Chapter 2

1055 Words
[Destiny's POV] "I love you" "I love you too, baby" napangiti nalang ako. Masaya ako kasi ayos na sila. Pero syempre hindi ko maiiwasang masaktan. Mahal ko 'yan. Ikaw? 'Pag may mahal ka, tapos may ibang in-a-I love you-han tatawa ka pa ba? Kaya sobrang hirap para sa 'kin nito. Ako pa 'yong laging nag-aayos sa kanilang dalawa. 'Pag may problema sila, sa akin sila lumalapit. Alangan namang tanggihan ko, baka makahalata lang sila sa kinikilos ko. "Lovery, thanks." sabi ni Bryle. Binigyan ko siya ng isang napakatamis na ngiti. Kahit sobrang hirap talagang ngumiti habang nasasaktan ka, go lang nang go. Magiging immune naman ako diyan kapag lumipas ang panahon. "You're welcome. Salamat, nagkabati rin kayo" sabi ko nang nakangiti. Oo, mahirap ngumiti 'pag nasasaktan ka, pero gagawin ko, gagawin ko para hindi sila makahalata. Love creates pretenders. "Baby, pasok na ako sa room. May gagawin pa ako. Bye, Baby, bye, Destiny!" Nag-wave na si Cara sa amin ni Bryle. Pinanuod lang namin siya habang nakatalikod siyang naglalakad palayo sa amin. Nang nakaalis siya, humarap na kami ni Bryle sa isa't isa. Bryle Reyes, my first love, and Cara Tolentino, his girlfriend. Masakit. Siyempre hanggang ngayon si Bryle pa rin mahal ko. Pero hindi ko iyon pinapahalata sa kanila. Ayokong magmukhang tanga at kawawa. Ayos na 'yong ganito. 'Yong lihim kong tinatagong nasasaktan ako kaysa magkagulo pa ang lahat. Hindi ako selfish, kung masaya sila, magiging masaya nalang din ako kahit mahirap. Kung iyon ang ikabubuti ng lahat. Mas masaya ako kung masaya sila. Mahirap, sobra. Masakit, sobra. Pero kakayanin ko. Ganiyan naman talaga kapag nagmamahal ka 'di ba? Dapat kang magtiis. 'Tsaka sino bang hindi masasaktan sa salitang pag-ibig? Kaya dapat kapag nagmahal ka, tanggapin mo na rin na masasaktan ka. "Lovery, thank you talaga. Thanks kasi walang sawa kang nakikinig sa problema namin. At thank you kasi pinagbati mo kami. Thanks Lovery! I love you!" Sabi ni Bryle habang yakap yakap ako. Dapat kinikilig na ako sa sinasabi ni Bryle, pero alam ko namang yung I love you na yun ay dahil kaibigan nya ako. Atleast diba? Nasabi ko sa kanya na mahal ko sya. "Welcome Bryle. I love you too" Sabi ko kahit alam kong 'kaibigan' lang yung turing nya sakin. Sinabi ko parin yun. Atleast diba? Nasabi ko sa kanya na mahal ko sya. "Oh sige, Papasok na rin ako! Bye Lovery!" Tapos nagbye na rin sya. Napangiti ako ng malungkot nung tumalikod na sya sakin. Pinanuod ko nalang syang umalis. Ganto naman lagi setup namin. Aalis si Cara, magthathank you si Bryle. Aalis si Bryle. Magpapaiwan ako, Tapos tyaka ako iiyak. "Nakita ko yun." Napalingon naman ako sa nagsalita. "Maxine" Niyakap ko ang bestfriend ko at dun na ako lumuha. Di ko na kasi kayang pigilan pa yung luha. Masakit kasi. "Wag mo ngang pahirapan ang sarili mo Destiny." Sabi ni Maxine habang umiiyak parin ako. "Ang sakit kasi." sabi ko habang nakayakap kay Maxine. Hirap akong magsalita dahil masakit talaga. Mukhang tama si Maxine. Masyado na akong nagpapakatanga, masyado kong pinagsisiksikan ang sarili ko sa isang tao na hindi na pwede. Nagpapakatanga ako para lamang sa kaniya. "Yun na nga, lumayo ka kasi muna. Pano mo makakalimutan kung lapit ka ng lapit?" Sabi ni Max habang hinahagod ang likod ko. Medyo nakakatulong naman yung ginagawa nya sa nararamdaman ko. Medyo gumagaan kasi, buti nalang talaga nandito ang bestfriend ko. Siya yung laging taga bigay sakin ng panyo, Taga comfort. I'm thankful na nandyan siya palagi sa tabi ko. "Hindi ko kayang lumayo." sabi ko habang tuloy parin sa pag-iyak. Ang drama ko! Ano to? Teleserye? Kalyeserye? Yung totoo? "Hindi mo kaya? Anong gagawin mo? Habang buhay ka nalang masasaktan? Ganun ba yun? Destiny wake up! You're not a kid anymore. Alam mo na kung paano mag isip ng tama." Humiwalay na ako sa yakap. Pinunasan ko yung mga luha ko gamit yung kamay ko kaya, kumuha si Maxine ng panyo sa bulsa ng palda nya, kinuha ko naman yun. "Hindi ko kayang hindi sya nakikita. I love him, yet he loves her and it's killing me." Sabi ko habang pinupunasan ng panyo yung luha ko. Oo it's killing me. Emotionally. "Oh? Anong gusto mo? Agawin si Bryle kay Cara?! Landiin si Bryle?! Manira ng relasyon, Ganun ba?!" Medyo pagalit na sabi ni Max. Ayoko na nga, malapit na magalit si Max. Kakatakot, baka kainin ako nito mamaya. Pagpasensyahan nyo na sya huh. Masyado lang yang concern sakin kaya ganyan yan. Kaya mahal na mahal ko yan eh. "Of course not. Hindi ako ganun" Sabi ko sa kanya. Hindi ko kayang gawin yun, kahit na mahal ko si Bryle, kaibigan ko pa din si Cara, mabait siya. Isa pa, alam ko namang mahal talaga ni Bryle si Cara, ano namang laban ko dun? "That's my point Destiny, wala kang magagawa sa relasyon nung dalawa. Magpapakatanga ka nalang ganun?" sabi ni Maxine, okay, let's stop this drama, nakakatakot na si Maxine. "Wag muna natin tong pagusapan, tara na sa room." Sabi ko, natatakot na ako kay Maxine, tyaka ayoko ding umiiyak ako. Ayokong pinapakitang mahina ako. Kaya kahit sobra na, pinipigilan ko talagang umiyak. Except nalang pag si Bryle yung dahilan ng pagiyak ko. **** "HI GUYS!" Bati ko sa mga classmates ko pagkapasok ko sa room. Nakangiti naman ako ngayon. Nakakainis naman kasi yung Bell. Nag bell agad pugto pa mata ko. "Bakit maga yang mata mo?" Tanong nung isa naming classmate, si Lychee. Friend ko. Isa pang concern citizen. Pangalawa siya sa pinakamalapit sa akin kaya alam na alam niya kung kagagaling ko lang sa iyak o hindi. "Maga? nakadrugs ka na naman, hindi ah. Imagination mo!" sabi ko www.palusotpamore.com, alam din niyang mahal ko si Bryle, alam niya yung katangahang ginagawa ko makasama ko lang si Bryle. Ayokong malaman niya na umiyak na naman ako dahil kay Bryle. Tama na yung sermon ni Maxine sa akin kanina. "Mukha kasing maga." Sabi nya, buti naman di na nangulit. Nung dumating yung teacher namin, nagsitahimikan nalang kami at nakinig. "Bla bla bla bla bla bla" "Class Dismissed" "Goodbye ma'am Gee, thank you for teaching us today. See you tomorrow, God bless you. Mabuhay!" Sabi ng mga baliw kong classmates. Parang elementary lang no? Ang babaliw. Masasaya silang kasama dahil palabiro sila, hindi din sila mahirap iclose. Nakakatuwa silang lahat. Umuwi ako sa bahay, nako, wala na naman yung parents ko. Mag isa lang kasi akong anak, kaya LONER ako. Muntik ko na ngang maging playmates yung mga maid dito eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD