Sinunod ko naman ang payo sa akin ni Angela kanina kaya naman nandito kasi ngayon sa gitna ng dagat gamit ang sarili ko yachte.
" Nagustuhan mo ba." malambing kong tanong sa kanya.
" Oo nagustuhan ko, grabe sobrang ganda dito. Di ko alam na ganito pala kaganda dito pag gabi." nakikita ko sa kanyang mga mata na nagustuhan niya talaga ito.
" First date natin kaya pinaghandaan ko talaga ng husto." pagyayabang ko sa kanya.
" Ganun ba, salamat ahh. Isa kasi ito sa mga pangarap ko, ang may mangdedate sa akin sa gitna ng dagat. Napakaromantic lang ang vibes." masaya niya sabi.
" So may nararamdaman ka na sa akin?" tanong ko sa kanya kaya naman medyo nailang siya.
" Siguro dahil madami kang babae baka ganito ang din ginagawa mo sa kanila kaya sanay na sanay ka na magpa fall." naiirita niyang sabi.
" Sir ma'am ready na po ang dinner niyo." paalala ng chef sa amin. Naghire ako ng Chef para siya ang magluto ng kakainin namin. Ayoko naman na basta basta lang ang date namin.
" Let's go." yaya ko sa kanya.
" Di ba si Chef Erwin Estrella yun. Grabe yung sikat pa na chef ang inabala mo para lang sa date natin." ewan ko kung nahihiya siya o kinikilig. Mga babae talaga ang hirap basahin.
" Siya kasi ang family chef namin at siya din ang favorite Chef ko." pagpapaliwanag ko sa kanya.
Nakahanda na ang pagkain sa mesa ka naman kumain na lang kami ng tahimik.
" Ang sarap ng mga inihanda mo sa amin Chef. Maraming salamat sayo." basag niya sa katahimikan.
" May inihanda din akong wine para sayo." pag aalok ko sa kanya. Kakatapos lang namin kumain kaya naisip ko na mag wine muna kami.
" Okay." at nagsmile na lang siya.
" Halika may ipapakita din ako sayo." at dinala ko siya sa taas ng yachte para mas tanaw niya mamaya ang fireworks na ipinahanda ko.
Binigyan ko ng senyas ang isang alalay ko para sabihin dun sa kabila na i-start na ang palabas.
" I'll count of 3 2 1." and boom.
May ipinasadya ko na SORRY sa fireworks.
" Sorry sa nakita mo kagabi promise di na yun mauulit."
" Its okay." malamig niyang sabi at nagsmile na siya.
Natapos lang ang fireworks ay biglang may tumawag sa akin.
" Sir kanina pa po tumatawag si Ramil. May problema daw sa V Group." tarantang sabi ng tauhan ko.
" Sige pakisabi papunta na ako. Pakihatid mo na siya. At siguraduhin mong safe siya sa pag uwi." bilin ko sa tauhan ko.
" Wait what happen?" nag aalala niyang tanong pero di ko na siya pinansin dahil sa pintahan ko na yung driver area ng yachte para mas mabilis kaming makarating sa lupa.
May sumusubok na naman sigurong gustong bumangga sa akin. Sisiguraduhin kong pupulbusin ko sila hanggang sa mawala sila. Nagkamali sila nang binangga. Pagkatapos nito, magpapakilala na ako sa buong mundo. na ang Ronie na kilala nila ay hindi talaga Ronie na maliit lang na kahit sino ay pwedeng bumangga sa akin. Ako talaga si Vince Zymon Versosa. Ginawa ko lang pangit ang pangalan ko para naman mahinang pakinggan.
Pagkababa ko sa lupa ay dumeretso na ako kaagad sa sports car ko at mabilis ko itong pinaharurot hanggang sa nakarating ang sa sarili kong kumpanya. Agad naman sumalubong sa akin si Ramil.
" Anong balita?" agad na tanong ko.
" Ito na po lahat nang mga pinagawa niyo sir." nagbow pa siya para ibigay ito sa akin.
Oras na para bumalik ako sa mundo ko. Tapos na ang pagbabakasyon ko. Kailangan ko muna magfocus para naman mas madali ko na lang talunin lahat ng mga kalaban ko.
" Ano ba ang nangyari." tanong ko ulit sa kanila.
" Nasunog po ang isa sa bodega po ng wine po. Sinadya po ang pagsunog." nakabow pa rin siya sa pakikipag usap.
" Nahuli na ba ang gumawa." kalmado kong tanong.
" Kasalukuyan pa po itong hinahanap master ang inutusan ng nagpasunog pero nalaman din po namin kaagad kung sino po siya. Sa katunayan po papunta na po siya dito para kunin ang kanyang share." mahabang paliwanag niya sa akin.
" Magkano sa palagay mo ang share niya?" kalmadong kalmado pa rin ako.
" Nasa 500 Million din po master."
" Meron ba kayong evidence na siya talaga ang pasimuno ng sunog." tanong ko pa rin sa kanya.
" Meron po master."
"Magkano ang halaga ng nasunog."
" Almost 500 million din po master dahil kakadeliver lang po ng stocks natin na idedeliver po sana kay Mr. Villanueva."
" What!! 500 million naging abo?" galit na galit kong sabi.
"Master nasa baba na daw po si Mr. Chua."
" Ihanda mo lahat ng evidence na manghihila sa kanya pababa!" galit na utos ko sa kanya.
" Masusunod po master." saka siya nagmamadaling tumawag sa mga tauhan namin. Saktong papasok na sa opisina ko ang loko si Mr. Chua.
" Mr. Chua." nanggigil kong sabi.
" Why did you cancel our meeting just because of your nonsense date."gigil din na sabi niya sa akin.
" Mr. Chua ang akala mo siguro dahil sa ginawa mong pagsunog ay babagsak na ako? hahahaha" natatawa kong sabi.
" Anong pagsunog ang sinasabi mo. Nandito ako para kunin ang share ko dahil sa maling pamamalakad mo sa kumpanya mo. Nalulugi na ang kumpanya mo." gigil na gigil din siya.
" Natatawa ako sa sinasabi mo. Ramil! ipakita mo sa kanya ang sinasabi mong evidence."
At ipinakita nga niya ang evidence na sinasabi niya. Cctv na nakita si Mr. Chua na nagbayad ng mga tao para ipasunog ang bodega ko. At iba pang mga illegal na transactions niya.
"Nakakaawa ka dahil ang sinunog mong bodega ay isa lang sa pinakamaliit kong bogeda. 500 Million man ang nawala sa akin sa ngayon okay lang yun sa akin. Isang linggo ko lang na kikitain yan. Ikaw kaya ilang taon mo kaya pinag ipunan ang 500 million mo na sinunog mo lang."
" What do mean." naguguluhan niya tanong.
" Kasalanan mo, ginalit mo ang isang Versosa. Kaya nga Versosa dahil walang sinuman ang makakapagpabagsak sa akin."
Sakto namang dumating ang mga pulis para huliin siya.
" Ano ito, Ronie ano to?"pagtataka niya na hinuhuli siya ng mga pulis.
" Hindi ako si Ronie kundi ako si Vince Zymon Versosa." Natulala siya sa sinabi ko.