[2]

1437 Words
Diane's POV "Wag ka na mag-alala. Hinding-hindi ka na maaapi ngayo't nandito ako" Napatingin ako sa kanya at nakita ang sinseridad niya sa mukha. "S-salamat" sabi ko. "Hoy! Ano ba naman tong mga batang etey! Bat di mo naman kami hinintay, Diane?" asar na tanong ni Tiara sa akin. "Kinaladkad niya ako eh" sabi ko sabay turo kay Renz. "H-HA? Ako na nga itong tumulong sayo eh!" pagdedepensa niya. "Psh! Ano ba naman yan! Wag na nga kayong mag-LQ! Uwi na tayo" tugon ni Tiara. "Agree ako sayo diyan, Tiara. Kita mo, magkahawak kamay pa rin sila. Ang cute noh?" sambit naman ni Rizia. Napatingin ako sa kamay namin na magkahawak nga. Napabitaw kami ng sabay at di nag-pansinan. "Asus! Nahiya pa itong si Diane! Lika na nga" sabi ni Tiara sabay hila sakin. "Uy teka! San ba kayo nakatira?" "Doon sa apartment na yun" sabi ko sabay turo sa isang building. "Weh? Dun din kami eh! Lika! Sabay na tayo!" sabi ni Rizia at sumabay na nga sa amin. Bakit ganun? Parang lagi na lang kaming sinusundan ng magkapatid na ito? Paranoid much ba? Sumakay na kami ng elevator at mas nakapagtataka nung parehas pa kami ng floor. Pagdating sa floor 36, mas ipinagtaka ko nung magkatabi lang ang apartments namin! "Dito pala kayo. Hehe.. well, neighbors na tayo! Good night!" sabi ni Rizia bago isarado ang pintuan ng apartment nila. Narinig ko na lang ang mga yapak na papunta sa amin at napalingon ako at nakita si Ara Mae Santos. Kaklase rin namin siya at siya ang pinakamasayahin sa amin. "Goodnight... Diane, Tiara." sabi niya bago ngumiti ng napakatamis at pumasok sa loob ng isang apartment sa tapat namin. Pumasok na rin kami ni Tiara sa apartment namin at ako'y napabuntong-hininga. Maraming nakakapagtataka na pangyayari ang nangyari ngayon. Kagaya na lang nung mga bago naming kaklase na kahit 3rd month na pagkatapos ng pasukan ay nakapasok pa rin. Sumunod na araw ay yamot na yamot ako. Hindi ko alam pero nagfla-flashback sa akin ang mga sinabi ni Renz. Na simula ngayon ay hindi na ako maapi dahil andito na raw siya. Psh, sino siya? Si Batman? "Oh Diane. Di pa nga pumapasok, haggard ka na agad. Mukha kang living zombie! Anyare?" tanong sa akin ni Tiara. Tinignan ko lang siya ng masama. Wag na wag niyong subukan ang pasesnsya ko't ngayon ay BV ako. Pumasok na rin kami ni Tiara pagkatapos kumain at kasabay na rin namin sina Rizia at Renz na naghihintay pala sa amin. Mas ikinagulat ko ay kasama nila si Ara. "Morning haggard peys! Ngiti ka naman diyan oh!" bati sa akin ni Ara. "Wag niyo kong guluhin, BV ako ngayon" sambit ko. "Meron ka?" tanong ni Renz kaya nabatukan ko siya. "Gaga! Sabi ko BV ako ngayon! Binge!" sabi ko sa kanya pero tumawa lang siya. Pagdating sa classroom ay sinalubong agad ako ni Karlito. Karl for short. Siya ang pinaka-childish sa amin pero wag kayo, matalino yan. "Hi Diane! Alam mo ba, nanood ako ng adventure time?" Pakisabi naman sa akin na hindi 3-year-old itong kausap ko. Hindi ko siya pinansin dahil nga BV ako. Ayokong may kumakausap sa akin dahil baka masigawan ko lang. Biglang dumating ang teacher namin at nagsimula ng mag-disscuss. Napabuntong-hininga ako. Alam niyo..hindi naman ako GC eh. Mukha lang. Pero ngayon, bored na bored na ako. Dahil nga bored na bored ako ay iginala ko ang mata upang hindi ako makatulog. Nakakaantok kasi ang mga boses ng teacher. Napansin ko si Rizia na pasimpleng tinitignan ang kaklase naming nasa harapan, si Robert. Hmm.. hulaan ko may past sila. Iginala ko pa muli ang tingin ko at nagtama ang mga mata namin ni...Renz? Tumingin muli ako sa kanya kaso hindi na siya nakatingin pa sa akin. Teka, namalikmata ba ako? Itinuon ko na lang muli ang pansin ko sa teacher sa harapan. Tumunog na ang bell, senyales na lunch time na. Kaso wala ako sa mood para kumain kaya't hinayaan ko na lang sila na iwanan akong mag-isa sa classroom. *** Rizialen's POV Hay.. miss na miss ko na siya. Tingin niyo sino? Tama kayo.. si Robert. Sino ba siya? Siya lang naman ang lalake kong bestfriend from grade 1 to grade 6. Nagkahiwalay kami nung 1st year HS dahil lumisan ako ng bansa. Doon kami sa US tumira ng tatlong taon at doon rin ako nag-aral. Sa tatlong-taon na yun ay walang connection na nagaganap sa amin. Hindi ko siya magawang tawagan dahil nahihiya ako sa ginawa kong pag-alis nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. Mag-isa lang akong naglalakad sa hallway dahil nauna ng pumuntang canteen si Tiara at si Renz. Nag-cr kasi muna ako sandali. Nagulat na lang ako nang may biglang humila sa akin at napayakap sa isang lalakeng pamilyar sa akin. "Alam mo bang miss na miss na kita?" bulong niya. Pagkarinig ko sa boses niyang iyon ay hindi ko mapigilang mapayakap pabalik. Nagbitaw kami saglit at nagtama ang mga tingin namin. "Beh naman eh! Tama bang umalis ng hindi nagpapaalam?" tanong niya sa akin. Cute ba ng tawagan namin? "Sorry na Beh. Nahiya ako sa ginawa kong pag-alis eh. Kapag naiisip kong tawagan ka, lagi kong naiisip na galit ka sakin kaya di na ako nag-abala pa" "Galit? Sa tingin mo galit ako? Beh, umiyak ako nun kasi umalis ka! Pero hayaan na. Bumalik ka naman eh. Bumalik ka para sakin noh?" pang-aasar niya sabay taas-baba ng kilay. Pabirong sinuntok ko ang balikat niya. "Oo na. Bumalik ako dahil hindi kita matiis" sabi ko. Nagyakapan muli kami. Namiss ko siya. Namiss ko ang mga yakap niya. Ang mga harana niya. Ang mga ngiti niya pati na rin ang mga pang-aasar niya. "WOW! Live movie ito oh! Sayang wala akong dalang popcorn!" Napatingin kaming dalawa sa nagsalita. Si President pala. "Oh ano? Bat tumigil kayo? Go na! Kissing scene na!" sarkastikong sabi niya. Nagulat na lang ako nang hinila na ako palayo ni Robert sa kanila. "SAYANG YUNG MOVIE! NAGLAKAD PALAYO EH!" *** Jihannah's POV Hello readers. Ako si Jihannah dela Rosa. Maganda. Don't you ever mess with me or you'll see hell. Ako ang pinakamagandang presidente ng klase. But I'm also na bully. Ayoko ng mga mahihina. Gusto ko, malakas ang klase ko. See? I have a good intention. I never meant to hurt anyone. I don't wanna make my class look weak. Pinapalakas ko sila sa paraang ito. "SAYANG YUNG MOVIE! NAGLAKAD PALAYO EH!" sabi ni Danielle. Isa siya sa mga sunud-sunuran ko. "Yuck mga gurls. Sa hallway pa talaga nag-PBB teens" maarteng sabi ni Raniel. Ang baklush na sunod-sunuran ko. "Let's go. Gutom na ako" sabi ko sa kanila at nagsimula ng maglakad papuntang canteen. Pagpasok sa canteen ay nakita ko ang isang kaklase ko na mahina. "Ikaw!" sigaw ko sa kanya. Natatakot at nanginginig naman siyang lumapit sa akin. "Buy me lunch nerd. And use your own money. Dalian mo or else, you're dead" banta ko sa kanya. Tumakbo naman ito papalayo like a chicken. Napabuntong-hininga ako. They never learn. Pano ba sila magiging katulad ko kung hindi sila natututo? Ayokong naaapak-apakan ang klase ko. Gusto ko, mataas kami. Kami yung nang-aapak. Everybody should learn how to be strong. Wala kang mararating kapag mahina ka. "E-eto na po" sabi nya pagbalik niya at may dala-dala na isang tray. "Ang sabi ko bilisan mo! Argh!" sigaw ko sabay bato sa kanya yung tray na puno ng pagkain. Lumabas na ako ng canteen. See? Hindi man lang sila nanlalaban. Umiiyak pa nga eh. I hate my class. Why do we have to be weak? "Hoy girl, teka! Nagmamadali? May lakad ka?" tanong ni Raniel. "Shut up. I'm going home." sabi ko. Nag-turn ako sa isang corner at nagulat nang bigla akong nadapa. I heard everbody stifle a laugh when they saw me. Nakakahiya, swear. Pero I have to look tough. I wasn't born weak. "ANONG TINATAWA-TAWA NIYO DIYAN?!" sigaw ko. Napatingin naman ako sa dalawang pigura ng tao na tumatakbo palayo. Alam kong sila ang nagplano ng pagkadapa ko. At gagantihan ko sila. *** Diane's POV *BOOGSH!* (sfx ng pagkabukas bigla ng pinto) "Wooh! Kapagod tumakbo ah!" hinihingal na sabi ni Tiara pagkapasok niya. Napatingin ako sa kanilang dalawa. "O? Anyare sa inyo Renz at Tiara?" tanong ko. "WAHAHAHAHA! Diane! Dapat sumama ka! Napahiya ko si Pres kanina! EPIC!" sabi ni bes na tawa ng tawa. Napalaki naman ang mata ko sa narinig. "Baka mapahamak naman kayo niyan?" nag-aalalang tanong ko. "Tch. Kami pa. Pogi ko kaya" sambit bigla ni Renz kaya bigla namin siyang sinamaan ng tingin. "WOOOH! Bagyo Renz is coming!" pang-aasar ko kaya't napatawa kaming tatlo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD