Chapter 01

1204 Words
"You're hired!" "Po? Hi-hindi niyo pa po binasa yung resume ko po." Ay ang tanga mo talaga Angela bakit mo naman sinabi baka di ka tanggapin niyan at baka di ka na makakaganti pa. "Ayaw mo?" Sungit naman nito, palibhasa kasi ang gwapo siya. "Ah oo naman po, gusto ko po sir." Taranta kong sabi. At dali-dali ko ding kinuha yung resume ko sabay tayo at inilagay ko yung buhok ko sa tenga ko. "Huwag ka nga magpacute diyan. Nakakasuka ka.Tss kadiri." Sabay iling niya sa akin at tumutok na lang siya sa laptop niya. Anong akala niya, nagpapacute ako sa kanya. tsk di mo lang alam na planado ko lahat to. Palabas na sana ako at bigla siyang nagsalita. "Sinabi ko na bang lumabas ka na." Anong sabi niya dito lang daw ako. Ayaw niya akong lumabas. E kanina lang nandidiri siya tapos ngayon. wahhh. Palihim akong tumawa. "Sorry sir. Sabi niyo po kasi nasusuka po kayo sa akin kaya lalabas po muna ako." "Bukas ka na magsimula. 7:00 dapat nandito ka na." "Yes sir." sabay saludo ako sa kanya para mas lalong weird ako sa paningin niya. "Oh siya layas na." pagsusungit niya. Hindi pa pala ako nagpapakilala sa inyo, habang palabas tayo sa bwusit na building to ay magpapakilala ako. Ako nga pala si Einjelikeith Del Fuente. Nag-iisa akong anak. Nagpanggap akong si Angela Perez dahil gusto kong gumanti kay Ronie Emperial. Gaya ng sabi niya 7:00 ako dumating pero nagpa late ako ng 10 mins para mainis ko siya. "YOU'RE LATE!!" pagpasok ko pa lang ito na ang sigaw niya. Ang sarap palang asarin ito. "Sorry sir na traffic po ako."Yumuko ako habang sinasabi ko ng may kaawa awang ekspresyon. "TRAFFIC!! BE PROFESSIONAL, UNDERSTAND!!" pagsisigaw niya sa akin. "Yes sir di na ko mauulit." Nakayuko pa rin ako na parang nagmamakaawa sa kanya. " Talagang di na ito mauulit dahil pag naulit ito tanggal ka na." pasusungit niya pa rin sa akin na akala niya na sindak na ako. "Sorry po sir" kunyaring sincere talaga ako. "Ito ang napapala ko dahil nag hire ako ng isang katulad mong--- hmmp hindi ko alam kung anong masasabi ko sayo. Nakakainis! Magtrabaho ka na. Pumunta ka sa HR para siya na lang ang mag orient sayo." "Yes sir." Lalabas na sana ako pero tinawag niya ulit ako. "Paki daan mo na lang ito sa Accounting department." "Sige po sir." Nirereview ko ngayon itong hawak kong papel. Kinuhanan ko muna sila ng mga picture para mas mapapag aralan ko kung paano niya na hawak sa leeg ang kumpanya namin. Habang papunta ako sa Accounting Department may aksidente akong narinig. "Girl alam mo ba yung bagong secretary ni sir grabe ang pangit niya, nakakadiri." sabay yung aksyon niya na nandidiri. "True ka dyan girl. Tsaka kanina narinig ko na pinagalitan siya ni sir dahil sa late siya." "Pangit na nga tapos paimportante pa. Assumera din ang pangit yun." Mga walang kwenta. Kung mapapasa akin ulit ang kumpanyang ito, kayo ang unang tatanggalin ko. Mga walang kwenta. Dumeretso na lang ako sa Accounting Department para ibigay itong hawak ko. Dapat hanggat maaari magpapanggap akong ibang tao. Pagkabigay ko nang papel saka naman ako dumeretso sa HR Office. " Saan ka ba galing kanina pa tumawag si sir kung nakarating ka na ba dito. Nagagalit na si sir, halika na para mabilis at ng makaakyat ka na kaagad." "Idinaan ko yung papel sa Accounting Department na inuutos niya sa akin. Grabe di ko akalain na sobrang sungit niya pala, parang ipinaglihi sa sama ng loob sa sungit niya." " Kaya naman ikaw, mag iingat ka at habaan mo ang pasensya mo para tumagal ka dahil ikaw na ang pang 27 na nahire ni sir." "Ganun kadami. Grabe naman." "Mahaba na ang dalawang araw para sa kanila kaya ikaw GOOD LUCK talaga sayo at wish ko na sana makayanan mo ng isang linggo." "Isang linggo talaga." "Kung makakaya mo ng hanggang isang linggo ay itataas ni sir ang sahod mo. Pero wala sino ang nakakaya nun dahil sa sama ng ugali niya. Mga pala ito na lahat ang kailangan mong pag aralan. Akyat ka na, bilisan mo." "Oh sige salamat." ------------- "Bakit ba ang kupad mong gumalaw. May lahi ka bang pagong?!"sigaw niya sa akin. "Sorry sir." "Ito ang napapala ko sa paghire ko ng isang katulad mo." Tumahimik na lang ako para naman magmukha akong kaawa awa at mahina sa harap niya. Kung pwede lang sipain ko to palabas ng building ginawa ko na. Wala pa ninuman ang nangahas na sigawan ako ng ganito. "Dalhan mo kami ng kape sa conference room, dalawa lang." utos niya. "Ok sir." Tatalikod na sana ako pero diko alam kung anong lasa ang gusto niya kape. "Sir matamis po ba o hindi." Tumingin siya sa akin ng nakakamatay na tingin. "Black coffee." mabigat niyang sabi. "Matamis po ba sir oh hindi." pangungulit ko. "Aba't nang iinis ka ba? katamtaman lang ang tamis. Layas na!" Nag aapoy na ang kanyang mga mata kanina kung mahina lang siguro yung inutusan niya baka umiyak na pero natatawa ako pag naiinis siya.. Ang sarap niya talagang inisin. Dapat hindi ako ang unang susuko dapat siya ang susuko. Pero bago yun ay dapat may mahawakan ako sa kanya para hindi niya ako tanggalin sa pwesto ko. Habang nag titimpla ako ng kape ay pakanta kanta ako sa saya ko at sinsabayan ko pa ng sayaw. "Itong baguhan na to, pangit na nga baliw pa. tsk" sabi nung babae na pumasok sabay umiling pa siya. "Alam mo ba kung bakit ako sumasayaw at kumanta. Ang sarap kasing asarin si sir.Yung bang umuusok ng ang kanyang ilong sa inis sa akin. Grabe nakakaexcite."nakangiti kong sabi sa kanya. "Baliw ka na nga." sabay snob niya sa akin. " Oh siya maiwan na kita dito ahh." ngiting ngiti pa rin ako sa kanya. "Ahy.. natuluyan na ata yun." Papunta na ako ngayon sa conference room at dala ang dalawang kape. Si Marc pala ang kameeting nito. May naisip ako para mas lalo siyang mainis. Habang ibinibigay ko ang kape ni Marc ay nasabuyan ko yung papel na nakalatag sa harap niya. Nakita ko yung reaksyon ni Ronie grabe kung pwede lang tumawa tatawa na ako. Yung reaksyon niya kasi na napakagat na lang siya sa galit at sabay kamot sa ulo at nakakamatay na tingin sa akin. Hahaha natatawa talaga ako. " Naku Marc sorry. Hi-hindi ko po sinsadya." Inilabas ko yung panyo ko para ko punasan sana yung pantalon niya na natapunan ko din. "Naku huwag na. Thank you na lang. Teka kilala mo ako?." pagtatakang tanong niya sa akin. Si Marc ay matalik kong kaibigan mula pa nung bata kami, close na kaming dalawa. Para na nga kaming magkapatid. Pero sigurado ako na sa itsura kong to ay di niya ako makikilala. "Ah- oo naman po. Classmates po tayo nung highschool." nakangiti kong sabi sa kanya. Mamaya na ako magpaliwanag sa kanya para maintindihan niya na desidido talaga ako sa plano ko. "I'm very sorry for what she have done. Ipapaayos ko na lang ulit yung mga papel. For now tapos na ang meeting. And you Angela, in my office now!" inis na inis na yung boses niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD