Lahat nang nakakalaban ko ay sila lang ang nakakaalam ng tunay na pangalan ko. Dahil kung sinabi mo Vince Zymon Versosa ay matatakot na ang lahat sa pangalan na yan kaya naman nagtatago ako sa pangalang Ronie para naman malaya pa rin akong makasalakay na iba. Ang mga bodyguards ko ay pakalat kalat lang sila at di sila naka uniform para naman hindi matakot ang mga kakausapin ko. Ayoko naman yung mabilis ko na lang nakukuha ang lahat, gusto ko pa rin yung may thrill para naman masaya.
" Ramil kumusta siya, naipaliwanag mo na ba sa kanya na wala na siyang makukuhang share sa akin.?" malumanay kong tanong.
" Yes po master." nakayuko siya nakikipag usap sa akin.
Ang sarap sa pakiramdam na para kang hari sa lahat ng nasasakupan mo.
" Pakisabi na, sa mansyon muna ako uuwi sa ngayon. Kailangan kong magpahinga." utos ko sa kanya.
" Masusunod po master." magalang niya sagot sa akin.
Si Ramil ay siya ang isa sa pinagkakatiwalaan ko at syempre si Dave siya ang right hand ko.
Si Dave ay parang tropa lang ang turing niya sa akin pero lahat ng inuutos ko sa kanya ay sinusunod niya naman ang kaso ay tamad siya minsan kaya si Ramil ang gumagawa ng ibang pinapagawa ko sa kanya.
Tinawagan na lahat ni Ramil ang lahat. Kaya naman bumaba na ako dahil alam kong handa na ang lahat.
Nakarating na ako dito sa mansion na biglang may nakita akong kahinahinalang tao.
" Ramil huliin siya." malamig na utos ko
" Masusunod po master. Men huliin ang lahat ng nakikita niyong kahinahinalang tao sa labas ng mansion. Now." utos niya.
Gustong gusto ko si Ramil na maghandle ng mga tao dahil bukod sa takot sila sa akin ay takot din sila sa kanya.
Naghintay na lang ako sa loob ng mansion hanggang sa nahuli nila ang taong pinapahuli ko. Nagsuot ako ng mask para naman di niya ako makilala
" Master ano po ang gagawin natin sa kanya." Tanong niya sa akin. Prenteng prente lang ako dito sa sofa na nagyoyosi at umiinom ng wine.
" Tinanong niyo na ba siya ." sabay buga ko ng usok ng sigarilyo.
" Opo master, ayaw po umamin." sabi niya habang hinihingal na siya sa kakapiga sa kawawang tao to.
" Habang mabait pa ako ay sabihin mo na kung sino ang nag utos sayo." at binugaan ko siya ng usok.
" Si Marc Villanueva po. Ang utos niya sa akin ay alamin kung nasaan po ang bahay niyo po. Wala po akong intensyon."
" Pakawalan niyo siya."utos ko sa kanila. Mabuti na din kung may alam siya tungkol sa akin para naman hindi na niya ako maiisipang banggain pa.
" Pero sir.?" tutol ng isa sa mga tauhan ko.
" I know what I'm doing. " umirap na lang ako sa kanya.
" Hoy ikaw, huwag na huwag mo kokontrahin si master, buti di ka niya pinatulan. Dahil lahat ng kumokontra sa kanya pinapatay niya kaya ikaw umayos ka." awat ng isang kasama niya, na kahit pabulong pa silang nag-uusap ay dinig na dinig ko pa din.
" Iwan niyo ako." dali-dali naman silang lumabas.
Umiinom ako ngayon ng wine habang iniisip si Keith.
Ang haba ng pangalan niya Einjelikeith bakit pa kasi ayaw ko siyang tawagin na lang ng Keith para mas madali. Kung papahirapan niya ang dila ko sa pagbigkas ng pangalan niya. Eh di dapat din na sabihin ko sa kanya ang tunay kong pangalan para naman mahirapan din siya sa pagbigkas nito. Siguro naman di pa niya naririnig ang pangalan ko.
Walang hiya din ang Chua na yun. Ang lakas ng loob niyang kalabanin ako.
EINJELIKEITH POV
" Bakit anong nangyayari kuya. Ano daw iyong emergency." tanong ko kay kuya habang inihahatid niya ako sa bahay namin.
" Ma'am sorry wala po dapat akong sasabihin sa inyo." Matigas na sabi ni kuya.
Chance ko na ito kung mapipiga ko si kuya kahit konti lang na impormasyon tungkol kay Ronie ay okay na sa akin.
" Kuya fiance niya ako dapat may alam ako. Paano kung may malala na palang nangyayari sa kanya tapos wala ako alam diba. Kaya kuya sabihin mo na sa akin." pamimilit ko pa rin kay kuya.
"Pero ma'am huwag na huwag niyong sasabihin sa akin galing dahil papatayin po ako ni sir." natatakot na sabi ni kuya.
" Wait papatayin? ganun ba siya talaga siya kuya.? parang ang hirap naman paniwalaan."pagkukunwari ko
" Oo ma'am kaya mas maganda na siguro na wala po kayong alam." pag iiwas sa akin ni kuya.
" Eh paano kung nanganganib na pala ang buhay ko kuya dahilz sa biglaan naming maging mag fiance at ni hindi konpa siya kilala kuya kaya please sabihin mo naman sa akin para naman kahit papaanoaisalba ko naman ang buhay ko." mahabang lintaya ko sa kanya.
" Si master Zymon po ang pinakamakapangyarin na tao sa mundo ng business. Si Mr. Chua ay ipinasunog ang isa sa mga bodega ng wine ni master kaya ngayon ay nasa kulungan na si Mr. Chua at bagsak na bagsak na sila dahil sinimot ni master lahat nang ari arian nila sa isang iglap lang." kwento ni kuya sa akin.
" Kawawa naman sila. Paano na ang mga anak ni Mr. Chua? Pati kinabukasan ng mga anak ni Mr. Chua inangkin din ni-- sino nga ulit yung sinabi mo Zy--?" gulong gulo kong tanong sa kanya.
" Vince Zymon po ma'am." sagot niua sa akin.
" Vince Zymon? sino siya?ano ang apelyido niya? may kinalaman ba si Ronie kay Vince Zymon? " tanong ko ulit sa kanya.
" Vince Zymon Versosa po ma'am. Hindi ko po kilala ang Ronie na sinasabi niyo ma'am. Madalas ko ding naririnig si Ronie ma'am pero di ko po siya kilala." sagot niya sa akin.
Sino ka bang Vince Zymon ka? Magkapatid kaya sila? Tanungin ko kaya si Ronie pero baka may mangyaring masama kay kuya kung magtatanong ako kay Ronie.
" Ah ganun ba kuya. Pero paanong di mo kilala si Ronie eh siya yung nag utos sayo kanina na ihatid ako pauwi ng bahay namin." pagtataka kong sabi
" Paanong siya naman po si Ronie ma'am eh matagal na po akong nagtatrabaho sa kanya. Siya po si Vince Zymon po ma'am." pagpapaliwanag sa akin ni kuya.
Naguguluhan na ako, kung para sa kanila siya si Vince Zymon, pero Ronie naman ang ipinakilala niya sa akin sa pangalan niya. Ano ba talaga. Baka naman magkakambal sila kaya naguguluhan din si kuya na akala niya iisa lang ang pinagsisilbihan niya.
Nakauwi na din ako sa wakas.
Pagkatapos kong naglinis ng katawan ko ay biglang tumawag sa akin si Marc.
" Oh Marc gabing gabi na napatawag ka?"
" May kailangan kang malaman, magkita tayo bukas."