Paano ko siya pababagsakin ano kaya ang first step ko. Ipinatawag ko si Ramil sa isang tauhan ko. " Master ipinatawag mo daw ako." nakayuko niyang sabi. " Tumayo ka ng maayos. May iuutos ako sayo." " Ano po iyon master." " Alamin mo kung saan nakatira ngayon si Einjellikeith." " Masusunod po." tumalikod na siya. " Nga pala. Papuntahin mo dito si Dave." Humarap ulit siya at yumuko. " Yes po. Masusunod po." Sabi niya 20 milyon lang at tumawa pa siya na parang ang liit lang para sa kanya ang 20 milyon. Ang ibang tao nga ay nakikipagpatayan na sa 20 milyon tapos siya parang 200 thousand niya lang. Isang sports car lang daw. Sa mga salita niya parang normal lang na kotse ang sport car sa kanya. " Pinatawag mo daw ako." Preskong presko niya sabi at ibinagsak niya ang kanyang katawa

