Chapter 10

1101 Words
Einjelikeith POV Nasaan ako? Teka ano ba ang nangyari kahapon. Pilit kong inaalala ang lahat ng nangyari. Nagkasagutan kami tapos hinalikan niya ako. Walang hiya iyon. Kinuha na nga niya ang first kiss ko tapos hinalikan niya pa ulit ako. Teka nasaan nga ba ako at bakit iba na ang suot ko. Anong oras na kaya. May biglang pumasok. Sino to? Base sa suot niya mukha siyang kasambahay at may dalang pagkain. " Nasaan ako? anong oras na.?" dali dali akong bumaba sa kama. " Ah ma'am, sorry bawal po kayong lumabas kundi matatanggal po ako sa trabaho." Ano ba naman iyan, Sino ba sino naman kaya siya para daanin niya ako sa paawa ng katulong. " Sino po ba ang amo niyo po manang." magalang kong tanong sa kanya. " Si Master Vince Zymon Versosa po ma'am." " Manang may itatanong po ako?" " Ano po iyon ma'am." " May kakambal po ba si Vince Zymon po manang." Pagkakataon ko na ito. " Nagpapatawa po yata kayo ma'am." mukha bang nakakatawa iyong sinabi ko. " Kilala niyo po ba si Ronie manang.?" " Hindi po ma'am. Sino po ba si Ronie." " Kung wala pong kakambal ang amo niyo po at di niyo kilala si Ronie. Teka bakit ako nandito sa bahay ng amo mo po. Kailangan ko ng umalis. Balita ko po kinatatakutan siya nang lahat. Ayoko pa po mamatay." nagmamadali akong lumabas. Pero pagbukas ko nang pinto ay nauntog ako sa dibdib niya. " Ikaw, anong ginawa mo sa akin?" " Manang labas po muna kayo." utos niya sa katulong at hinila niya naman ako papasok. " Nextweek na ang kasal natin." " Ano?! nagpapatawa ka ba? hindi ba't kinansela ko na ang engagement natin.?" " Na hindi mo naman sinabi sa mga magulang mo. Huwag kang mag alala sa wedding dahil inayos ko na ang lahat. Mamaya nandito na ang magsusukat sayo sa gown mo." " Pwede ba tigilan mo nga ang kalokohang to." " Sinabi ko sa mga magulang mo na dito ka natulog sa bahay ko. At nagbigay ako ng litrato na magkasama tayong natulog sa kama. At dahil doon, Next week na ang wedding natin. O diba ang saya." " Uuwi na ako.!" " Sa tingin mo makakauwi ka." " Makakauwi ako." " Edi umuwi ka, Lumangoy ka pauwi." " Ano? Anong sabi mo?" gulat kong tanong sa kanya. " Hindi ka naman siguro bingi. Narinig mo ang sinabi ko. Nandito tayo ngayon sa nabili ko isla. Di ba ang saya saya. Mauuna ang honeymoon natin kesa ang kasal.?" Nung binanggit niya ang honeymoon bigla akong kinalibutan at kinabahan. Dali-dali akong pumunta sa pintuan pero parang may narinig akong ingay mula sa pintuan. Pilit kong binuksan ang pintuan pero ayaw mabuksan. " Hindi ka makakalabas dito sa kwarto. Dahil may inilagay akong special na lock ang pintuan na yan na ako lang ang makakapagbukas." " Hayop ka! mas masahol ka pa sa hayop!" " Kung magiging mabait ka sa akin. Pakakawalan kita , Pero kung hindi" " Hindi ano? anong gagawin mo sa akin." unti unti siya lumapit sa akin. Kaya napasandal na lang ako sa pinto. " Simple lang." sabay hawak niya sa buhok ko. " Ano ba kasi ang kailangan mo sa akin at bakit mo ako ginaganito.?" umiiyak na ako sa takot ko sa kanya. " Shhhh wag kang umiyak, Hindi naman kita kayang saktan dahil ikaw lang ang minahal ko at mahal ko." " Kung mahal mo ako bakit mo ito ginagawa sa akin." " Ikaw ang may gawa sa akin nito!" sigaw niya " Bakit anong nagawa ko sayo." " Ano ba Keith nakalimutan mo na ba ang pangako mo sa akin?" " Wala naman akong alam na ipinangako ko sayo." " Ako si Monmon yung batang pinangakuan mo pero hindi mo na maalala." sigaw niya sa akin " Ikaw si Monmon. * mahinahon kong tanong* kung--? bakit--? ano to--? Hindi ko maintindihan" " So naaalala mo pa rin ako." kalmado na siyang nagsasalita. " Naalala kita, Ikaw ang nakalimot. Ilang taon kang nawala. Tapos susulpot ka para dito at nagawa mo pang pabagsakin ang pamilya ko. At hindi ganyan si Monmon na kilala ko noong mga bata pa tayo. Ang kilala kong Monmon ay ipinagtatanggol niya ako hindi ito na gusto mo akong maging sunudsunuran sayo.!" sigaw ko sa kanya. Gigil na gigil ako.. Ang dami niyang pasabog ngayon. Nakaramdam ako ng pagod kaya nahalumpasay na ako sa sahig habang umiiyak. " Anong nangyari sayo." Binuhat niya ako papunta sa kama. Hindi pa kasi ako kumain kaya mas lalo akong nanghihina tapos dumagdag pa ito. " Umalis ka na muna please lang." " Pero-?" " Gusto mo ba akong mamatay." " Sige aalis na ako." Buti naman at sumunod siya. Kung hindi baka mamamatay na ako dahil sa stress sa kanya. Mas lalo akong di makahinga. Buti na lang at may pagkain kaya kumain muna ako at magpahinga. Para may lakas ako mamaya na makipag usap sa kanya at makapag isip ng gagawin. Teka yung cellphone ko nasaan nga pala. Wala dito. Baka kinuha niya para di ako makapagsumbong . Haystt. buhay naman oh. Maliligo na sana ako pero wala pala akong damit. Binuksan ko ang cabinet wala ding damit. Bubuksan ko sana ang pinto pero nakalock. Ano ba yan. " May tao pa diyan. Buksan niyo naman ito. Kailangan ko ng damit. Maliligo na ako, wala akong damit." Maya-maya ay may narinig akong yapak papalapit sa akin. "Ano iyon.?" bungad niya. " Wala akong damit pampalit." " Manang pakiakyat ang maleta niya." " Maleta! anong maleta." gulat kong tanong " Maleta lalagyan ng damit malamang, may iba pa bang ibig sabihin ng maleta." pilosopo niya. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit ng ulo ko. Napaisip kong tumakas kaya naman nagtungo ako sa pintuan. " Saan ka pupunta." sabay hawak niya sa kamay ko. " Bitiwan mo ako kung hindi tatamaan ka sa akin." " Bakit anong gagawin mo sa akin ah." " Bitaw! "Pero di niya pa rin ako binitawan kaya naman tinuhod ko ang pag aari niya. "ARAYYY!!! tumakbo ako palabas. "HUWAG KANG MAGPAPAHULI SA AKIN KUNDI MAKAKATIKIM KA SA AKIN!!" sigaw niya. Tumakbo ako ng tumakbo palabas ng bahay niya. Totoo nga ang sabi niya, nasa gitna kami ng isla. Buti na lang at mataas pa ang araw. Sakto may nakita akong bangka pero di ako marunong nito, pero bahala na. "Sa tingin mo makakatalas ka sa akin." Galit na galit niyang sabi kaya naman itinulak ko na ang bangka. Pero minamalas ka naman ay nahuli pa rin ako ng mga tauhan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD