Kabanata 1

2325 Words
“MAMA, punta po ikaw sa work?” Kinuha ng mala-paos na tinig ni Migo ang aking atensiyon. Nilingon ko siya. Pirmi siyang naka-upo sa manipis na kutson na ipinatong ko lamang sa humuhunang papag upang magsilbi naming kama at tulugan. Napansin ko na hawak niya pa rin ang maliit na kotseng laruan na nabili ko lamang sa napakaramurang halaga noong isang araw. Ayaw niya na halos bitawan iyon. Hindi dahil sa gustong gusto niyang laruanin, bagkus ay iniingatan niya raw ito para hindi masira. Inilapag ko muna ang phone ko sa mababang mesa ng tinutuluyan naming silid para tabihan siya. Wala pang tatlong segundo akong nakalapit sa kaniya ay nagawa na niya agad akong pangitiin na para bang ginagamot niya ang mga invisible na sugat ko. “Pupunta si mama sa work kaya huwag kang masyadong pasaway kay Tita Saren mo, okay?” bilin ko. His little mouth pouted, and he’s more cute every time he does that. Alam kong gusto na naman niyang humabol sa akin kaya ang ginagawa ko madalas ay maaga pa lang ay inuunahan ko na siya ng lambing. “Maaga akong uuwi mamaya. Anong gusto mong bilhin kong pasalubong sa’yo?” Sinuklay ng mga daliri ko ang malago niyang buhok pagkatapos ay inamoy ang amoy baby niyang pisngi. “How about buying you art materials. Gusto mo iyon, hindi ba?” “Hmm . . . may money po tayo?” Bigla akong natawa sa itinanong niyang iyon. Masyado ko na yata siyang nasanay sa mga bilin ko na dapat kahit papaano ay mag-iipit o magtitira ng pera para kapag dumating ang kagipitan ay may mailalabas kaming halaga. Palagi ko kasing ipinapaalala sa kaniya ang pagtitipid pero hindi naman ibig sabihin no’n ay ipinagkakait ko sa kaniya ang mga bagay na gusto niya. Kung ako nga lang ang masusunod, gagastos ako ng malaki para sa kaniya. Kaya lang ay talagang kapos na kapos kami na kahit tala-tatlo ang aking trabaho ay kulang pa rin. Ang mga perang kinikita ko kasi ay mabilis na dumadaan lang sa mga palad ko. Napupunta lamang iyon sa mga gastusin namin araw-araw, at sa mga pinagkaka-utangan namin ni papa. Nag-iipon na rin ako para sa pag-aaral ni Migo na alam kong pagdating ng araw ay mas mahihirapan ako. “Ginising mo na sana si Viviana sa kabilang kwarto. Maaga naman siyang umuwi kagabi kaya hindi ‘yan masyadong puyat,” suhestiyon sa akin ni Saren, isa sa kasama namin sa apartment. Kadarating niya lang bitbit ang dalawang bayong ng iba’t ibang paninda niya. Inilapag niya iyon sa gilid ng mesa upang ayusin at ibenta online. Tatlo kaming nagsasalo sa iisang apartment. Sa katunayan ay nakikisingit lang kami ni Migo dahil hindi namin afford ang solong presyo ng renta. Sinuwerte ako noong maka-usap ko sila. Kahit papaano ay nakatitipid kaming pare-pareho. Si Saren ang unang pumayag na patuluyin kami, at dahil tuwing gabi naman ang shift ni Viviana sa nightclub ay pumayag na rin ito. Sa kaniya rin ako nakahingi ng tulong upang maka-pasok ako as a dishwasher. “Kumain na ba itong si Migo?” usisa niya. “Oo. Nagluto ako ng noodles. Ibibilin ko na muna siya ulit sa’yo,” pakiusap ko. “Maaga naman akong makakauwi mamaya.” Sumimangot siya sa akin na para bang ang ibig sabihin no’n ay wala akong dapat na alalahanin pa dahil siya na ang bahala sa bata. Hindi naman siya umaalis ng bahay at sanay naman si Migo sa kaniya. ‘Yon nga lang, minsan ay may kakulitan din ang bata. Nagpapasalamat nga ako dahil kailanman ay hindi siya nawalan ng pasensiya sa anak ko. Nagpaalam pa muna muli ako kay Migo bago ako umalis. Pinaalalahanan ko siya na huwag maging maingay sa paglalaro dahil natutulog pa ang Tita Vivi niya sa kabila. Napangiti ako nang zinipper niya ang kaniyang bibig gamit ang kaniyang maliliit na daliri na para bang nangangako siyang susundin niya ako. “Wait po kita, mama. L-Love you po,” halos mabulol niyang saad sa akin. I gave him a little kiss on his forehead. Marahan ko ring pinisil ang kaniyang ilong bago siya muling tumakbo papasok sa loob. Naiwan kami sa labas ni Saren at nahanap kong pagkakataon iyon upang mag-usisa sa kaniya. Agad kong kinuha ang kaniyang atensiyon. “Kumusta ‘yong pag-a-abroad mo? Pinalakad mo na ba ‘yong papel mo?” Mapait siyang ngumiti. “Wala naman akong choice. Next month pa naman ako makakaalis, maaalagaan ko pa si Baby Migo.” Wala naman siyang dapat alalahanin. Sobrang laki na ng naitutulong niya sa amin kaya hindi ko siya kayang pigilan sa gusto niyang gawin sa buhay. Pati, magandang buhay ang naghihintay roon sa kaniya, kaysa rito sa bansa, kayod-kalabaw na ay wala pa rin. Hindi niya dapat masayang ang opportunity na nakalatag sa harapan niya nang dahil lang sa amin ni Migo na hindi naman niya kaano-ano. ‘Yon nga lang, siguradong mahihirapan ako. “Kumusta pala ang mga katrabaho mo? Hindi pa rin nagbabago ang trato sa’yo?” Siya naman ang nagtanong kaya ako naman ngayon ang bahagyang sumama ang pakiramdam. Hindi lingid sa kaalaman ko na ako lagi ang laman ng tsismis sa office. Alam kasi ng mga kasamahan ko na nagtatrabaho ako sa nightclub. Parati ko ring kasa-kasama si Sir Paolo hanggang sa unit niya ay inaakala nilang sekswal kong sineserbisyuhan si sir. Maniwala man sila o hindi, wala iyong katotohanan. “Hindi ko na lang pinapansin, Saren,” sambit ko habang umiiling. Inumpisahan kong maglakad, kaya naman sumunod siya palabas ng apartment. “Pero, Trishia —” “At isa pa, may chance naman na matanggal ako sa trabaho. Hindi ko na kailangan pang mag-effort para gumawa ng resignation letter.” Agad niya akong pinangunahan. “Dahil sa husband mong after four years ay ngayon lang ulit nagparamdam?” “Ako ang hindi nagparamdam,” pagtatama ko sa kaniyang sinabi. Higit dalawang linggo na ang nakalipas simula noong makita kong muli si Joross pagkatapos ng apat na taon. Ilang araw ko na siyang iniiwasan sa loob ng aming department pero dahil boss ko si Sir Paolo ay may mga pagkakataon na kahit gustong gusto kong tumakas ay wala akong magawa. Mukha namang walang alam si Sir Paolo patungkol sa kung ano mang naging relasyon namin noon. Hindi ko balak ipaalam at hindi ko rin naman balak na itago. It’s for Joross to decide, pero kung isisiwalat niya ang tungkol sa amin at sa mga ginawa ko noon sa kaniya, magiging malala lalo ang sitwasyon ko sa trabaho. Worst, matatanggal ako. “Bakit hindi mo subukang kausapin si . . . si . . . ‘yung hubby mo? Paano kung bigla na lang niyang malaman ang about kay Migo? Sa anak niyo?” Hindi ko alam. Hindi ko sigurado kung ano ba ang dapat kong gawin, kung paano ko siya lalapitan, at kung paano ko sasabihin. Hindi na siya ‘yong Joross na kilala ko noon na kahit paulit-ulit kong itulak palayo, hindi pa rin nawawala ang pagpapahalaga’t pagmamahal. Ngayon kasi, ramdam kong ubos na siya. Ramdam kong galit at muhi na lang ang nararamdaman niya sa akin, na sa tuwing madaraanan niya ako, bakas na bakas sa mukha niya ang kaniyang pagka-disgusto. He hates me so much, and I can’t blame him. That’s why I will not be surprised anymore kung hahagisan niya ako ng annulment papers. Masyado ko siyang napahirapan noon so I will not complain. Dapat lang siguro sa akin na magsisi habambuhay. Tuluyan ko nang iniwan si Saren upang pumasok sa trabaho. Kailangan ko kasing maging maaga ngayon para ipaalala kay Sir Paolo ang lahat-lahat ng schedule niya. Mas naging mahigpit yata siya ngayon sa lahat. Pagdating ko sa opisina ay hindi na ako nagulat pa sa aking naabutan. Katulad noong mga nakaraang linggo, maaga pa lang ay nasaksihan ko na agad ang ilan na abalang abala sa tinatrabaho. Dati naman ay hindi ganito. Naupo ako sa desk katapat ng nakasaradong office ni Sir Paolo. Hindi pa nanginginit ang pang-upo ko ay lumapit na agad sa akin si Melon. Bitbit niya ang isang dokumento na inilapag niya sa mismong table ko. “Trishia, help mo naman ako sa report kong ‘to. Hindi ko na alam kung anong revise ang gagawin ko,” pagmamakaawa niya. I smirked at her. Sa hitsura niya ngayon, mukha nga siyang namomroblema. I opened the document and scanned it, may nakita agad akong mali pero hindi ko na lang muna binanggit. Hindi ko rin nagustuhan ang ilan sa mga sentence construction niya. “Ano raw ba ang mali rito?” pakunwaring tanong ko habang patuloy na binabasa iyon. “I don’t know. I mean, nakalimutan ko,” ungot niya pa. “Sa sobrang kaba ko kanina, hindi ko na naintindihan nang maayos ‘yong . . . ‘yong si Sir Joross. Baka mamaya, sisante na rin ako!” Saglit kong pinigil ang aking paghinga nang sambitin niya ang pangalan na iyon. Hindi ako nakaimik dahil maging ako ay kinabahan nang hindi maliwanag ang dahilan. Dalawang linggo pa lamang siya rito, marami na agad ang nagrereklamo at nawawalan ng trabaho. “Girl, ano sa tingin mo? Mag-resign na kaya ako? Unahan ko na? Hindi ko na nga kaya ang mood ni Sir Paolo, tapos may Sir Joross pa? Paano na lang kung magsabay ang topak nila?” Peke akong tumawa. “Huwag kang negative. Isipin mo na lang na nagkamali ka talaga, at tama sila.” “But —” “Ako na ang bahala rito, basta libre mo ang lunch ko,” biro ko. “Go na. Ako na ang mag-aayos nito.” Sinimangutan niya ako dahilan para muli kong tawanan siya. Sa huli, pumayag naman siyang ilibre ako ng lunch. Tipid na rin kung ganoon. Nang nakaalis si Melon ay iniwan ko muna ang aking desk upang pasukin ang office ni Sir Paolo. Bitbit ko na ang mga folder na hihingiin niya sa akin mamaya kaya agad ko nang inihanda. Wala pa siya, kaya naman may pagkakataon ako upang ayusin ang mga notes about sa appointment niya ngayong araw. Inimis ko na rin ang ilang mga kalat sa desk niya. Habang ginagawa ko iyon ay narinig ko ang pagbukas ng pinto mula sa likuran ko kaya naman kinailangan ko pang lumingon. Agad naman akong tinakasan ng kumpiyansa sa sarili nang hindi si Sir Paolo ang pumasok, kundi ang lalaking pinaka-iniiwasan ko. I swallowed when his cold eyes caught mine. I hate to admit that he really looks more expensive than before. Ang sleeves ng puting polo niya ay naka-rolyo hanggang kaniyang siko. May suot siyang tie pero maluwag ang pagkakaayos niya roon. It’s hanging down in front of his broad chest. “W-Wala pa si Sir Paolo, but he's on the way here.” I wet my bottom lip. “Do you need anything?” “Cuevas file,” mahina niyang sambit ngunit tila nag-echo iyon sa aking pandinig. I still managed to nod at him despite the tension building up inside my chest. Biglang nangatog ang aking mga tuhod kaya nahirapan akong umikot sa desk ni Sir Paolo para i-on ang computer. Sa sobrang lamig ng presensiya niya ay halos magyelo ang dulo ng aking mga daliri habang hinahanap ang kinakailangan niyang dokumento. I glanced at him. Nakagat kong muli ang loob ng aking labi nang makitang pinanonood niya ang mga kilos ko. I got goosebumps when an evil smirk curved on his lips. Mas kinabahan pa ako nang saraduhan niya ang pinto. I felt so unsafe. Pakiramdam ko, anumang oras ay mapapahamak ako. “You can leave the door open, s-sir,” I suggested, but it turned out like I was protesting. “I prefer it closed.” My breath became heavier when he walked towards the desk. I’m now pinching my little finger just to stop the big waves of emotions in my chest. Nagpatuloy pa siya sa paglapit sa akin. Tila mauubusan ako ng hangin nang dumako siya sa likuran ko. Anong gagawin niya? Anong plano niya? Kaming dalawa lang ang nandito. Sasaktan niya ba ako? Nagulantang ang sistema ko nang bahagyang dumikit ang katawan niya sa likod ko. From my back, inagaw ng kamay niya ang mouse ng computer na hawak. Naestatwa ako. Mainit ang palad niya, napakagaan no’n sa pakiramdam lalo na ang natural na amoy niya. Nakakadarang iyon. Paulit-ulit lang akong napalunok habang pinanonood ng aking mga mata ang paggalaw cursor sa screen. I waited him to click the file he was looking for, but seconds had passed, nothing happened. Pero muli kong narinig ang boses niya, “I heard that you’re working in a nightclub.” “A-ano? Oo.” “How’s it?” Dapat ko bang sagutin ‘yon? “A-ayos naman. I’m working there as a . . .” Napapikit ako nang mas yumukod siya. My lips tremble when his hot breath, and his lips almost touched the back of my ear. Ilang sandali pa ay naramdaman kong dumako ang kaniyang kamay sa naka-pusod kong buhok. I waited for him to pull on it harshly but he just used that way to keep me still. “Are you satisfied now?” His voice is deep and cruel. “How many c***s have already enjoyed your slutty mouth, huh?” Lalo akong kinapos ng hangin ngunit sinikap ko pa rin na umiling. Marumi ang utak niya. “Mali ka ng iniisip,” mahinahon kong sambit. “Pagiging dishwasher ang pinasok ko roon, hindi . . . hindi pagiging entertainer.” He laughed as if he does not believe it. I felt insulted. “Magkano ang serbisyo mo?” “J-Joross . . .” “I miss your body underneath me,” he whispered and I winced. “Magkano ka?” Shame and embarrassment flood my face. Tama ako, ibang Joross na siya. He’s not the sweet and caring man that I know. Sobrang dumi ko na sa isip at paningin niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD