Chapter 08

1274 Words
" Ano iyon.?" curious na tanong ko sa kanya. " Basta bukas ng umaga pupuntahan kita ."pagmamadali niyang sabi na tila di na siya mapakali. " May trabaho pa ako bukas. Sa kumpanya na lang tayo magkita during break time okay. Pati ako may sasabihin din ako sayo bukas." kalmado ko sagot sa kanya. " Okay send ko na lang sayo yung location kung saan tayo magkikita." " Okay, sige good night." paalam ko sa kanya saka ko na binaba. Ano kaya yung sasabihin niya. Gulong gulo na nga ako sa Vince Zymon at ang Ronie na ito tapos may sasabihin pa si Marc. Sasabihin ko din kay Marc lahat ng nalaman ko para naman may plano kami kung paano siya pabagsakin. ----------- " Angela, may pagbabago lahat ng schedule ko dahil hindi na muna ako papasok sa kumpanyang to dahil marami din akong inaayos. At kung magkakaproblema dito at may ipapapirma kayo sa akin ay pakitawagan na lang itong numerong to." at may ibinigay siya sa akin na calling card. " Dave Agoncillo" sabi ko. Parang kilala ko itong taong to. Tama yung nasa bar siya yata ito. Right hand niya kaya si Dave.? Mabuti na wala siya at malaya akong makakahuha ng impormasyon duto sa kumpanya namin. Nagmamadali siyang umalis pagkatapos niyang pirmahan lahat ng kailangan dito. --------- " Bakit ganyan ang itsura mo." nandidiring tingin sa akin ni Marc. " Nagtatrabaho pa kasi ako. Kaya pasensya na, wala na kasi akong oras para magpalit."pagrereklamo ko sa kanya. " Okay may nalaman ako tungkol sa pinakamakangyarihan na tao sa mundo ng business." excited niya sabi. " Kilala ko na, si Vince Zymon Versosa." walang kabuhay buhay kong sabi sabay sumipsip ako ng juice. " Wait pa-paano mo nalaman?" tanong niya sa akin. " Iyan din ang sasabihin ko sana sayo kaso mukhang pareho tayo ng alam. Ang kaso naguguluhan ako kung sino siya dahil ang sabi sa akin nung driver kagabi ay yung nag utos sa kanya ay siya daw si Vince Zymon eh siya naman si Ronie. Dahil siya lang naman ang nag utos sa kanya tapos ang sabi niya ay never pa niya daw nakikilala at never pa niya daw nakita yang Ronie na yan, Oo naririnig niya daw ang pangalang ronie pero di pa niya daw nkikita." mahaba kong kwento sa kanya. " Ano? ang gulo naman.? so sino si Vince Zymon na yan at sino nga ba yang si Ronie na yan.?" naguguluhang tanong niya sa akin. " Iyan ang dapat nating malaman." " Paano eh mukhang nakakatakot yang Vince Zymon na iyan dahil.? " " Kay Mr. Chua?" pagputol ko sa kanya. " Paano mo alam? mukhang ang dami mo na ding alam ahh. Para ka nang detective sa dami ng alam mo ahh." pangbobola niya sa akin.. " Nga pala may ibabalita ako sayo." " Tignan mo ang dami mo talagang alam." pambobola niya ulit sa akin. " Si Ronie kasi nagpaalam siya kanina na di na muna daw siya magtatrabaho sa kumpanya namin dahil madami daw siya aasikasuhin sa iba pa niya negosyo at ang sabi pa niya kung may ipapapirma daw ang kumpamya ay ipapaabot ko na lang kay Dave Agoncillo." mahaba kong lintaya sa kanya. " Sino na si Dave Agoncillo na yan." tanong niya sa akin. "Naalala mo yung sa bar, diba Dave yung pangalan nun.?"sagot ko sa kanya. " Ah iyong bang kasama niya dun?. " tanong niya sa akin. " Oo. " maikli kong sagot. Natahimik kami ng saglit. " Naisip ko lang noong mga bata pa tayo. Naalala mo ba iyong kalaro natin na si Monmon. Ang tagal na din eh noh. Kumusta na kaya siya. Mas gwapo na kaya siya ngayon.? Ang tagal na din, kailan ka siya uuwi. Nakalimot na kaya siya siguro. " naalala ko lang ang nakaraan. Flashback... " Tagu-taguan tayo." suggest ko sa kanika ni Marc at ni Monmon. " Sige." sagot ni Monmon. Nadito kami ngayon sa park para maglaro. " Dahil ikaw ang babae ikaw ang taya." sabi ni Marc. " Di porke babae ako, ako na dapat ang taya.?" naiinis kong sabi kay Marc " Ako na lang ang taya." pagtatanggol sa akin ni Monmon. " Buti pa si Monmon lagi niya akong pinagtatanggol sayo, ikaw lagi mo akong inaaway." reklamo ko kay Marc. " Mahina ka kasi kaya lagi kitang inaaway. blee." sabay dinilaan niya pa ako. "Paglaki ko uupakan talaga kita." pagbabanta ko kay Marc. " Kahit naman malaki ka na, mahina ka pa din dahil babae ka." " Kung mahina ako eh ikaw ano ka, iyakin ka naman, blee.!" dinilaan ko din siya. "Tama na nga iyan." awat sa amin ni Monmon. "Siya kasi eh." turo ko kay Marc. "Kahit na, huwag mo na lang siyang patulan. Baka umiyak pa yan." at dalawa na kaming nang-asar sa kanya kaya naman umiyak na si Marc. "Huhuhuhuhu. Paglaki ko humanda kayo sa akin." iyak pa din siya ng iyak. " Iyakin ka pa din paglaki mo hahahaha." tawa kami ng tawa ni Monmon. "Keith paglaki ko ipagtatanggol pa din kita sa lahat ng nang aaway sayo kagaya ni Marc kaya sana paglaki natin liligawan kita at magiging girlfriend kita para mas lalo kitang ipagtanggol. Promise ko yan sayo kaya ikaw mangako ka din ahh. Kasi bukas aalis na ako, pupunta na kami ng States at doon na ako mag aaral para pag uwi ko maging girlfriend na kita at ipagtatanggol kita sa lahat ng mang aapi sayo.Mangako ka sa akin ahh." " Talaga aalis ka na. Promise mo ah babalik ka. Hihintayin kita. Pangako magiging girlfriend mo ako pagbalik mo." umiiyak na ako dahil wala nang magtatanggol pa sa akin. " Kaya ikaw huwag mo na ayawin ni Keith kundi pag uwi ko bubugbugin talaga kita." biro ni Monmon kay Marc. " Promise mula ngayon magpapakabait na ako kay Keith. " nagsign naman siya ng promise. Naggroup hug kaming tatlo. Pagkatapos ay dumating na ang mga sundo namin. At nakahiwahiwalay na kami pero si Marc hindi niya talaga ako iniwan kahit saan kami mag-aral kahit hindi kami magkapareho ng course basta pareho kami ng school ay okay na kaming dalawa. ....End Of Flashback.... "Bakit mo naman naalala at tsaka anong connect naman ni Monmon dito. Eh parang di na yata babalik iyon eh. Sigurado ako nakalimot na iyon. Bakit hinihintay mo ba iyonv pangako niyo na magiging girlfriend ka niya. Gumising ka! may fiance ka na, Kaya huwag ka na mangarap dyan.!" pang aasar sa akin ni Marc. " Grabe ka naman sa akin. Sige na mauna na ako may pasok pa ako." sabay irap ko sa kanya. " Ikaw pangit ka." sigaw niya kaya nagsitinginan ang mga tao. Nahihiya tuloy ako. " Che!! pag uwi ko bubugbugin talaga kita. Pupunta ako sa bahay niyo." gigil kong sigaw sa kanya. Napatakbo na lang ako sa hiya hanggang sa entrance ng building. " Ikaw ke pangit pangit mo na nga, may humahabol pa sayo." pang aasar ng guard sa akin. " Kuya naman grabe kayo makapintas sa akin. Gwapo ka?!" sagot ko kay kuya. " Aba at!!" papaluin niya sana ako ng batuta niya kaso tumakbo ako papasok sabay binelatan ko si kuya. At hindi ko alam na sa pagsabay ng belat ko kay kuya ay may bumangga sa akin. Dahil sa tiningnan ko kung sino yong bumangga sa akin ay na out balance ako at hinila ko ay kanyang necktie para makakuha ako ng control pero sa hindi inaasahan ay pareho kaming na out balance at tumama ang bibig niya sa bibig ko. Omg yung first kiss ko. Itinulak ko siya." Yu-yung first kiss ko!" sigaw ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD