Chapter 29

1513 Words

Hazel Lumalapit na ang labi niya sa akin kaya mabilis ko itong tinakpan. Tumikhim ako. "Kailangan ko ng bumaba. Ayokong suwayin si Tiya Amanda."saad ko. Bumuntong-hininga siya. "Hindi mo kailangang sundin si Tiya. Ganoon talaga siya, mahigpit at napakaraming patakaran ang ginagawa niya sa bahay na ito."sabi niya. "Wade, kailangan kong sumunod sa mga patakaran na iyon kung gusto ko talagang mapasa-akin ka." Gumalaw ang mga kilay niya at tumaas ang sulok ng labi niya. Naiwas ko naman ang mga mata ko at mabilis kong itinulak siya pagilid. Pero hinawakan niya ang bewang ko at pinigilan akong makalabas. "Hazel, kailan ka nahulog sa akin?"tanong niya. Gulat ko siyang tinignan. "Anong nahulog sa iyo, pinagsasabi mo?" Tinignan niya akong mabuti. "Baka magpunta na dito si Tiya Amanda."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD