Chapter 09

1235 Words
Ramdam kong parang umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil ramdam kong nag-iinit ang mga pisngi ko. Sigurado na akong namumula na ang mga ito. " Hinalikan mo ako. Sinadya mo yun." " Bakit ko naman ibibigay sayo yung first kiss ko noh.?" paninisi ko sa kanya. " Ikaw ang humila sa akin kaya kita nahalikan, Swerte mo nga sa katulad ko pang gwapo napunta ang first kiss mo. Sa pangit mong iyan, sino kaya ang gustong humalik sayo." panlalait niya sa akin at nag wink pa siya, na tipong akala niya, siya ang pinakagwapo sa buong mundo. " Ikaw Ronie, * hindi na ako makatiis sa panlalait niya sa akin kaya naman hinubad ko ang maskara ko* ikaw! hindi mo kasi tinitingnan ang nilalakaran mo, Di porket ikaw ang boss pwede ka nang bumangga na kung sinu-sino...*huminto ako saglit*.. Nakita ko rin ang tunay mong kulay. Sobrang yabang mo. Akala mo ikaw ang pinakamagaling, pikanagwapo, at ikaw din ang pinakamayabang na nakilala ko.! Ibalik mo na sa akin ang kumpanya namin.."na galit na galit kong sabi sa kanya. Natulala lang siya sa akin, pati na din ang mga nasa paligid namin. " Cancel na ang engagement natin. Sasabihin ko na din ito kina mommy at daddy tungkol dito" " Wait, saglit lang." papikit ang mga mata niya na parang nagloloading pa sa utak niya lahat ng nangyayari. " Why, what is it." tanong ko sa kanya. " Look, argh!! how can you do this to me? pinaglalaruan mo lang ba ako ahh." hindi ko alam kung galit siya o naguguluhan lang siya. " Did what? this? * turo ko sa maskara na hawak ko* bakit? nasaktan ka ba, diba ito siguro ang paraan niyo ng kakambal mo na si Vince Zymon para durugin ang pamilya ko, kasama na ako na wala akong kaalam alam sa mga transaction niyo ni dad." reklamo ko sa kanya. " Anong pinagsasabi mo." hinila niya ako sa office ni daddy na ngayon ay opisina na niya. " Bakit nahihiya ka ba sa mga tao dito, di ba ikaw ang boss, so what is the point para mahiya ka, di a makapal ang mukha mo."lakas nang loob kong mang inis sa kanya. Lumapit siya sa akin at humakbang naman ako paatras. Nakatingin lang ako sa mga mata niya, nakikita konsa mga mata niya na galit na galit siya. Humakbang pa ulit siya papalapit sa akin at kasalungat din ang ginawa ko hanggang sa nasa pader na ako at ikinulong niya ako sa mga braso niya. Habang nakatingin ako sa mga mata niya ay nakaramdam ako ng takot. Takot na napapalunok ka na lang nang laway mo. " Lu-lumayo ka, a-anong gi-ginagawa mo." nauutal ko sabi. Ngunit di pa rin siya nagsasalita bagkus nakatitig lang siya sa mga labi ko. " Tumigil ka! " sabay iwas ko sa kanya. Kinakabahan na ako sa sitwasyon ko. Na anumang oras ay baka may gagawin siyang di ko magugustuhan. " Ilabas mo ulit ang tapang mo. Yung katulad kanina." mahina niyang sabi. Di ako umimik dahil baka mas lalong magalit siya sa akin. " Bakit natahimik ka, kanina ang tapang tapang mo tapos ngayon di ka umiimik. Baka naman." " Baka naman ano? "putok ko sa sinasabi niya, Itinulak ko siya palayo dahil para di na ako mahinga sa sitwasyon namin pero matigas siya. " Iyan ang gusto ko palaban." tumawa lang siya " Pakawalan mo ako dito.!" utos ko sa kanya " Ano nga ulit yung sinabi mo kanina na ako ang pinaka mayabang na nakilala mo." " Eh totoo naman ah. Ikaw ang pinakamayabang na tao sa lah-" Hindi ko inaasahang hinalikan niya ako. Itinutulak ko siya palayo pero ang tigas niya. Ginamit ko lahat ng pwersa ko pero di pa rin niya ako pinakawalan. Nakakapanghina ang halik niya. Para akong nanlalambot dahil yung halik niya ay halik ng isang galik. Nanlambot ang mga tuhod ko kaya naman mapapaupo na sana ako pero hinawakan niya ang mga beywang ko dahilan para mapayakap ako sa kanya, pero di ko siya sinasabayan ang halik niya sa akin. Nanikip ang dibdib ko kaya napapikit ako hanggang sa nablack out na ako. Vince Zymon POV Ang akala ko nasarapan siya sa halik ko dahil sa pumikit siya pero ang hindi ko inaasahan ay nawala siya ng malay. Ilang beses kong tinapik tapik ang mukha niya pero di pa rin siya nagigising. Dinala ko muna siya sa mansion ko. Dito sa kwarto ko siya pinagpahinga. Tumawag na din ako ng doctor pero ang sabi ay nag faint lang siya dahil naubusan siya ng hangin. Bumaba muna ako para sabihin kay manang Fely na ipaghahanda niya ng pagkain si Keith. Si manang Fely ay matagal na sa amin. 40 years mahigit na siya nanunuluyan sa amin. Kaya halos siya na ang tumayong ina ko. Ikinuwento ko na din sa kanya na may fiance na ako at nangako ako sa kanya na ipapasyal ko siya dito. " Siya na ba yung fiance mo.? tanong ni manang sa akin. " Oo manang. pakihanda mo siya ng pagkain manang at pakibihisan niyo na din siya. May nabili na po akong damit niya nasa paper bag. Nandoon na din sa tabi niya. At pagkatapos niyo po siyang bihisan pakilock po ang pinto para di siya makatakas. Aalis po kasi ako. Kayo na po ang bahala sa kanya. Bukas ko na lang siya pupuntahan. Siguraduhin niyo manang na di siya aalis." at umalis na ako dahil baka madami pa siya itanong sa akin. Biglang may tumawag sa akin at hindi ko na lang tiningnan kung sino siya. " Hello." bungad ko sa kanya. " Nasaan si Keith? " "Problema mo?" Pang aasar ko sa kanya. " Syempre problema ko dahil best friend ko siya. Pakialam mo."galit niyang sabi niya " Nandito siya sa bahay ko." kalmado kong sagot. " Anong ginagawa niya diyan. At hindi naman siya ganyang klaseng babae. Susunduin ko na siya." " Best friend ka lang niya at ako ang fiance niya kaya mas may karapatan ako kesa sayo." " Teka kakausapin ko siya." " Natutulog na siya." " Di ako naniniwala sayo." " Di huwag ka maniwala. I don't care." Binaba ko na ang tawag dahil wala naman siyang kwentang kausap para sa akin. Nagpasya akong sa guest room muna ako matutulog. Naghahanap ako ng maid ko ngayon. Ang hirap ng malaking bahay. Para naman ang nakikipagtaguan sa mga kasambahay. Kanina pa ako paikot ikot dito sa bahay pero ni isa wala akong makita hanggang sa may naririnig ako ingay. " Ang ganda naman niya." parang kinikilig pa yung isa. " Oo nga, sana maging kamukha niya ang magiging anak ko." " Parang anghel na bumaba sa lupa." " Girlfriend kaya siya ni master." " Aba syempre, sa gwapo ni master alangan naman na sa pangit siya mapunta gaya mo." " Si manang Fely naman di na mabiro." Nagpekeng ubo ako sa likod nila kaya naman para silang mga daga na nakakita ng pusa. Agad naman silang nagform ng linya. " Binabayaran ko ba kayo para magkwentuhan sa harap niya. At di pa kayo nahiya sa harap talaga ng mapapangasawa ko.!" " Sorry po master." Lakas ng loob ni manang na akuin ang paghihingi ng patawad. " Manang fix this! o baka naman gusto nilang masesante." " Naku master sorry na po di napo mauulit." pagpapakumbaba nila. " Pakilinis ang guest room malapit dito." utos ko sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD