" Sabihin mo sa kanilang lahat na isara ang lahat ng exit." utos ko. Nakita kong nagmadali lahat ng mga tauhan ko sa utos ko. "This time sisiguruhin kong di ka na makakatakas. At sino naman ang mga batang dala mo." kausap ko ang sarili ko. Einjelikeith POV Nagkakagulo ang airport at parang isinarado ang lahat ng exit. Pinapalabas lang nila isa isa ang mga tao. Kinutuban na ako kaya naman tinawagan ko yung driver ko. " Manong punta ka dito sa loob." utos ko at ibinaba ko na. " Mga anak mauuna na kayo sa bahay ahh. May aasikasuhin pa si mommy. Uuwi din ako kaagad. Hintayin lang natin si manong okay ba." paalam ko sa mga bata. " Sige po mommy/ Opo mommy." sabay nilang sabi. " Be a good boy to your sister and you be a good girl to your brother too. Huwag kayong mag aaway ahh." bilin k

