"Angela!" Nagulat ako sa sigaw niya.
" Sorry po sir." pagmamakaawa ko sa kanya.
"Sorry? Para saan pa ang mga pulis kung sa isang sorry lang okay na ang lahat." wow may point din siya ahh." Kaya hindi mo alam kung gaano kaimportante ang meeting na yun at sinira mo lang.. Hindi mo alam kung ilang beses ko na siyang niligawan para lang mapapirma ko na siya sa contrata tapos sinira mo lang nang ganun ganun lang. YOU'RE FIRED!!" sigaw niya sa akin.
"Hi-hindi mo ako pwedeng tanggalin. Ku-kung gusto mo ako ang magpapapirma sa kanya.. madali lang yun.. iprint mo lang ulit yung mga nabasang mga papel at ako na ang bahala. Promise bukas napirmahan na yan. Kung hindi, saka mo ako tatanggalin."
"Sa tingin mo ganun lang kadali magpapirma sa kanya." galit na galit niyang sabi.
"Oo naman sir easy lang yan. Pirma lang pala." kalmang kalma naman ako samantalang siya para katapusan na ng mundo niya.
"Ewan ko kung baliw ka talaga o sadyang tanga lang." parang walang bilib to sa akin.
"Pero kung napapirma ko yan sir may utang kayo sa akin ah." taas noo kong sabi.
"Magkano naman at babayaran ko ng cash." yabang naman nito.
"Hindi cash sir kundi utang na loob ang ibig kong sabihin." pagpapaliwanag ko
"Eh kung ayoko anong gagawin mo?." pinapahirapan pa ako ng lokong to.
"Sige ka sir hindi ko naman kawalan kundi kawalan niyo. May utang na loob sa akin si Marc kaya pipirma yun." pangongonsensya ko sa kanya.
"Paano kung hindi siya pipirma." nakataas pa rin ang kilay niya.
" Eh di tanggal na po ako sa trabaho." confident pa rin talaga ako na pipirma si Marc kung hindi baka sipain ko yung kung di siya pipirma.
" Paano mo naman gagawin yun." parang walang bilib to sa akin
"Ako na po bahala dun sir."
"Sigurado lang talaga ahh" paniniguro niya.
-----------
"Nasaan si Marc?" tanong ko sa kasambahay nila.
"Good evening po ma'am, nasa study room po siya ma'am.. tatawagin ko lang po."
"Huwag na manang ako na lang ang pupunta."
Paakyat na ako ng hagdan papunta sa study room niya at may nadaanan akong salamin.
Ang ganda mo talaga Einjelikeith.
Hindi ko suot ang itsura ni Angela ngayon dahil kailangan ko ang original na mukha ko ngayon para mas madali lang ang trabaho ko.
Kumatok muna ako ng tatlong beses saka pumasok.
"Pasok." sabi niya habang nakatutok sa laptop niya
"Marc pwede ba tayong mag usap."
" Sure, sa garden na lang tayo mag usap."
"Sige"
Pababa na kami ng hagdan at nahagip ko ulit yung salamin.
"Maganda ka na. Ano ka ba." pagpupuri niya sa akin.
"Naku bolero ka talaga."kinilig naman ako ng konti.
"Manang ihanda mo kami ng wine sa garden." utos niya sa katulong.
"Ano ba yung pag uusapan natin." Tanong niya sa akin.
"Paano ko ba ito sisimulan. Ahmmm Ganito kasi yan. Naalala mo ba yung pangit na nerd kanina."
"Saan? ah natatandaan ko na.. dun sa kumpanya niyo.. nandun ka ba? pano mo alam?" pagtataka niya.
" Yung nerd na yun ay ako?" pagpapaliwanag ko.
"What!"
Dumating na yung wine at nagsalin na ako sa aking baso at ganun din siya.
" Ginawa ko yun para makakuha ng ebidensya."
"Pero delikado yang ginagawa mo." pag aalala niya sa akin.
"Huwag kang mag alala kaya ko sarili ko, malakas kaya ako."sabay turo sa muscle ko na pinagyayabang ko sa kanya.
"Pero babae ka pa rin, mahina ka pa rin."
"Di porket babae ako, mahina na ako?, eh sino ba ang iyakin sa ating dalawa nung mga bata pa tayo?" pang aasar ko sa kanya.
"Oo na. Malakas ka na, pero pag nagkaproblema ka, huwag na huwag kang lalapit sa akin ahh." pagbibiro niya sa akin.
"Eto di na mabiro." suway ko sa kanya." By the way, nandito ako para dito at ito." dalawang magkaibang mga papel ang binigay ko sa kanya.. yung isa ay ang kinuhanan kong litrato kanina na inihatid ko sa Accounting Department at ang isa ay ang contracta na ipapapirma ko sa kanya..
Sa mga bagay na ganito alam kong si Marc lang ang makakatulong sa akin. Dahil mula nung nag college kami ay nag seryoso siya kumuha ng mga pag business na mga kurso. Dahilan na siya ang magmamana ng mga ari arian ng mga Villanueva. Kaya alam kong kayang kaya niya akong tulungan tungkol dito.
"Akala ko ba di mo kailangan ang tulong ko." pang aasar niya sa akin.
"Alam ko naman na ikaw lang ang makakatulong sa akin di ba?." sabay nag puppy eyes pa ako sa kanya para ekpektibo.
"Sus ano ba ang mga ito?" tanong niya sa akin.
"Yang isa yan yung ipapapirma sana ni Ronie sayo kaso natapunan ko ng kape, naalala mo? tapos yang isa naman ay kinuhanan ko ng picture kanina, papel na ipinapabalik sa akin ni Ronie sa Accounting Department kanina. Pakiramdam ko may kakaiba diyan eh. Pakicheck mo naman para sa akin please."
" Alam mo nagpapasalamat ako sayo kanina dahil nabasa mo ito, pero teka bakit pati ito dala mo. Sa tingin mo ba may ibedensya ba dito, teka babasahin ko lang ah." tahimik niya itong binabasa.
Nagulat akong ibinagsak niya ang binabasa niya.
" Oh bakit may mali ba sa nabasa mo." pagtataka ko at kinuha ko para mabasa ko.
" Basahin mo yung last part ng Terms and conditions." hinahanap ko ngayon yung nabasa niya.
"When you quit here in our contract, 75% of your share will all go to me."
Loading pa sa utak ko.
Ano raw!!!
"Aba't sumosobra na talaga siya!!! nakakainis siya.. naisahan niya ako dun ahh.." naiinis kong sabi.
" Buti na lang di ko napirmahan." sabay pumalakpak pa siya.
" Pe-pero kung di mo yan pipirmahan, tatanggalin niya naman ako sa trabaho." natameme kong sabi sa kanya.
" Ano!!" sigaw niya.
"Anong gagawin ko, natin? tulungan mo naman ako para mapatalsik ko na siya. Teka muna basahin mo muna yung isa baka nandun ang sagot."
Nagbabasa ulit siya tapos ganun ulit ibinagsak niya ulit yung papel.
" Oh pati din ba diyan may mali din.?" pagtataka ko.
" Di ako sure kung palugi na ang kumpanya niyo dahil yung 10% na income ng kumpanya niyo ay nawawala." dismayado niyang sabi.
"Teka, sandali lang. Yung contract at yan para may mali talaga." curious kong sabi.
"May mali talaga. Bobo ka talaga kahit kailan. Buti nga talaga nabalanse ng Diyos ang ibinigay niya sayo." pang aasar niya sa akin.
" Anong ibig mong sabihin diyan." naiinis na ako sa pang aasar niya sa akin.
" Kasi maganda ka tapos malakas, hindi marunong matakot pero bobo naman. tsk.."pang aasar niya ulit sa akin.
"Mang asar ka pa diyan babatukan na kita."pagbabanta ko sa kanya.
"Wag naman, ikaw talaga di mabiro."natahimik din siya
"Tutulungan mo ba ako o babatukan kita.?"pagbabanta ko ulit sa kanya.
" Eto na tutulungan na kita. Ikaw pa, malakas ka sa akin eh." bola niya sa akin.
"Tawagan mo kaya siya na hindi mo pwedeng pirmahan yung contract." pagsa suggest ko sa kanya.
" Pwede pero ano naman ang sasabihin ko.?" tanong niya sa akin.
" Akala ko ba matalino ka, bobo ka din pala." panglalait ko sa kanya.
" Ikaw na nga tong tutulungan, ikaw pa tong nanglalait." pagrereklamo niya
"Sige na please." nagpuppy eyes pa ako para makumbinsi ko siya ulit.
"Wait lang hindi ka ba nagtataka, na baka isa itong patibong o baka naman planado niya lahat ng to. Tingnan mo ahh yung kontrata at ang trabaho mo. Isa sa ating dalawa ang madedehado. Mag iisip tayo ng magandang plano para hindi tayo perehong madedehado." lumabas din ang talino niya.
" Tama ka. Tignan mo, ikaw na ngayon ang next target niya."
" Tama ka dun, teka tumatalino ka na ngayon ahh.. cheers tayo diyan."
" Aba syempre naman no. Pwede ba magseryoso muna tayo."pagsusuway ko sa kanya.
"May naisip ako, tatawagan ko siya."
------------
" Magandang gabi Mr. Versosa."
Hindi ko marinig yung kabilang linya pero mamaya ko na lang siya tatanungin.
" About the contract."
" Yeah she's here."
"Hindi ko pa napirmahan pero pakiusap huwag mo naman siyang tanggalin sa trabaho.. Ngayon pa lang ako nakakita ng secretary na kahit off duty na ay nagtatrabaho pa rin. Ang sipag naman ng secretary mo Mr. Versosa. May kaso nga lang ako sa kanya."
" Hindi ko lang matake kung bakit siya pa ang nakuha niyong secretary."
" Dahil sa mukha niya pa lang ay nakakasira na ng araw."
" Okay Mr. Versosa naiintindihan ko."
" About the contract, pag uusapan na lang ulit natin bukas may mga bagay lang na gusto kong linawin."
" Okay bukas na lang."
" Thank you."
Sa wakas natapos din ang pag uusap nila.
" Kumusta anong sabi."
" Magpapalit na daw siya ng secretary bukas" pagbibiro niya.
" Yung totoo."
"Joke lang di ka naman mabiro." sabay batok ko sa kanya.
" Mukha ba akong nagjojoke" galit kong sabi sa kanya.
" Hindi ka tanggal at hindi ako pipirma. Okay na problem solve na tayo."
" Okay salamat. Mauna na ako sayo."
" Aalis kana.?"
Kinabukasan.....
" Angela!?"