Diane's POV
GOOD MORNING! Good morning sa inyo~!
Napatigil ako sa pagkanta nang biglang kumidlat.
Ay leshe. Kung kailan ang ganda ng gising ko tsaka uulan. Nang-aasar kayo? PSH.
Pagkatapos ng morning routine ay lumabas na ako ng kwarto. Nakita ko kaagad si Tiara na matamlay na kumakain ng breakfast.
Syempre, dahil ako ang bestfriend niya ay nilapitan ko siya at...pinagtawanan.
"HAHAHAHAHA! Ampupu Tiara! Di bagay sayo mag-emo!" asar ko.
Tinignan naman niya ako ng masama. "Diane naman eh! Tawa ka diyan. Hay.. si mama kasi, pilit ulit akong ipinapakasal sa isang lalakeng di ko naman kilala" sabi niya.
Bigla ko siyang hinampas sa likod. "Edi magtanan tayo! Problema ba yon?"
"TUNGERS! Ewan ko sayo. Lika na nga"
As always, sumabay ulit sa amin ang magkapatid na Cruz.
Bago makapasok sa room ay bigla kaming hinarangan ng mga alalays ng president.
"HOOOOY! Sino sa inyo ang nagtisod kay pres kahapon, aber?" mataray na tanong ni Raniel.
Napansin kong biglang nagkatinginan si Renz at Tiara at nanlalaki ang mga mata. Hay nako! Sariling problema, di malusutan.
"Sorry pero natisod si pres kahapon? Hindi namin alam eh" sabi ko. Bigla niya akong tinaasan ng kilay bago tumabi para makapasok na kami sa room.
Nagulat na lang kami nang biglang may sumulpot sa aming isang babae na linta at dumikit-dikit kay Renz.
"GOOD MORNING FAFA RENZ!" bati ni Jeravem sa kanya na isa rin sa mga alipores ni pres.
I rolled my eyes. Typical teenagers. Iginala ko ang paningin ko sa loob ng classroom.
Ganun pa rin ang eksena. May mga nambubully. May mga nag-aaral. May mga nang-aasar. May mga nagP-PBB teens. May mga nangungulangot.
Okay. Pare-parehas araw-araw ganito ang bumubungad sa akin. Pakiramdam ko may kulang. Masyadong boring ang buhay ko.
"Fafa Renz, tabi tayo ha?"
Nainis ako sa nadinig ko. Kung bakit? Ewan ko. Basta na lang kumulo ang dugo ko.
Dumiretso na lang ako sa aking upuan at ibinaba ang bag ko.
"Good morning Diane! Ikwe-kwento ko sayo yung last episode ng adventure time! Blablabla" biglang sulpot ni Karl at dumakdak ng dumakdak.
Dahil bored ako ngayon, may gusto lang akong i-share ngayon.
Alam niyo bang may kaklase kaming pinsan ni Daniel Padilla? O wag niyong sabihing di niyo kilala yon!
Dominic Anne Padilla ang pangalan niya at inaamin kong naiinsecure ako kapag malapit sa kanya. Ang ganda niya kaya na nagmumukhang basura lahat ng tumatabi sa kanya.
Pero wag kayo, mabait yan.
*LUNCH
"Guys guys! May ikwe-kwento ako sa inyo!" masayang sabi ni Rizia.
Napatingin kaming laaht sa kanya at katabi niya si Robert.
"Nanliligaw sa akin si Bert! Bestfriend ko! " sabi niya at parang pinagmamalaki niya pa ito.
Nakatingin lang kami sa kanya with this WTF look sa mga mukha namin. "SO?" sabay-sabay na tanong namin.
Bigla siyang sumimangot at tumabi na lang sa amin para kumain.
"Hey Diane, a-about kay Perez. Yung nakaligtas doon sa m******e. Kaano-ano mo siya?" tanong ni Rizia ngunit halatang ayaw niya akong tanungin dahil naaalala niya ang kaibigan niya.
Napatingin ako sa kanya. "Wag kang mag-alala. Natanong ko na rin yan sa sarili ko. Ang totoo niyan hindi ko alam eh" sagot ko sa kanya.
"Hindi mo talaga alam? Di mo ba pinsan o kamag-anak iyang Perez na yan?" tanong ni Tiara.
"Hays ewan! Di ko po talaga alam! Tanong mo pa kay mama!" sabi ko. Nagpatuloy na lang kaming kumain pagkatapos ng usapan.
Bumalik na rin kami sa classroom namin pagkatapos mag-lunch. At nag-disscuss muli ang mga teachers.
**
Pagkatapos ng ilang mga subjects ay nagkaroon kami ng vacant time.
"HOY MGA BABAE'T boys~ TUMAHIMIK NGA KAYONG LAHAT!" biglang sigaw ni Raniel. Free time kasi namin ngayon dahil may meeting ang mga guro sa oras na ito.
At syempre, nag-iingay kami biglang mga oridnaryong estudyante.
Hindi kami nakinig sa kanya, at ibig sabihin ay mas lalo pa kaming nag-ingay. Na ikinainis naman niya.
"SINABING TUMAHIMIK EH!"
Tumahimik naman kami dahil agaw-pansin ang baklang ito. Psh.
"Very good. At dahil wala akong magawa ngayon ay maglalaro tayo!" Nakangiting sabi niya.
"Umikot kayo dito! DALI!" dugtong pa niya. Walang gumalaw.
"SINABI NG UMIKOT EH!" pagsigaw muli nito.
Inirapan ko muna siya bago labag sa loob na umupo katabi ni Tiara sa sahig habang nakapaikot.
"Alam niyo na naman siguro ang larong ito, hindi ba? Malamang duh. Sikat na kaya ang larong killer-killer" sabi niya with a DUH-face.
Lahat kami ay nakatitig lang sa kanya at hinihintay siyang magsalita pa.
"Pero bago ang lahat, may gusto muna akong ikwento sa inyo! You know naman diba about dun sa m******e with the children 10 years ago?" paninimula niya.
"OO alam na namin yan!" sigaw ni Emil na biglang umeksena.
Tinignan siya ng masama ni Raniel, Danielle at Jeravem, ang mga alipores ng president.
"Tumahimik kang sunog ka! Walang nagtatanong!" sabat ni Danielle.
"Anong wala? Diba nagtatanong nga yung bakla tungkol dun sa m******e!? Masapak kita dyan eh!" pagdepensa niya.
Okay. Pahiya onti, bukas uli.
Tumahimik na ang buong klase pagkatapos nun. Tapos ay ngumiti muli si Raniel at may kinuhang maliit na kahon sa lapag katabi niya at inalog-alog niya ito.
"Okay. Since may UMEPAL na isa dyan ay hindi ko na itutuloy pa ang kwen--"
"EEEEEHHHH!!!" angal namin. Kahit ilang beses na namin iyon narinig ay hindi ko alam kung bakit gusto ko pang ulit-ulitin. Mukha kasing interesado talaga ang kwentong iyan at magkapareho pa kami ng surname ng nakaligtas!
"Okie.. since pinilit niyo ako, hihihi. Okay, everyone knows naman na sa larong killer-killer nagsimula ang lahat ng iyan diba? Now I'm gonna kwento it from the start.
One day kasi in a small classroom, may 8 students. They we're grade 1 so medyo kyot pa sila at makukulit. Then like what is happening today, may meeting ang teachers nila so wala silang magawa like us talaga.
Next is may nag-suggest na maglaro sila ng killer-killer. It's one of their classmates eh. They locked the door para walang sagabal sa laro nila. Then..after the one who knows the game explained the rules.. they make bunot-bunot na.
One of the little kids has 'killer' written on the paper, duh. Pero he did not follow the rules. Instead, he grabbed a ballpen on the teacher's table and started to stab each and everyone one of his classmates. Just because nabunot niya ang killer.
He thought kasi na ganun ang gagawin kasi nga hindi siya nakinig and he is very familiar with the 'kill, murder, stabbing, blood, chop,' and every other word that has to do with killing. And he watched many movies with p*****n and he thought na ganun nga ang gagawin niya so like what he watched, he killed them.
Specifically, stabbed them with the ballpen. Tapos may isang girl na nagtatago sa sulok-sulukan ng classroom, watching her classmates get killed one at a time. She knew very well na hindi na siya makakaligtas so she just stayed in that corner, watching. Alam kong she experienced hell that time. Nung siya na ang isusunod ng killer because siya na lang ang alive ay biglang nabuksan ang pinto at nagspasukan ang napakaraming tao including the police, the teachers, the parents, other students and of course, the principal.
They've taken away the killer where nobody knows and nobody knows, if he..is still alive right now. Yung girl survivor ba? I don't know what happened to her either eh!" pagkekwento niya. Lahat kami ay kinilabutan sa kwentong iyon.
Kahit ilang beses ko na iyon narinig is I can't help but shiver with the thought na may isang batang lalake na pinatay ang 6 of his classmates with a ballpen! Baka 6 or 7 years old lang ang batang iyon but like WTH he killed his classmates! He murdered!
Pagkatapos ng mahabang katahimikan ay biglang nagsalita ulit si Raniel.
"Lock the door. We're gonna play that very game I kwento!"
Nakita kong karamihan ng mga kaklase ko ay namumutla dahil sa takot. DUH. Bakit naman hindi eh pagkatapos ikwento ng bakla ang sanhi ng m******e ay bigla na lang kaming paglalaruin nito.
At locked pa ang door at may meeting ang mga teachers! Gayang-gaya ng kwento niya!
Pinasa-pasa na ang maliit na kahon kung saan kami bubunot.
Pagkadating sa akin ay huminga muna ako ng malalim bago bumunot at tsaka ipinasa ang kahon. Pinakawalan ko na ang hangin bago ko buksan ang papel.
'DOKTOR'
Wew. Doktor lang pala eh! Hahahaha! Malas makakuha ng killer!
Tapos na kaming lahat bumunot ay naramdaman ko ang tensyon sa hangin.
"Magsimula na tayo?" nakangiting saad ni Ara.
"READY, SET G--" Naputol ang pagbibilang ni Raniel nang may biglang bumukas ng pintuan.
"Hoy, hoy hoy! Ano pang ginagawa niyo dyan? Kita ng uwian na oh! Uwi na! UWI!" biglang sigaw ng presidente.
Nawala ang kaba at takot na nararamdaman namin kani-kanina lang.
"Sabay na tayong umuwi, Diane, Tiara?" sabi ni Rizia at tumango naman kami bilang sagot.
Jihannah's POV
If you remember, ako ang magandang presidente ng 9-Neon. Pagkatapos silang sigawan na umuwi na ay mabilis na tumahimik ang classroom dahil sa bilis din na pag-alis ng mga estudyante.
Napansin ko ang maliit na kahon na nakahiga lang sa gitna ng klasrum kaya't nilapitan ko ito at nakataas kilay, tinignan ang nasa loob.
Kinuha ko ang papel at binuksan ito.
'CIVILIAN'
Psh. Akala ko naman kung ano na. Tinapon ko na lang ito kung saan at umalis na ng kwarto.
~~~
STUDENT'S POV
Nandito ako sa labas ng library ngayon dahil hinihintay ko si ms. Danielle. Kilala niyo naman siguro siya diba?
Siya lang naman ang pinakamagandang babae na nakita ko sa tanang buhay ko.
"Hoy nerd. Tapos na ako sa assignment ko. Buhatin mo ang bag ko pauwi" utos niya sa akin.
Araw-araw ay ganito ang lagi naming ginagawa. Inuutusan niya akong dalhin ang mga mabibigat na bag niya kahit may dala rin akong mabigat na bag. Ibig sabihin ay doble ang bigat na nararanasan ko ngayon.
Pero wala akong pake. Basta para sa kanya, gagawin ko ang lahat.
Halata naman siguro na may gusto ako sa kanya hindi ba?
"Hoy panget. Bibili lang akong inumin, dyan ka lang. Kapag umalis ka, lagot ka sa akin" banta niya bago tumawid upang bumili sa tindahan.
Napansin ko namang medyo dumilim na dahil maggagabi na.
Nang narinig ko ang isang kaluskos sa likod ng punong nasa likod ko. Napatingin ako dito at dahan-dahang ibinaba ang mga bag na dala ko upang makita ang dahilan ng kaluskos.
Ako? Takot? Hindi noh.
Nagulat na lamang ako nang may lumabas na isang taong naka-jacket na may hood sa ulo nya. Hindi ko malaman kung babae ba ito o lalake dahil masyadong malaki ang jacket at may pagkakataon na pwede siyang maging babae.
Kumalma naman ako pagkatapos ng ilang minutong pagtititigan namin ng babae/lalakeng iyon.
"Asus. Akala ko pa naman kung sino"
Tinalikuran ko na siya dahil nakakatakot ang pigura niya na para bang kakainin ka nito.
Nang maramdaman ko ang biglang pagsakit ng ulo ko kaya't napahawak ako dito. Unti-unti akong nawalan ng lakas nang mapaghinuha kong sinaksak pala ako.
Sinubukan kong maglaban, ngunit naubos na talaga lahat ng enerhiya ko at ramdam ko ang pag-agos ng dugo mula sa ulo ko hanggang sa mukha.
Unti-unting naglabo ang paningin ko pero sa kanya lang ako nakatingin. Sa babaeng minahal ko ng palihim na walang ginawa kundi utos-utusan ako.
Nakatalikod siya at hindi niya alam ang nangyayari sa akin.
"Mamamatay ka na...." Ang mga huli kong narinig sa killer ko bago ako nahugutan ng hininga.
---------
THE DOCTOR IS DEAD.