2

1446 Words
“JESSE, ano ang masasabi mo sa bridesmaid?” tanong sa kanya ni Artemis, ang groom na parang bayaw na rin niya dahil hipag niya ang kapatid nitong si Tricia. Asawa si Tricia ng nakababatang kapatid niya na si Greg Azarcon. “Ano ang gusto mong sabihin ko?’ balik na tanong naman niya. “Tsk, Jesse! Ang tabang na reaksyon naman ng ganyan. Ang ganda ni Violy, di ba? At sabi ng bride ko, the best iyong magluto. At eto pa, single and very much available. Right hand niya iyon sa agency niya.” “And so?” “Ligawan mo, P‘re. Aba, mas matanda ka pa sa akin, dapat lang na mag-asawa ka na.” “Kung makapagsalita ng mas matanda parang sampung taon ang agwat ko sa iyo, ah. Isa pa, nag-asawa na ako, di ba? May anak na nga ako.” “Ibig kong sabihin, mag-asawa ka uli. Malaki na si Twinkle. I’m sure naghahanap iyong bata ng mother image.” “Marami akong girlfriends. Kilala naman niya ang mga iyon.” He said that in a matter-of-fact tone. Lantad naman kay Twinkle ang pakikipagrelasyon niya. Simula pa man ay hindi na niya iyon itinago sa anak. “Iba iyong wife,” parang nangungumbinse pang sabi nito. “Kasama mo sa bahay. Isang buong pamilya kayo.” Kibit lang ng balikat ang itinugon niya at sinaid ang alak na hawak. “Ayaw mo na bang mag-asawa uli, pare?” sabad ni Harris, bayaw ni Artemis sa kapatid nitong si Beattie. Bago pa man nagpakasal sina Tricia at Greg ay close na ang kanilang mga pamilya kaya kumportable na din sila sa isa’t isa. “Balita ko, foreigner ang ipinalit sa iyo ng ex mo, ah?” Tumikwas lang ang sulok ng labi niya. “Ayokong pag-usapan si Micaela,” pormal ang tono na sabi niya. “Excuse me, hindi ko natatanaw si Twinkle.” Iniwan na niya ang mga kaharap at hinanap ang anak. Napailing na lang siya nang magsimulang humakbang. It had been six years since his marriage to Micaela was annulled pero hanggang ngayon—o tila mas tama yatang sabihin na mientras tumatagal ay lalong nagiging makulit ang kanyang pamilya at mga kaibigan sa pag-aasawa niyang muli. Pero bakit niya pag-iisipan ang isang bagay na wala na siyang balak na ulitin pa? His marriage was definitely a disaster. Hindi niya masasabing hindi siya nagkulang pero maraming bagay ang isinakripisyo niya sa pagsasamang iyon. He did a lot of effort to make his marriage work pero ano ang magagawa niya kung ang mas matimbang kay Micaela ay ang glamorosang trabaho nito? Kay Micaela, siya at ang kanilang anak ay malaking hadlang lang sa pagsikat pa nito. Si Micaela rin ang nagsuhestyon na ipa-annul ang kanilang kasal. Ayaw niya noong una sa pagnanais na maisalba pa ang kasal nila pero nakikita niyang doon na rin papunta ang kanilang relasyon. Para dito ay tulugan na lang ang silbi ng kanilang bahay. Minsan nga ay isang linggo itong hindi umuuwi at idinadahilan ang location shooting ng mga commercial na pinagbibidahan nito. She never had time for Twinkle. Buhat nang ipanganak si Twinkle, hindi man lang niya ito nakitaan ng pagmamahal sa anak. Sa halip na magpadede ng anak o kargahin man lang ito, ang mas hinarap ni Micaela ay ang pagbisita sa gym upang maibalik sa dating hubog ang katawan. Even if the s*x between them was always orgasmic and rapturous, alam niyang wala nang pag-asa pa ang kasal nila. Ang gusto ni Micaela ay maging ganap na malaya sa kanya at sa kanilang anak. And so he gave in to her wishes. Hindi na niya ininda ang pagkakatuklas na may interes din pala si Micaela sa pera niya. She pushed her right to conjugal properties. Pinagbigyan niya. Basta isa lang ang kondisyon niya. Ang makuha niya ang sole custody kay Twinkle. And of course, hindi nila pinagtalunan ang bagay na iyon dahil talaga namang walang interes si Micaela sa kanilang anak. Nasaktan siya para sa isang taon pa lamang noon na si Twinkle. Ni hindi nakaramdam ng init ng yakap ng ina ang anak niya. And he made a vow to protect his daughter from her—at sa iba pang babae. Kaya nga wala na siyang balak pang mag-asawa. Hindi madaling humanap ng babae na aalukin niya ng kasal. Baka mamaya ay siya lamang ang gusto at hindi kasali si Twinkle. Kawawa naman ang anak niya. Kung ang mismong ina nga nito ay hindi ito minahal, ibang babae pa kaya? Tama nang makuha niya ang biological needs niya sa mga babaeng willing naman na makapiling niya panandalian. Sa paniniwala niya ay hindi na niya kailangan pang mag-asawa. He already had Twinkle. And his daughter was a wonderful kid, kaya ano pa ba ang hahanapin niya? Women came and went. Lahat ng nakakarelasyon niya ay naiintindihan naman ang nais niya. No strings attached. It was a simple case of scratch-my-back-I’ll-scratch-yours-thank-you-and-goodbye affair. Wala siyang problema sa physical needs. Ang mas nagiging problema pa nga niya ay ang mga kaibigan na nagtutulak sa kanya na mag-asawa muli. Worse, others were throwing women to his direction. And they were all decent and pretty. Wife material din. Pero sorry na lang dahil wala siyang interes. Nagdesisyon siyang magpirmi silang mag-ama sa Baguio tutal ay taga-roon naman talaga ang kanyang pamilya. Nakapag-adjust na rin naman doon si Twinkle at sa pamamalakad niya ay lalo pang naging matatag ang negosyo ng kanilang pamilya. Everything was okay as it seemed. Yet lately, napapansin niya mukhang kailangan niyang pag-ukulan ng pansin ang tungkol sa pag-aasawa niyang muli. Dahil kay Twinkle. Dahil ito man ay nangungulit na rin na magkaroon ng bagong mommy. At mukhang kailangan na nga niyang mag-asawang muli. Huwag na para sa kanyang sarili kung hindi para na lamang kay Twinkle. Mahal na mahal niya ang kanyang anak kaya lahat ng bagay na posible niyang ibigay dito ay ginagawa niya. At kung talagang hihilingin ni Twinkle na magkaroon ng panibagong ina, alam din naman niya na hindi niya iyon maipagkakait sa anak. At malamang, hindi na niya isipin ang para sa ganang sarili niya kundi para na lang sa kanyang anak mismo. At naisip na rin niyang kailangan niyang maging maingat sa pagpili ng babaeng magiging pangalawang ina ni Twinkle. Hindi lang basta maganda at matalino at mamahalin ang kanyang anak. Kailangan ay yaong mapupulutan din ni Twinkle ng mabuting impluwensya. “Jesse, nasaan ang anak mo?” salubong sa kanya ni Doña Marina Monterubio, ang ina ng groom na biyenan naman ng kapatid niyang si Greg. Parang ina na rin ang turing niya dito dahil ulila na rin siya sa ina. “Hinahanap ko nga, Tita. Nagpaalam lang sa akin kanina na magsi-CR siya, hindi na bumalik.” “Sus! Madaling hanapin ang anak mo. Alam mo naman iyon, pagkain ang hilig. Paalala lang ito, hijo, baka maging obese ang anak mo. Aba, hindi lang siya ang mahihirapan pati ikaw.” Tumango siya. “Ginawan na nga ho siya ng diet program ng doctor niya kaya lang pag ganitong may handaan, medyo niluluwagan ko. Kawawa naman kasi kung nakikita niya iyong mga pagkain tapos lulunok-lunok lang.” “Alam mo bang hindi lang basta katakawan ang sobrang hilig kumain?” maingat na tanong nito sa kanya. “Yeah. She was longing for something at pagkain ang napagbabalingan. Plus, there was also a time na talagang hindi ko siya pinigil kumain. Kasi naman, parang iyon din ang nakita kong pagbawi niya.” “Nami-miss niya ang mommy niya? Ano ang sinasabi niya kapag napapanood niya sa TV ang mommy niya?” Payak siyang napangiti. “Actually, hindi naman mismong si Micaela ang nami-miss niya. She was asking for a mommy. Itinutulak na nga ako na pakasalan ko na raw ang girlfriend ko. Kahit sino daw doon, okay lang sa kanya basta magkaroon siya ng mommy. Ayoko naman nang ganoon. Siyempre, kung pagbibigyan ko rin lang ang hiling niya, gusto ay iyong babae na tanggap siya na parang anak na rin at mapagkukunan niya ng mabuting impluwensya.” “Oh,” napailing na wika ni Doña Marina. “Well, Jesse, ikaw ang magdedesisyon sa bagay na iyan. Kami naman, naiintindihan namin what you went through with Micaela kaya hindi rin kita masisisi. Pero hindi rin masama kung mag-aasawa ka uli. We never know, baka iyon nga pala ang talagang magpapakumpleto sa buhay mo. Remember, hijo, hindi naman lahat ng babae ay kagaya ni Micaela. Ang marami nating kaibigan, puro happily married. Sina Greg at Tricia na lang, tingnan mo, going strong ang married life.” Tumango na lang siya. “Sige, Tita. Hahanapin ko muna si Twinkle.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD