Chapter 1

1098 Words
"Oh? Kamusta pag-papakatanga?" Salubong na tanong sa 'kin ng kaibigan kong si Maxine. Kagagaling ko lamang sa mall upang mamili ng school supplies na gagamitin ko para bukas. "Ano ka ba naman. Sinamahan ko lang naman 'yong dalawa." Nakangiti kong sabi kay Max. "Oo, sinamahan mo lang naman iyong taong mahal mo at iyong girlfriend niya. Wow, galing mo talaga." Sarkastikong niyang sabi sa 'kin. Wala akong ibang nagawa kung hindi ang yumuko at umiwas ng tingin. Sobra na nga ba ang pagpapakatanga'ng ginagawa ko? "Ano? Sinasaktan mo 'yong sarili mo para lang makasama iyong mahal mo? Sardinas lang ang pinagsisiksikan ang sarili. Hindi ka sardinas, para magpakatanga." Sabi ni Maxine sa 'kin. Sobra na ba yung ginagawa ko? Gusto ko lang namang makasama ang taong mahal ko. Gusto ko lang makita ang itsura niya habang masaya. Ngunit worth it nga ba iyon kung masaya nga siya, pero dahil naman 'yon sa ibang tao? Masaya ako dahil sa taong mahal ko. Masaya ang mahal ko dahil sa taong mahal nito. "Max, sige na. Umuwi ka na sa inyo, maaga pa ang pasok natin bukas. Ayos lang ako." Nakangiti kong sabi sa kaniya. Masyadong protektado si Maxine sa 'kin at alam kong hindi niya hahayaang umiyak at masaktan ako. She's too protective that's why she's my best friend. "Bahala ka diyan. Basta ako, hindi akonagkulang sa pagpapaalala sa iyo. " Sabi niya bago umalis. Hinalikan niyamuna ako sa noo at nagpaalam kila mommy at daddy.  *** "Hi new classmates, ako si Destiny, nice meeting you." Pakilala ko habang nakangiti ng matamis. First day ng school namin ngayon at karamihan sa mga kaklase ko ngayon ay bago. Ang iba siguro ay napalipat sa ibang section. Marami ding transfer ngayon kaya kailangan pa ulit naming ipakilala ang sarili. "Nice name. You may sit now. Next?" Sabi ng teacher namin. Ginantihan ko lamang iyon ng isang ngiti.  Sana naman maging exciting ang school year na ito. "Hello! Ako nga pala si Destiny." Pakilala ko sa katabi ko. Nakasuot ito ng salamin at may nakatakip na panyo sa bibig nito. Mukhang hindi naman ito isang nerd at sadyang mahinhin lamang. "Hi. I'm Debby." Sabi nito sa 'kin sabay ngiti. Hindi naman ako mapili pagdating sa mga kaibigan. Kahit naman ganiyan ang itsura niya, ayos lang sa 'kin. Humahanga pa nga ako kay Debby dahil wala itong pakialam sa itsura. Hindi katulad ng ibang tao na iniiba pa ang sarili nila para lang mapansin sila. "Nice to meet you!" Masigla kong bati ngunit ginantihan lamang ako ni Debby ng isang ngiti. Pero ayos lang, masyado naman kasi akong feeling close. Nang magbreak time, pumunta na ako sa canteen para hintayin si Maxine. Hindi ko kasi siya ka-section. Nasa star section kasi ako samantalang siya naman ay nasa section B. Tamad kasi ang isang iyon kaya inilipat siya ng section nang third year na kami. "Hoy babae, may good news ako sa 'yo." 'Yan ang bungad niya sa akin nang nakita ko siya sa isang mesa sa canteen. "Oh? Ano 'yon?" Nakangiti kong sagot. "Ililipat na ulit ako sa star section next week. Kasama si Mr. woman hater. Hahaha." Tumatalon niyang sabi kaya napatalon din ako. Magiging kaklase ko na ulit siya! Yehey! "Oh tama na, baka makunan ka." Biro niya sa akin para tumigil ako sa pagtalon. "Gaga. Makunan ka diyan." Binatukan ko siya. Pumila na kami sa pilahan ng pagkain sa canteen. Nako naman. Sobrang daming tao naman ngayon dito. Halos 10 minutes na kaming nakapili dahil sa dami ng sumisingit hindi pa kami umaalis sa pinilahan naming. Ni hindi man lang kami nagkaroon ng chance na makahakbang. Sobrang daming tao. Gutom na talaga ako. "Babae, gawin mo na 'yong gawain mo." Natatawang sabi ni Maxine sa akin. Wala naman akong choice kaya sumigaw ako. "HALA! ANO YUN?!" Sigaw ko. Tumahimik ang canteen dahil sa pagsigaw ko. Napunta ang atensyon nila sa akin. Dahil magaling akong um-acting, nagpunta ako sa unahan. Sa counter ng canteen kung saan bumibili ng pagkain. Nag-give way naman sila dahil nacucurious sila kung bakit ako nagkakaganon. "Maxine, halika dito." Sabi ko. Pumunta naman dun si Maxine habang natatawa. "Grabe! May strawberry cake na! Ate, dalawang order nga po." Nakangiti kong sabi doon sa tindera. Edi nakabili din ako. Hahahaha. Gawin niyo din yan kapag mahaba ang pila. Gagana yan promise. Lakasan niyo lang boses niyo. Hahahaha. "Siraulo ka talaga." Sabi ni Max habang kinakain yung inorder namin. Anong magagawa ko? Gutom na talaga kasi ako. *** "Magandang umaga, ako si Mrs. Conchita Reyes. Ang guro niyo sa Filipino. Ilabas ninyo ang inyong kwaderno sa Filipino at kopyahin ang nasa Manila Peyper. Gusto kong malaman ninyo na ayokong makikitang gumagamit kayo ng kahit na anong teknolohiya sa klase ko." Sabi ng teacher namin sa Filipino pagkapasok niya sa room. Grabe naman, Seriously? Magkaklase agad kami?! Pasakit naman tong teacher na to! Psh. Kinuha ko nalang ang notebook ko tapos kumopya doon sa pito'ng Manila paper na nasa Board. Take note seven na Manila Paper. "Ma'am!? Pito?! Seriously?!" Reklamo ng isa kong kaklase. "Bingi lang? 'Di ba sabi ko pito?! Matuto kayong sumunod!" Sigaw niya sa amin. Hindi ba nasisira vocal chords nito? Ang tanda tanda na sigaw pa rin nang sigaw. "Ma'am 'di lang po makapaniwala." Sagot ng kaklase ko. Lakas talaga ng trip nito. "Nakaka-nose blood!" Sigaw ng classmate naming lalaki. "Nasa lenggwaheng pilipino na iyan. Ano pang inirereklamo mo?" Galit na sabi ni Ma'am sa classmate namin. "Ma'am, 'di ko po maintindihan 'yong sulat!" Isa pang reklamo ni Lychee. "Intindihin mo." Maikling sagot ni ma'am. "Ma'am ang haba!" Reklamo ng nasa likod ko. Natatawa ako sa kanila. Ganiyan kasi sila pag mahaba iyong pinapasulat. "Paikliin niyo!" Sigaw ni ma'am. Grabe itong mga ito. "Ma'am?! Talaga? Pwedeng i-summarize?!" Tuwang tuwang tanong ng nasa harap ko. "Magsitigil nga kayo sa kakareklamo niyo! Dahil diyan dadagdagan niyo iyan ng isang suring basa!" Galit na sabi ni Ma'am. 'Di niya ata alam ang salitang 'Mahinahon'. "Ma'am, alamat po o epiko?" Tanong ulit ni Lychee. Ang lalakas talaga ng trip nila. "EPIK---o!" Pagpiyok ni Ma'am. Dahil doon nagtawanan naman ang lahat. "EPICo!" Sigaw ni Warren yung pasaway samin. Napatawa nalang din ako. "MANAHIMIK!" Sigaw ni Ma'am. 'Di na sila ulit nagsalita dahil nakuha na nila ang gusto nila. 'Yon ay ang ipahiya si Ma'am. Ang babait, 'no? *May nagtext!* "Kaninong telepono iyon?!" Galit na sigaw ni Ma'am Reyes. "Ma'am, sa akin po." Sabi ko habang nakayuko. Kinapa kapa ko naman yung cellphone ko sa bulsa ko. "'Di ba sinabi ko na sa inyo na hindi pwedeng gumamit ng telepono sa oras ng aking klase?!" Sigaw niya ulit. Kakarindi infairness. Sakit niya sa tenga, parang cellphone lang. "Ma'am sorry po. Hindi na po mauulit." Sabi ko. huminahon naman siya. Kinuha ko nalang ang cellphone ko tapos tinignan ang nagtext. |From: Bryle Lovery, magkaaway n nmn kmi. |From: Cara Destiny, magkaaway kmi ni Bryle -.- |To: Bryle and Cara Ako bahala :)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD