Nakokosenya tuloy ako sa mga sinabi. Pero ayokong magsorry sa kanya. Hayyss nakakainis naman... anong gagawin ko. Pupuntahan ko na nga lang siya.
Nandito ako ngayon sa pinto ng kwarto niya pero ayokong pumasok dahil sa pride ko. Hindi ko alam kung kakatok ako o aalos na lang ako.
May bumukas sa pinto niya at nandito ako sa harap ng pintuan at sakto sa nagtama ang mga mata naming dalawa.
Siya yung kaibigan ni Zymon. Siya si Dave.
" Gusto mo bang pumasok." at niluwagan niya ang pinto.
Tinignan ko ang pasyente, nakita kong gising siya. Nakaka-kaba naman ito. Parang mas nakaka-kaba pa ito kesa sa magpatayo ng isang negosyo. Hindi na naman ako makahinga. Hindi ako ulit pwedeng mahimatay. Huminga ako ng malalim at pinilit na huminga ng normal.
" Tatayo ka lang ba diyan at tutunganga." pagkasabi niyang iyon ay tumayo ako ng tuwid at hinarap ko siya.
Hindi naman ako kriminal para kabahan ako ng ganito. Pero bakit guilting guilty ako.
Huminga ako ng malalim bago magsalita. " So-sorry." mahina kong sabi habang nakayuko.
" Anong sabi mo? di ko marinig eh." ewan ko kung nagkukunwari ba siya o talagang walang narinig. Baka naman inaasar na naman ako nito.
" Soooorry?." medyo mahina kong sabi.
" Sincere ba iyan." pang iinsulto niya.
" Bakit mo ba ako pinahihirapan. Nag sosorry na nga ako eh." inis na inis kong sabi.
" Hindi ko naman sinabing magsorry ka." pagmamatigas niya.
Huminga ako ng malalim. " Bahala ka na nga diyan. Basta nagsorry na ako. "
" Naghuhugas ka lang siguro ng kamay mo."
"Bakit naman ako maghuhugas ng kamay ko. Wala naman akong kasalanan sayo."
" Bakit ka din nagsosorry kung wala kang kasalanan."
" Ah--kasi--." nauutal kong sabi.
Napakagat labi na lang ako
" Baka naman gusto mo lang akong makita kung patay na ako para masolo mo lahat ng mga kayamanan ng Versosa at Del Fuente." Nagkibit balikat pa ito.
" Anong pinagsasabi ko. Hindi naman ako ganoong klaseng tao ah."
" Wala ka naman magagawa dahil lahat ng akala mong para sa iyo ay nakapangalan na lahat sa akin. Pati ang mga ari-arian ng mga Del Fuente ay sa akin na nakapangalan lahat. Kaya wala ka ring takas dahil ilang araw na lang ay idadaraos na din ang kasal natin sa ayaw at sa gusto mo."
Lumingon ako sa likod ko ay nakapila na pala ang mga bodyguards niya at sigurado akong wala na akong takas sa kasal na ayoko.
Tumayo pa rin ako at sinubukan pa ring makawala sa kanila pero wala akong laban sa kanila.
" Ano ba ang kailangan mo para hindi matuloy ang kasal. At pwede ba hindi mo naman ako pag aari pero parang ginawa mo ako pag aari mo!." sigaw ko sa kanya
" Tama ka. Hindi nga kita pag aari pero. Ito ang paraan para protektahan ang sarili ko sa kahihiyan na idinulot nilang lahat.!" sigaw niya din sa akin.
Lumabas ang mga bodyguards niya at nilock ang pinto. Sigurado naman ako na nasa labas silang lahat kaya wala din akong takas.
" Bukas. Babalik na tayo sa isla."
" Pwede bang palayain mo na ako. Nasa iyo na lahat ng gusto mo. Kapangyarihan at kayamanan. Ano pa ba ang kailangan mo sa akin. Para na akong ibon ngayon na wala ng pakpak. Hindi ko na kayang makipagsabayan pa ngayon sa taas ng lipad mo kaya naman pakiusap pakawalan mo na ako." nakikiusap ako sa kanya habang umiiyak.
" Hindi na magbabauo ang desisyon ko. Kaya wala ka ring magagawa."
" Ang akala mo wala. Meron pa rin akong magagawa. Kaya kong tumutol sa harap ng pari."
"Sa tingin mo ba ganoon ako kabobo para hindi maisip iyon. Nasa panganib ang negosyo ni Marc ngayon. Kaya ikaw lang ang makakapagsalba nito."
" Bakit ganyan ka na ngayon. Napakasama mo na at ganid ka na, sakim!" sigaw ko.
" Hahahahaha." tumatawa siya ng nakakaloka." Sa tingin mo ba, bakit ko ito ginawa?" galit na galit niyang sabi
" Ano ba ang ginawa ko para maging ganito ka kasama."
" At nga pala muntik ko ding makalimutan si Nathan." nakangisi niyang sabi.
" Wala pa naman, pero kung gagawa ka ng hindi ko magugustuhan ay lahat ng mga malapit sayo ay pupulbusin ko." babala niya sa akin.
" Huwag mo siyang gagalawin. Oo na papayag na ako basta mangako ka sa akin na huwag na huwag mo silang gagalawin lalo na si Marc. Pakiusap."
" Ganyan ang gusto ko. Ang marunong kang makiusap."
" Check mate mo na ako kaya wala na akong takas pero pakiusap di mo na ako kailangang ikulong para lang siguraduhing hindi ako tatakas sa araw ng kasal natin. Pupunta ako para iligtas ang mga kaibigan ko."
" Mabuti kung ganoon at nagkakaintindihan tayo."
" Siguro naman kailangan ko na ding umalis."
Binuksan ko ang pintuan pero hinarang nila ako.
" Kailangan mong magdala ng apat na bodyguards."
" Hindi ko kailangan ng bodyguards." pagmamatigas ko.
" Kailangan mo dahil magiging asawa ka ng pinakamakapangyarihang tao kaya maraming maiinit na matang nakaabang sayo. Kaya mas masisiguro kong ligtas ka."
" Ang sabihin mo, magdadala ako ng mga mata para ireport lahat sayo ng mga ginagawa ko."
" Parang ganoon na din."
Kahit na tatanggi ako sa bodyguard na yan ay wala pa rin akong laban sa kanya.