Hazel Nag-inat ako at napahinga ng malalim. Gising na ang diwa ko pero nanatili akong nakapikit. Hindi ko alam kung anong oras na akong nakatulog sa kakahintay na makuha ni Wade ang tulog niya- Nagmulat ako at tumingin ako sa tabi ko. At napabuntong-hininga na lang ako ng hindi ko makita si Wade sa tabi ko. Ang ibig sabihin lang nito, hindi talaga siya nakatulog. Tama nga si professor, wala ng epekto ang moonlight tea sa kanya. Napabaling ako sa pinto nang may kumatok dito. "Ma'am?" Mabilis akong bumaba sa kama at sinuot ko kaagad ang roba bago ako lumapit sa pinto at binuksan ito. "Good morning, ma'am." "Magandang umaga."bati ko rin kahit naiilang ako sa tawag sa akin ng katulong. "Malapit na po ang almusal, kailangan niyo na pong maghanda." "Ah?" Nagulat ako nang may luma

