Chapter 3

1382 Words
[Destiny's POV] "Lovery, dali na. Alam mo namang hindi alam ng magulang ni Cara yung tungkol sa amin diba? We need you. Please na, sumama ka na." Kanina pa ako kinukulit ni Bryle na sumama sa kanila ni Cara sa mall. Magdadate daw silang dalawa. Oo, kaya lagi nila akong sinasama kapag may pupuntahan sila ay dahil hindi alam ng magulang ni Cara na may boyfriend siya. Bawal pa kasi itong mag boyfriend kaya tinatago nila. Kapag ba sinabi kong 'Nasasaktan ako tuwing nakikita ko kayong magkasamang dalawa. Nasasaktan ako pag nakikita kitang masaya dahil sa kaniya. Kasi mahal kita, mahal kita Bryle!' mawawala na ba tong nararamdaman ko sa kaniya? Magiging maayos ba ang lahat? Hindi naman diba? Kaya tama lang siguro na gawin ko to. Tama lang na ilihim ko to kahit na sobrang masakit na. "Bryle, may gagawin pa kasi ako." Sinubukan kong tumanggi. Siguro panahon na para sundin ko ang sinabi sa akin ni Maxine. Dapat ko na sigurong layuan si Bryle at itigil ang pagpapakatanga ko sa kaniya. "I will help you, promise! Just please, samahan mo na kami sa mall." Nakangiti niyang pakiusap. Paano ko naman tatanggihan ang taong mahal ko? Sige na. Tanga na ako kung tanga pero mahal ko talaga siya. "Okay sige na. Baka umiyak ka pa diyan." Biro ko sa kaniya. Ihahanda ko na ang sarili ko dahil paniguradong masasaktan na naman ang aking puso na walang ibang ginawa kung hindi mag pump ng dugo. "Talaga?! Ang bait mo talaga!" Sabi niya. Ginulo niya ang buhok ko. "Diyan ka lang, susunduin ko lang si Cara, hintayin mo kami." Sabi niya tapos tumakbo na papalayo sa akin, papalapit sa mahal niya. Nagdradrama na naman ako. *** "Baby, bili nga tayo ng couple shirt." Nakangiting sabi ni Cara kay Bryle. Nandito na kami ngayon sa mall. Seriously? Couple shirt? Laos na kaya yun, tyaka ang corny kaya ng ganon. "Okay, tara Lovery." Nakangiting tawag ni Bryle sa akin. Wala naman akong ibang nagawa kung hindi sumunod sa kanila sa loob. Mas maayos na to kaysa maiwan ako sa labas ng store at hintayin silang dalawang lumabas. "Destiny, tingin mo, anong mas maganda? Itong black or itong red?" Tanong sa akin ni Cara habang hawak ang dalawang magkaibang Tshirt. Mas maganda yung kulay red pero syempre sabi ko yung black. Kinuha niya na yung black at naiwan akong nakatitig sa kulay pula na couple shirt. Gusto ko tong bilhin pero wala naman akong pagbibigyan nung isa. Hindi naman pwede na ipasuot ko yank ay Maxine dahil baka magmukha lang kaming tomboy. Sumunod na ako kay Cara sa counter. Nahuling dumating si Bryle habang may bitbit na kung ano. Hindi ko na tinignan kung ano yun. Nagbayad na silang dalawa habang ako ay nakatingin sa kawalan. "Bakit dalawang paper bags?" Narinig kong tanong ni Cara kay Bryle habang papalabas kami sa store na pinagbilhan nila. "Para sa kaibigan ko yung isa." Sagot niya. Nakita ko ngang dalawa yung paper bags na hawak ni Bryle. Kinuha ni Cara yung couple shirt nila at naiwan kay Bryle yung isang paperbag. "Nagugutom na kayo?" Biglang tanong ni Bryle habang naglalakad kami. Hindi pa nga pala ako kumakain ng breakfast at tanghalian. "Hindi pa / Oo, sobra." Sabay naming sagot ni Cara. Nagkatinginan tuloy kami. "Gutom ka na ba, Destiny?" Tanong ni Cara sa akin, biglang nawala yung gutom ko. Panigurado naman na yung gusto ni Cara yung masusunod. Ayos lang naman na magtiis ako dito. Ayo slang talaga. "Hindi, joke lang." Sabi ko kahit gutom na gutom na ako. Nagsmile nalang ako sa kanila upang hindi nila mahalata. Nagpunta kami sa isang store. Sa BNY, favorite kong bumili ng damit dito. Hindi ko alam kung bakit. Kukuha na nga lang ako ng damit dito. Dito ko nalang ibubuhos ang gutom ko. Kahit hindi ko naman kailangan ng damit, bumili ako ng dalawa, stock ko sa drawer. Nakita ko naman si Cara na madaming bitbit. Tapos ano? Kay Bryle niya ipapahawak yung mga paper bags? Tss. Pinapahirapan niya lang yung boyfriend niya. "Ang dami niyan huh." Sabi ko sa kaniya habang nakapila kami sa cashier. Tumawa naman siya sabay pakita sa akin ng isang card. "Binigyan ako ng credit card eh." Natatawa niyang sagot. Natawa nalang ako dahil kawawa naman ang mga magulang niya. Hahaha. Hay nako Destiny, nakakalimutan mong kaibigan mo si Cara. Matapos kaming magbayad, pumunta na kami sa Greenwich dahil nagugutom na daw si Cara. Kinatuwa ko naman yun dahil nagrereklamo na yung intestine ko. Um order ako ng maraming pagkain, kayalang si Bryle pala yung magbabayad kaya nahiya ako bigla. Tahimik lang akong kumakain habang nagkwekwentuhan yung dalawa. Ayokong makinig sa kanila dahil ayokong masaktan no. *** Pagkatapos naming manuod ng Just the way you are, hinatid na namin si Cara. Medyo malayo kasi yung village na tinitirahan ni Cara. Katabing village ko lang kasi si Bryle kaya nauna siyang ihatid. "Bye baby." Sabi ni Cara sabay halik sa pisngi ni Bryle. Umiwas ako ng tingin dahil baka maiyak lang ako dito. "Destiny, lumipat ka na dito sa passenger seat." Utos sakin ni Bryle. Nasa backseat lang kasi ako, lagi naman kasi. Nang nasa tapat na kami ng bahay namin, nginitian ko muna siya bago ako bumaba. "Thanks Bryle." Sabi ko sa kaniya bago ko isara ang pintuan ng kotse niya. Sosyal niya kaya, naka student license. "Lovery, saglit lang." Buti nalang hindi ko pa naisasara yung pintuan. "Bakit? May nakalimutan ba ako?" Tanong ko habang nililibot ang tingin ko sa kotse niya. Baka kasi may nakalimutan ako. Kinuha niya yung paper bag sa backseat at iniabot yun sa akin. "Para sa akin to?" Gulat kong tanong. Bakit niya ito binibigay sakin? "Wow." Tanging nasabi ko nalang nung nag nod siya. Binuksan ko yung paper bag, nagulat ako sa nakita ko. Ito yung red na couple shirt na tinitignan ko kanina ah. "Uy, salamat!" Nakangiti kong sabi. Totoo ba ito? Binigyan niya ako ng couple shirt? "Nakita ko kasing nakatitig ka diyan kanina. So, I bought it for you. Nasa akin yung isa niyan." Tuwang tuwa ako sa sinabi niya. Binili niya ito para sa akin at nasa kanya ang isa nito. "Lovery, pwede mo ba akong samahan? Maglakad lakad?" Tanong niya. May magagawa pa ba ako? Eh may binigay siya sa akin kaya hindi ako makakatanggi. "Sige ba." Sagot ko. Bumaba siya sa kotse niya. Nagulat ako ng maramdaman kong may nakahawak sa kamay ko kaya napatingin ako doon. Hawak hawak niya ang kamay ko. "Alam mo, minsan, hindi ko maintindihan yung puso ko." Pagsisimula niya ng topic. Bakit? May sakit kaya siya sa puso? "Pagkasama ko kasi yung girlfriend ko, I don't feel something, you know special. It seems so normal. Pero mahal ko siya at hindi ko kaya na mawala siya sa buhay ko." Sabi niya ngumiti siya ng pilit. "Tapos, may isang babae. I find her very interesting. Tuwing kasama ko siya, my heart is shouting something. Nakakabading siya, nakakagago siya. I have some special feelings for that girl, but I love my girlfriend. I really don't know what to do. Ayokong pumili dahil ayokong may mawala sa akin." Paliwanag niya. Sino naman kayang babae ang tinutukoy niya? Sobrang swerte niya naman kung ganon. Imposibleng ako yun dahil hindi sasabihin sa akin ito kung ako nga iyon. "Edi piliin mo yung pangalawa." Tanging sagot ko. "Pero kung mahal mo yung dalawa, isa lang ang dapat mong gawin.Yun ay ang pakawalan ang isa sa kanila. Learn to set people free. Imposibleng pantay lang yung nararamdaman mo sa kanilang dalawa. That's impossible. Piliin mo yung mas lamang." Advice ko sa kaniya. Naiingit ako kay Cara tyaka sa babaeng tinutukoy niya. Bakit ba hindi nalang ako Bryle? "Ayokong may mawala." Nakayuko niyang sagot. "Stop being selfish. Sa kalagayan mo Bryle, para ka na ding nagchecheat kay Cara. Girlfriend mo siya pero may espesyal kang nararamdaman sa ibang babae. Do you think that's right? Well it isn't. Stop this habang maaga pa." Sabi ko sa kaniya. Kung ako yung babaeng pangalawa, natural hindi ko to sasabihin. Dahil syempre magpapakaselfish din ako. Iisipin ko yung kasayahan ko bago ang iba. That's people, no one can change them. "Wag na nga natin tong pag usapan. Iuuwi na ulit kita. Sorry sa istorbo. Hahaha." Sabi niya habang nakangiti. I'm captivated with his smiles. Hinatid na nga niya ako sa bahay. "Goodnight." Sabi ko sa kaniya. *Tsup* "Goodnight." Bigla siyang tumakbo at sumakay sa kotse niya. Napahawak ako sa pisngi ko. Is that real? Did he really kissed me on my cheeks. May napatunayan akong isang bagay "I really do love you, Bryle."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD