" Bakit nandito ka. Bahay ko to."
" Ang kapal mo naman." biglang sumagi sa isip ko na siya pala ang tunay na anak at di ako.
" Baka nakakalimutan mo." pagpapaalala niya sa akin.
" Tama na.!" pigil ko sa kanya.
" Teka totoo ba? na boyfriend mo itong lalaking ito." turo ni daddy.
" Ye-yes dad. Hindi ko lang po masabi sa inyo noon na may boyfriend na ako dahil sa sunod-sunod na pangyayari. Wala akong chance para sabihin sa inyo. Nagkakilala kami sa New York."
" Pero kahit na. Nag two time ka pa rin. At saka sabi mo ako ang first kiss mo." pagpapaalala niya sa nangyari.
" Tumahimik ka na nga."
" Totoo ba na nag two time ka. Niloko mo ako Keith. Akala ko pa naman tapat ka sa akin. Ang akala ko mahal mo ako." ang galing umakting ang taong to ah, siguro ayaw niya lang bawiin ko yong sports car. Kaya ginagalingan niya.
Napasmile ako sa galing niya.
" At may gana ka pang tumawa sa sitwasyon na ito."
" Ah so-sorry, kinilig kasi ako sa mga si-sinabi mo." palusot ko
" Anong nakakakilig doon.?" tanong naman ng mokong na ito. Panira talaga ang isang to.
" Eh anong pakialam mo. Eh sa mahal namin ang isa't isa. Di kagaya mo. Puro kayabangan lang ang alam."
" Pwede ba?! hindi ko na alam ang gagawin ko sa inyo.?!" sigaw ni daddy.
" Pwede bang umuwi ka na muna. May pag uusapan lang kaming pamilya." pagtataboy ni mommy kay Nathan.
" Mommy? Boyfriend ko siya. Bakit niyo siya paaalisin."pagtatanggol ko kay Nathan.
" Sa tingin mo ba nakakatulong itong ginagawa mo? Mas pinapalala mo pa ang sitwasyon." paliwanag ni mommy
" Mukhang kailangan ko na nga talagang umalis."
" Wait, teka."pigil ko sa kanya.
" Magkita na lang tayo."
" Saglit lang." at tuluyan na siyang umalis.
" Ano na?! masaya na kayo? Pati kung saan ako masaya kukunin niyo din."galit na galit ako sa kanila.
" Dahil ito ang mas nakakabuti para sayo."
" Nga pala. Ikaw *turo ko kay Zymon* Nasaan ang daddy mo. Ibig kong sabihin si Mr. Versosa." tanong ko sa kanya.
" Bakit mo tinatanong kung nasaan siya."
" Kailangan ko siyang makita. Sa lalong madaling panahon dahil siya ang punot-dulo ng paghihirap ko ngayon."
" Puntahan mo siya, kung gusto mo siyang puntahan iteitext ko sayo address niya ngayon na." kinalikot niya ang cellphone niya hanggang tumunog ang cellphone ko.
" Ano to? nagbibiro ka ba?" naiinis kong tanong.
" Oh bakit. Sabi mo gusto mo siyang makita."
" Eh sementeryo naman itong binigay mong address." at doon ko lang napagtanto na patay na siya.
" Eh sa diyaan siya nakalibing."
Nanghina ang mga tuhod ko kaya napahalumpasay na lang ako.
" Baby.!? anak, anong nangyayari sayo. Manang tubig, Manang tubig" sigaw ni mommy.
Mayat maya pa ay hindi ako makahinga at nawalan na naman ako ng malay.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Laro tayo."sabi ng batang babae
" Ayoko. Dahil mahina ka." sabi ng batang lalaki.
"Tigilan mo na siya. Kundi lagot ka sa akin." sabi din ng isa pang batang lalaki.
"Ikaw lagi mo na lang akong inaasar." umiiyak na ang batang babae.
" Tignan mo, umiyak na tuloy siya dahil sayo. Salbahe ka kasi." pagtatanggol ng batang lalaki.
" Mahina kasi siya kaya siya umiiyak." sabi ng nang-aasar na batang lalaki.
" Paglaki ko, bubugbugin kita kung hindi mo titigilan ang pang-aasar sa kanya. Hindi mo ba alam na magiging girlfriend ko siya balang araw kaya tumigil ka na." utos ng batang lalaki.
Nakaramdam ako ng pagkahilo at sakit sa ulonkaya naman idinilat ko ang mga mata ko.
Hindi ko akalain na nandito pala ako ngayon sa hospital. At isa pang di ko inaasahan na nandito si Nathan at si Vince Zymon.
" Gising ka na. Teka lang tatawag ako ng doctor." taranta ni Nathan.
" Ako na ang tatawag." walang buhay na sabi ni Zymon.
" Bakit pa siya nandito kung wala naman siyang ganang bantayan ako."parinig ko sa kanya at dahilan para huminto siya.
" Ahhh.." hindi niya maituloy ang sinasabi niya na parang pakiramdam ko may kasalanan pa ako." Ako na lang ang tatawag." prisinta ni Nathan dahil sa hindi na tumuloy si Zymon.
" Ewan ko kung ano ba ang iniisip ko at kung bakit ako nagsasayang ng oras sa walang kwentang tao. At hindi marunong tumanaw ng utang na loob." Yung boses niya, ewan ko ba kung nagagalit ba siya o nagpapakonsenya.
" Bakit ka ba kasi nandito. Tsaka di ba busy kang tao." sarcastic kong sabi sa kanya.
" Tama ka nga. Itutuloy ko nga pala yong unfinished business ko."
" May nalalaman ka pang unfinished business." plastic akong tumawa ko
"Sige mauna na ako."paalam niya
" Aba dapat lang na umalis ka na. Tutal meron naman ang boyfriend ko na nag-aalaga sa akin."
" Miss Del Fuente, huminahon po kayo, hindi po nakakatulong sa inyong paggaling ang magalit." pagpapaalala ng doctor.
" Bakit doc, ano po ba ang sakit ko. Malala po ba doc?" pag-aalalang tanong.
" Huwag po sana kayong mabibigla pero kailangan niyo ding malaman." sabi ng doctor.
" Ano po ang dapat kong malaman?, may taning na po ba ang buhay ko doc?" kinakabahan kong tanong.
" Ano ka ba, nagpapatawa ka ba. Hindi naman malala ang sakit mo. 7 days kang walang malay. At sa lahat ng test ko ay maayos ka naman. Ang kailangan mo lang ay psychiatrist." pagpapaliwanag niya.
" Bakit ko kailang ng psychiatrist doc?, baliw na po ba ako?" curious kong tanong.
" Hindi ka naman baliw pero kailangan mo iyon para sa hinaharap mong stress kaya ka laging nahihimatay dahil sa stress." paliwanag niya ulit.
" Si Zymon?" tanong ni Nathan.
" Umalis na siya."
" Bakit mo pinaalis. Alam mo bang wala pa siyang pahinga para lang bantayan ka."sermon sa akin ni Nathan.
" Anong pakialam ko. Hindi ko naman siya inutusan para bantay niya ako."pamamatigas ko.
" Doc! si President nawalan daw po ng malay!" sigaw ng isang nurse.
" Sinong president?" tanong ko.
Pero umalis na yung doctor.