bc

Ruin You Less

book_age18+
1.6K
FOLLOW
14.1K
READ
possessive
second chance
drama
sweet
heavy
serious
office/work place
lies
secrets
wife
like
intro-logo
Blurb

Alivia Trishia Mercandes was forced to marry the man she didn’t love—Matteo Joross Benavides. Pinakasalan niya lang ang lalaki dahil sa pakiusap ng kaniyang ama. But Joross loved her, at kahit na alam nitong ibang lalaki ang hinihiling niyang makasama, paulit-ulit pa rin itong sumubok sa kaniya.

Sa kanilang pagsasama, mas nakilala niya ito. She realized that the love her husband offering to her was very sincere and true. Kaya naman kahit pinigilan niya ang kaniyang puso na lumambot para asawa ay wala siyang nagawa. Ngunit kung kailan naman sumisibol na ang pagtingin niya rito, dumating naman sa kaniya ang problemang labis na ginipit siya. Kinailangan niyang iwan si Joross. Naging sanhi iyon para akalain nitong siya ay sumama siya sa ibang lalaki.

Four years had passed when they met again. Wala na ang dating Joross na nakilala niya. Ibang iba na ito sa lalaking pinakasalan niya. Wala na ang pagmamahal nito, at ang tanging naiwan na lamang ay ang paghihiganti nito at galit sa kaniya.

Joross is on his way to ruin her. Magagawa niya pa kayang sambitin dito ang damdamin niyang hindi niya naamin noon? At paano ang tungkol sa anak nila?

chap-preview
Free preview
Simula
Alivia Trishia Mercandes – Benavides “KUMUSTA naman po ang lagay ninyo sa loob, pa?” My father flashed a weak smile when I asked him. Isa-isa kong inilapag sa pahabang mesa ang dala kong pasalubong sa kaniya na maaari niyang pagtiyagaan ng mga ilang araw. “Sinusumpong pa ba kayo ng paninikip ng dibdib? Your back, sumasakit pa po ba? ‘Yong mga iniresetang gamot ni Doc James, naiinom niyo ba o sinasadya ninyo na namang kalimutan?” Mataman ko siyang tiningnan nang wala sa mga tanong kong iyon ang sinagot niya. Napasimangot tuloy ako at kinuha na lang ang aking shoulder bag. Nasa bulsa no’n ang picture ni Migo na ibinilin niya sa akin noong huli ko siyang dalawin. Inilapag ko iyon sa mesa na kaagad niyang tinapunan ng atensiyon. “Kailan ninyo balak na magpakilala sa apo ninyo? Akala ko ba, excited na kayong maka-laro at alagaan si Migo,” sabi ko pa. He did not response to me again. Naroon pa rin sa larawan ni Migo ang kaniyang paningin. Pilit niya mang itago ang kalungkutan niya ay hinding hindi ako madadaya ng emosyong nakaguhit sa kabuuan ng kaniyang mukha. Pwersahin ko man ang sarili ko na huwag maapektuhan doon ay hindi ko mapigilan. Seeing my father in his dirty shirt with his wrists handcuffed is torture for me. Linggo-linggo kong nasasaksihan sa mga ikinikilos niya ang kahirapan at kalungkutang nararanasan niya sa loob ng kulungan. He is linked with business corruption and tax evasion. Ilang taon na rin ang nakalipas ngunit hanggang doon lamang ang alam ko at hindi ko pa naririnig mula sa kaniya ang buong nangyari. All I am aware of is that he took all the blame. At heto ang kinalabasan no’n, madilim ay mahirap na buhay. Iniwas ko ang paningin ko kay papa nang mag-angat siya ng tingin sa akin. Suot na ng mga labi niya ang mga ngiting alam kong mapagkunwari. “Manang mana sa akin ang apo ko. Magiging habulin ng babae kapag nagkataon.” Hindi ko nasabayan agad ang kaniyang pagtawa. Palagi kasing nakalutang sa isipan ko ang kinahinatnan ng pinaghirapan naming career at negosyo. Sa isang iglap ay nawala na lamang. “Noong huli mo akong bigyan ng picture niya ay halos hindi ko pa maalam kung sino ang kamukha niya. Ngayon ay nasisiguro kong hindi ang ina niya,” pagtutuloy pa ni papa. Pinanood ko na lamang muli siya. I don’t want to believe all the things I’m hearing about and against him. My father will never do that. Hinding hindi niya kayang biguin ang mga taong tinuring niyang pamilya. I know my father better than anyone else. He is a good man, a good husband and a good father na kahit kailan ay hindi siya nabigong ibigay ang mga gusto namin ng kakambal ko. I released a slow sigh and grabbed his hands. “Pa, hindi ko pa rin ba kayo makukumbinsing kausapin si Attorney Ybañes?” “Trishia,” marahan niyang banta. Ibinaba niya ang kaniyang kamay sa ilalim ng mesa. “Malinaw na sinabi ko na sa iyo ang dahilan kung bakit ako nandito. Bukas ang loob kong pumasok dito. I committed a crime and I deserved this. Hindi mo na dapat sayangin ang perang naiipon mo para lang sa mga abogado.” “Papa,” mahina kong pilit. “Hindi ninyo kailangang itanggi sa akin ang lahat. Tingnan niyo nga ‘yang mga galos at mga pasa niyo. Akala niyo ba ay hindi ko alam na may kaaway rin kayo sa loob?” Pumait ang ekspresyon ng mukha niya at muling nag-iwas ng tingin. “Kinakaya ko ang buhay ko rito, anak. Ituon mo na lamang sa apo ko ang lahat.” I tightly closed my eyes to stop the pain that suddenly strikes me. Sa tuwing maririnig ko sa kaniya na okay lang siya at maayos ang kalagayan niya ay lalo lamang akong nag-aalala. Alam kong hindi maganda ang araw-araw niyang pamumuhay at hindi rin lingid sa aking kaalaman na marami siyang mga taong hindi nakakasundo rito. I want him to be out of prison. He's sick. And aside from Migo, siya na lang ang kinakapitan ko, at sa kaniya na lang ako kumukuha ng lakas ng loob. Si papa na lang ang taong maaaring mauwian ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya upang pakinggang muli siya. “Hindi mo na rin ako kailangan pang dalawin dito linggo-linggo. Nabanggit mo sa akin na marami kang tinatrabaho. Pinapahirapan ka ba ng anak ni Rafaelo?” Naging mailap ang aking mga mata. Si Sir Paolo, ang boss ko ang tinutukoy niyang anak ni Chairman Rafaelo. Wala akong mairereklamo pa sa kabutihang ibinibigay nila sa akin. Si Chairman Rafaelo ang isa sa malapit na kaibigan ni papa noong siya’y nasa pagnenegosyo pa. Pareho kami ni papa na malaki ang pasasalamat sa kanilang pamilya dahil sa kabila ng naging katayuan namin ngayon ay nakuha pa nila akong sagipin sa pang-araw-araw kong buhay. Sobra-sobra ang natanggap kong pagmamalasakit nila. Noong mga panahong naghahanap ako ng trabaho ay sila lang ang kaisa-isang tumanggap sa akin. Kaya sa tuwing aalukin nila ako ng mataas na posisyon sa kanilang kumpaniya ay agad akong tumatanggi. Hindi ko yata kayang tanggapin ang isang trabaho na hindi naman talaga para sa akin. I did not finish my degree. Ang isa pang dahilan ay malayo ang kakayahan ko sa hinihinging qualification ng trabaho. Ayos na sa akin ‘yong pagiging sekretarya. Pinapayagan naman nila akong kumuha pa ng ibang trabaho, tulad ng pagiging house cleaner ni Sir Paolo. At upang mas maka-ipon pa, pinatos ko na rin ang pagiging dishwasher sa isang nightclub na sa katunayan ay lingid sa kamalayan ni papa. Wala akong balak ipaalam sa kaniya ang iba ko pang trabahong iyon. Ayaw ko nang dagdagan ang alalahanin niya. Natitiis ko naman ang hirap. “Hindi ka pa ba papasok sa trabaho?” Ngumuso ako. Magsasalita na sana ako nang muli niya akong maunahan. “May balak ka pa bang makipag-ayos sa asawa mo?” Biglaan ang tanong na iyon kaya naman tanging pagkurot ko lamang sa aking hinliliit ang nagawa ko upang kontrolin ang biglaang pagragasa ng emosyong dumaloy sa dibdib ko. Dahan-dahan akong nagpakawala ng hangin. Gaya ng dati, hindi ko pa rin kayang sagutin iyon sapagkat sarili ko na mismo ang tumatakas at umiiwas sa bagay na iyon. “May dahilan pa po ba, pa?” I asked. May natitirang dahilan pa ba ako? May ibubugang lakas ng loob pa ba ako? “Trishia, anak —” “Mauuna na po ako. Babalik na lang po ako sa isang linggo. Ingat po kayo rito.” Tumayo na ako at hindi ko na hinayaan pang lumalim ang usapan naming iyon dahil mauuwi lang sa wala ang lahat. Things happened. Wala nang mababago pa. Ang tanging magagawa na lang ng isang tao na katulad kong gumawa ng isang malaking pagkakamali ay tanggapin na lang ang lahat ng consequences. We are free to choose between things. But in the aftermath of our choice, we literally are not. That is why after I made a huge mistake in life, I never complained about what happened next, even if it was too hard. I just sat there, whining while slowly swallowing all my regrets. This is my karma. Natatawa na lang ako madalas sa aking sarili kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin mapawi-pawi sa akin ang pagsisisi. I just realized na ang pinakamasakit pa lang bagay na maaari mong maranasan habang nabubuhay ay ang pagsisisi. How I wish life had a rewind button. Habang nasa loob ako ng taxi patungong Ruiz Financial Holding ay sinilip ko pa muna ang aking lumang cellphone upang i-check ang kanina pang pagba-vibrate no’n, pero hindi ko na binisita pa ang na-receive kong mga message na nagmula sa mga taong pinagkaka-utangan ni papa. Wala naman akong ipambabayad pa. Bago ko i-off ang phone ko ay saglit kong nginitian ang naka-set na wallpaper. Kapareho no’n ang larawan ni Migo na ibinigay ko kay papa. He’s three years old now, smart and cute. Kapag ganitong naaanod ako ng lungkot ay siya ang matibay kong kinakapitan. He’s such a sweet and loving child. Iyon nga lang ay hindi ko masyadong masuklian iyon dahil hindi ko halos maibigay ang kaniyang mga gusto at pangangailangan. “Trishia!” Napalingon kaagad ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko matapos kong makababa mula sa sinakyan kong taxi. Sa bungad pa lang ng building ay nakita ko nang kumakaway sa akin si Melon, isa sa iilang mga nakakasundo ko sa loob ng aming departamento. Ngumiti ako sa malayuan. I did not bother myself to give her a wave dahil lakad-takbo siyang lumapit sa akin. Kulot at buhaghag ang kaniyang itim na buhok na hindi niya kailanman tinangkang ipusod. Gayunpaman ay hindi naging hadlang iyon para matabunan ang kaniyang tinatanging kagandahan. “Girl, hindi mo ba nabasa ang text ni Miss Heidi? Ngayon bibisita ‘yong bagong partner ni Sir Paolo!” Umawang ang aking bibig. “Akala ko ba ay next week pa?” “‘Yon na nga!” hysterical niyang tugon bago niya hinila ang aking baraso upang igawi ako papasok ng building. “Ang akala ng lahat ay next week pa kaya wala tayong naihandang kahit ano. Ang Sir Paolo natin, mainit na naman ang ulo,” dagdag niya. “Sinabi ba ang reason kung bakit biglaan?” “Omg, girl. Wala ng nagtangka pang magtanong pa dahil super bad mood na si sir!” natatawa niyang biro. Ngumiwi ako sa sinabi niyang iyon at mas binilisan ko pa ang paglalakad habang mahigpit kong hawak ang isang paper bag kung saan naroroon ang aking malinis na blouse at isusuot na skirt. Nasanay na kasi ako na sa opisina na magbihis at magpalit kapag galing ako sa pagbisita kay papa. Hindi ko naman akalain na mabibigla ang pagbisita ngayon ng partner ni Sir Paolo. Ang mas inaalala ko pa ay hindi ko pa nare-review ang isang document na isi-nend niya sa akin noong isang araw patungkol dito. Siguradong malalagot ako! Pinauna ko na si Melon sa conference room habang ako naman ay nagpaalam na didiretso na sa office ni Sir Paolo upang kunin ang printed documents na alam kong kakailanganin namin mamaya. Habang binabagtas ko ang daan tungo sa opisina ay halos kaguluhan ang nadatnan ko sa aking mga ka-trabaho. Lahat sila ay may pagmamadali at bakas sa kanilang mukha ang pagka-disgusto sa maagang mabigat na trabaho. Naririnig ko rin ang pagtunog ng kani-kanilang mga telepono at intercom kasabay ng propesyunal nilang pakikipag-usap sa linya. Nakagat ko ang aking labi at napailing-iling. Narating ko ang opisina ni Sir Paolo ngunit hindi ko na siya naabutan. Naroon pa sa kaniyang desk ang isang folder kaya naman kinuha ko na lang iyon upang isama sa aking clipboard at hindi na binuklat pa. At dahil kinakapos na ako ng oras ay napilitan na lang ako na sa loob na lang din magpalit ng office attire. Nakaalis na naman panigurado si sir at wala namang basta-bastang pumapasok. Ipinatong ko muna ang aking mga gamit sa desk upang mas mabilis kong maisuot ang aking blouse. Habang ibinubutones ko iyon ay hinanda ko na rin ang maliit kong name tag ngunit halos mapatalon na ako nang marinig ko ang pag-click ng door knob, at maya-maya lang ay kasunod na niyon ang pagbukas ng pinto. “We’re really not informed about your arrival. But, if you want the discussion now, we can do it now.” Mahina akong napamura. Boses iyon ni Sir Paolo. “No need. We can take our time. Gusto ko lang talagang bumisita. I just want to take a look at our department. Hindi na sana kayo nag-abala pa, Mr. Ruiz.” Kaagad na akong tumalikod, ngunit hindi ko naiwasang matabig ang isang stainless tumbler na nasa ibabaw ng desk dahilan para mahulog iyon sa sahig at gumawa ng malakas na ingay. I closed my eyes tightly. Nanatili akong nakatalikod sa kanila at hindi na ngayon magkanda-ugaga ang aking mga daliri sa pagbubutones ng damit ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang mga tingin nila sa akin na para bang pareho silang natigilan. Nakatalikod man ako, alam kong nasa akin ang kanilang atensiyon! “Are you okay, Trishia?” “Y-Yes, S-Sir Paolo. O-Okay lang ako. S-sandali lang . . .” putol-putol kong tugon. Hindi ko maipinta ang namuong kahihiyan sa aking dibdib habang tinatapos ko ang pag-aayos ng suot ko. Pasimple ko na ring inayos ang nakalugay ko pang buhok. Bahala na! Tuluyan na akong humarap sa kanila. Handa na sana akong ngumiti pero agad na naudlot iyon, tila ba binagsakan ako ng malalaking tipak ng semento. Hindi ko inaasahan na bahagyang titigil ang pag-ikot ng mundo ko nang masalubong ko ang pares ng mga matang pamilyar na pamilyar sa akin. Walang emosyon iyon, malamig na parang yelo habang umiikot doon ang kadiliman. I swallowed hard and slowly took my eyes away from the man who is standing powerfully in front of me. Matteo Joross Benavides. Bago ko pa nailipat ang paningin ko sa boss ko ay napanood ko pa kung paano ako matiim na pagmasdan at suriin ng lalaki. Ang pagtitig niyang iyon ang naging sanhi upang makaramdam ako ng sunod-sunod na alon ng nerbiyos. My system got invaded immediately by his strong profile. Sa nakita ko, he is more muscular now than when I last saw him. Medyo malago ang makapal niyang buhok ngunit sumakto lamang sa kaniyang pormal na ayos. It’s been four years. Halos hindi ko na makilala ang kaniyang mga tingin na tila ba miserable at nababalot ng galit. He also had a very thin beard that covers the lower half of his face, and that added spice to his dark, screaming presence. Nakabalik na siya? Kailan pa? Mas lalong lumakas ang pagtatambol ng puso ko. It feels like it’s going to give out. “G-Good morning po,” lakas-loob kong bati. Ngumiti sa akin si Sir Paolo at pasimple niyang itinuro sa akin ang mga damit kong nagka-kalat pa sa kaniyang desk. Kahit hindi ko pa nababawi ang aking sarili sa nararamdamang kaba ay pwersahan kong ginising ang dugo ko upang kumilos at imisin ang mga iyon. Sa kahihiyan ay hindi ko na halos marinig pa ang pinag-uusapan nila. Hindi ko na rin natiklop pa nang maayos ang damit ko at basta ko na lamang iyon isinuksok sa loob ng paper bag. Alam ko naman na darating at darating din ang panahon na muli ko siyang makikita, pero bakit ngayon pa? Bakit ngayong wala na akong maipagmamalaki pa? “Excuse me for a minute, Mr. Benavides.” Nang marinig kong nagpaalam si Sir Paolo ay nakaramdam ako ng pagkataranta lalo na nang sundan ko siya ng tingin palabas ng pinto. The office became colder and more uncomfortable when Mr. Benavides and I were left alone. Hindi ko alam kung ano ang ikikilos ko gayong alam kong ibinalik na niya sa akin ang mabibigat niyang titig. He’s staring at me from head to feet. It is obvious that he’s insulting me. Upang iwasan iyon ay tinangka kong sumunod palabas ngunit hindi pa ako nakaka-tatlong hakbang ay napatda na ako sa seryoso at malalim niyang boses. “You are really working here,” aniya. Nakita ko pang namulsa siya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at hiyang hiya na tumango sa kaniya. Hindi niya inalis ang mga tingin niya sa akin. “How many times?” Awtomatikong napaatras ang mga paa ko nang unti-unti siyang humakbang palapit sa akin. Natigil lang ako sa paglayo nang kumurba sa kaniyang mamula-mulang labi ang nanunuyang ngisi na parang kanina niya pa pinipigilan. He towers over me and tension gripped my throat. My breath almost abandon me the moment he ran his hand through my hair to play with it as if he is testing its softness. Sa lapit namin sa isa’t isa ay rumehistro sa akin ang kaniyang natural at panlalaking amoy na nakasanayan ko na noon. “How many times did you f**k him?” Binalot ng gulat ang damdamin ko. “W-What?” He exhaled and loosened his tie. He leaned in even closer where his nose brushing against the skin on my throat. Susubukan ko pa lamang siyang itulak palayo nang magtanong muli siya, “I mean, how long have you been f*****g your boss, Ms. Mercandes?” “J-Joross.” His name passes my lips as barely more than a whisper. “I understand. You’re still having an affair. Not new to me.” Sumikdo ang puso ko. Tears formed in my eyes but I managed to hide it from him. Inaasahan ko na ito. Dapat ay handa ako. Dapat ay hindi ako makaramdam ng ganito dahil pinili ko ito. Bahagya siyang lumayo sa akin dahilan para magawa kong tingnan siya nang diretso. Nag-uumapaw na ngayon sa panunuya ang kaniyang mukha. Sa likod no’n ay alam kong naroon ang kaniyang matagal nang kinikimkim na galit pati na rin ang mga tanong na hindi ko kailanman kayang bigyan ng kasagutan. Tinatagan ko ang aking loob at inayos ko ang aking tindig. I balled my fists in order to hide my fear and guilt. “Mr. Benavides, we are in the office and work. I b-believe that we must not talk about other things but only papers and contracts.” I paused for a couple of seconds. “If you need anything, feel free to tell me. I can assisst you.” Peke akong ngumiti. I firmly gripped the handle of the paper bag I’m holding before I found enough courage to take steps. Nilagpasan ko siya ngunit muli akong natigilan nang magsalita siya. “We promised each other forever the moment we exchanged rings.” I bit my bottom lip. Lalong tumigas ang tono ng kaniyang pananalita habang ako’y nahihirapan nang pigilan ang papabagsak kong mga luha. “For better, for worse. For richer and for poorer. In sickness and in health. You promised to love and cherish me always. Till death do us part.” Sa mga binigkas niyang iyon ay hindi ko na nagawa pang lingunin siya dahil tuluyan nang nanginig ang aking mga tuhod. “Trishia, every time you tell me you were cheating on me, I always take it as your joke,” mapakla siyang tumawa. “It never crossed my mind that you were actually doing it. You . . . ruined me,” nakakapanghina niyang saad. Silent tears escaped and rolled down my cheeks as I squeezed my eyes shut. Namanhid ang buong katawan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
76.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
161.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
103.2K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook