Hazel Nang bumaba ako, tapos ng kumain ang lahat. Sinalubong ako ni Tiya Amanda na may mapanuring mga mata. "Pasensya na po. Hindi po ako nakababa agad." Tumaas lang ang isang kilay ni Tiya Amanda sa akin. "Nasa silid-aklatan na ang donya. Hinihintay ka niya dun."utos niya sa akin kapagkuwan. "Sige po."sabi ko at humakbang na ako patungo sa library. Luminga ako sa paligid pero hindi ko na makita si Akiro, mukhang umalis na ito. Nagpakawala ako ng malalim na hininga at tumuloy na ako sa loob ng library. "Maganda umaga po."magalang kong bati nang makapasok na ako. Ngumiti sa akin si Donya Margarita, "Magandang umaga, iha. Umupo ka." Kaagad naman akong tumalima. "Kamusta ka dito?"tanong niya. "Maayos naman po."sagot ko. "Mabuti naman. Ako'y nagpabili narin ng mga iba mo pang da
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


