boses niya. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha niya dahil sa suot niyang cap at naka shade ito. Pero, bakit ganon, pati boses niya pamilyar din sa akin. Posible kayang nagkita na kami noon? Hayaan mo na nga. “It’s nice to see you, Ashley”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Twin Billionaires and Their Mafia Queen Vet

read
7.3K
bc

Finding Love With A Biker At Christmas

read
221.0K
bc

The Slaved Virgin Offering

read
4.7K
bc

Primal Howlers Motorcycle Club Stories

read
34.0K
bc

Forsaken Luna becomes Luna Queen

read
16.9K
bc

The Mafia Kingpins Lost Love

read
65.4K
bc

Claimed by My Bully Alpha

read
18.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook