Chapter 19

1210 Words
Lumabas na ako sa kwarto niya dala ang apat na bodyguard. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi pa kasi ito ang oras para sabihin sa kanila na kaya ko ang sarili at hindi ko kailangan ang yaman nila. Dahil kaya ko naman lagpasan ang yaman niya. Pero siguro ito tin ang tamang oras para magpalakas para magamit ko ito sa takdang panahon. Naglalakad ako ngayon at hindi ko alam kung saan ako dinadala ng mga paa ko na para bang may mga sarili silang isip na basta na lang naglalakad. Natagpuan ko na lang ang sarili ko nasa harap na pala ako ng bahay. Bumalik ako sa katinuan at nilingon ko ang mga kasama ko. Hindi ko naisip na may kasama pala ako at mukhang pagod na pagod sila sa kakasunod sa akin. " Kuya nilakad po ba natin ito mula hospital papunta dito sa bahay." di ako makapaniwalang tanong. " Tama po kayo ma'am." hingal na hingal na sagot ng bodyguard. Kinapa ko ang cellphone ko at tinignan ko ang oras. Umalis kami sa hospital ng alas-singko at dumating kami dito ng maghahating gabi. Natampal ko ang noo ko sa kagagahan ko. Nagmadali akong pumasok sa loob at inutusan ko ang mga katulong na ipaghanda sila ng inumin at makakain. "Anong nangyayari dito.?" tanong ni daddy. Siguro nagising namin sila sa ingay namin. " Baby nakauwi ka na pala." sabi ni mommy. " Magandang gabi po sa inyo ma'am sir. Hindi ko po akalain na magiging mahirap po pal ang ipinagagawa po ni master sa amin dahil po kay ma'am." reklamo ng isang bodyguard. " Sir bawal po bang gumamit si ma'am ng sasakyan." curious na tanong ng isang bodyguard. " Dahil po sa naglakad po kami, hospital hanggang dito po." " What!" sigaw ni mommy. " Mommy sorry di ko kasi naisip na may mga kasama po pala ako. At tsaka hindi ko rin po alam kung bakit ako naglakad ng ganun kalayo." paliwanag ko " Okay ka lang ba. Di ba may sasakyan naman si Zymon, bakit di mo na lang muna hiniram." " May iniisip lang po kasi ako kanina kaya hindi ko namalayan na naglakad po pala ako ng ganoong kalayo. Kailangan ko ng magpahinga. Good night po." paalam ko at umakyat na ako patungo sa kwarto ko. Humiga ako agad at ngayon ko lang naramdaman ang pagod. Ang sakit ng mga binti ko. Iisipin ko na lang na nag jogging ako ng ganoong kalayo. -------- Dumating ang araw ng kasal namin. Kasalukuyan nila akong inaayusan. Tinignan ko ang cellphone ko at nagtext si Marc Congratulations best friend, ikakasal ka na. Sana maging masaya ka. Best wishes para sa inyong dalawa. Nireplyan ko naman siya. Ginagawa ko ito para sayo dahil best friend kita. At hindi ako magiging masaya sa kanya. Instead na best wishes ang sabihin mo. Welcome to hell ang sabihin mo. Umiiyak na nagagalit ako sa mga oras na ito. Pakiramdam ko isa akong alipin niya. Para bang hawak niya ako sa leeg ko. Hindi ako makahinga sa tuwing iniisip ko siya. " Naku ma'am. Mamaya na lang po kayo umiyak. Masisira po ang make up niyo. Masyado naman po kayong excited sa kasal niyo." masayang sabi ng make up artist. " Kung alam mo lang kung bakit ako umiiyak. Pahingi ako ng tubig." utos ko sa kanya Nandito na kami sa simbahan ngayon at ako na ang susunod na maglalakad. Habang papalapit ako sa kanya. Tinatanong ko ang sarili ko kung may chance ba akong tumanggi. Umiiyak akong naglalakad papunta sa kanya. Umiiyak ako hindi dahil sa natutuwa ako at excited ako kundi umiiyak ako sa sakit at sa galit. Hindi ko alam kung bakit ko ito ginagawa. Dahil ba sa utang na loob o dahil sa kailangan kong iligtas ang kumpanya ni Marc at si Nathan. Siguro nga nacheck mate niya lang talaga ako. Buti na lang at waterproof ang makeup ko ngayon kung hindi baka mukha na akong gusgusin at pinakapangit na bride na nakilala nila. Gusto ko pa rin maging magandang bride sa araw ng kasal ko kaya tumigil na din ako sa kakaiyak. Kinuha ni papa ang kamay ko at ibinigay niya ako sa kanya. " Ikaw na ang bahala sa kanya." inihahabilin na ako ni daddy kay Zymon. Pakiramdam ko ito na talaga ang oras na pagmamay-ari na talaga niya ako. Mas lalo akong naiyak. Hawak na ni Zymon ang kamay ko at naglakad kami papunta sa harap ng altar. Wala akong naintindihan sa mga sinabi ng pari. Hanggang sa magpalitan na kami ng singsing. " Vince Zymon Versosa bukal ba sa iyong loob ang iyongpagparito upang makaisang-dibdib si Einjelikeith Del Fuente na iyong pakamahalin at paglilingkuran habambuhay?" tanong ng pari. " Opo father."sagot ni Zymon. " Einjelikeith Del Fuente bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Vince Zymon Versosa na iyong pakamahalin at paglilingkuran habambuhay?" tanong ng pari. Umiyak muna ako dahil ito na talaga. Pinag-iisipan ko pang mabuti kung ano ang isasagot ko. Nakikita ko sa mga mata niya na kinakabahan siya na baka umatras ako. Nilingon ko din sila mommy at daddy at halata sa mga mukha nila na kinakabahan sila. Naghihintay din ang lahat sa sagot ko. "Uulitin ko Miss Einjelikeith.... Einjelikeith Del Fuente bukal ba sa iyong loob ang iyong pagparito upang makaisang-dibdib si Vince Zymon Versosa na iyong pakamahalin at paglilingkuran habambuhay?" tanong ulit ng pari. "O-opo fa-father." nauutal kong sabi. " Kung ganoon ay kinikilala na kayo bilang ganap na mag-asawa. Palakpakan natin sila." sigaw ng pari. Nakahinga ng maluwag si Zymon sa sagot ko. " You may now kiss your bride." sabi ng pari. Tinanggal na niya ang nakatakip sa aking mukha. Gusto ko sanang tumanggi pero inaasahan ko naman talaga ito. Kaya wala rin akong magagawa. Hinawakan niya ang aking mukha saka niya ako hinalikan pero smack lang na dalawang segundo lang ang itinagal. Pagkatapos ng picture taking ay dumeretso kami sa reception. Iisipin ko na lang na isa akong artista na umaakting lang para di na ako mahirapan mamaya. Kailangan na magpanggap kaming nagmamahalan mamaya para mas marami pa ang papasok na investor kay Zymon. Kukunin ko rin ang mga pangalan nila para hikayatin balang araw. Wala kaming ibang ginawa ni Zymon kundi ang sumayaw at mag entertain ng mga bisita. Dahil isa na sa pinakamayaman ang asawa ko ay madami ang mga investor ang nanliligaw sa kanya. Hindi ko alam kung reception na ba ng kasal ang tawag dito o party para sa mga investors. " Kailangan ko ng magpahinga pagod na ako." paalam ko kay Zymon. " Sabay na tayo. Magpapaalam lang tayo kila mommy at daddy. " sabi niya May tinawagan siya sa cellphone niya at saka kami pumunta sa nireserve niyang kwarto para sa amin. Naglinis muna ako ng katawan ko bago ako humiga. "Hindi porket mag-asawa na tayo ay may karapatan ka ng tumabi sa akin." " Kaya nga mag-asawa di ba." " Mag-asawa lang tayo sa papel. Doon ka sa couch matulog. Dito ako sa kama." " Kailan naman tayo magha honeymoon." " Tumigil ka. Pagod na ako pwede ba. Tama na muna. Panalo ka na. Pwede pagpahingain mo naman ako please lang." humiga na ako at ibinato ko sa kanya ang isang unan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD