FARRAH
Dahan-dahan kong pinihit ang seradora ng main door. Mabuti na lamang at binigay ni papa sa akin ang susi niya. Ayaw kasi ako bigyan ni mama ng duplicate ng susi sa bahay. Dahilan nito ay para daw hindi ako labas masok sa bahay lalo na kapag wala ang mga ito.
Ngunit tila yata pinanganak akong hindi marunong makinig sa magulang ko. Ang rason ko naman ay gusto ko lang naman i-enjoy ang buhay pagka-dalaga ko.
Nang tagumpay kong pihitin iyon ay dahan-dahan ko naman nilakihan ang awang ng pinto. Medyo madilim na sa sala. Tanging ilaw lamang sa labas ng bakuran namin ang nagsisilbing liwanag sa loob. Makapigil hininga itong ginagawa ko dahil oras na mahuli ako ni mama ay grounded ang kasunod niyon.
Bawat galaw ko ay maingat. Hindi dapat ako makagawa ng ingay. Humakbang ako papasok. Nang makapasok na ako ng tuluyan ay dahan-dahan ko naman sinara ang pinto.
Napabuga ako ng hangin dahil matagumpay ko nagagawa ang lahat. Kapag nakarating na ako ng hagdan ay makakahinga na ako ng maluwag. Kahit tumakbo pa ako doon ay ayos lang dahil naka-yapak ako. Tinanggal ko na kasi ang suot kung sandals para hindi makagawa ng ingay kapag naglakad ako.
Habang hawak ng isang kamay ko ang sandals ay mahigpit naman na nakahawak ang aking isang kamay sa aking mini Pouch crossbody bag. Kung nakakapagsalita lang ang mga hawak ko ay malamang nagreklamo na ang mga ito dahil sa paraan ng paghawak ko sa mga ito.
Hindi pa man ako nakararating sa unang baitang ng hagdan ay nagliwanag na ang paligid ko.
Nakagat ko ang aking ibabang labi at mariin akong pumikit. Grounded will be the next.
"What time is it, Farrah? Uwi pa ba ng matinong babae iyan?" bungad sa akin ni mama na sinabayan ko. Halos parati na lang ganoon ang bungad niya sa akin kapag nahuhuli ako kaya alam ko na.
Humarap ako at alanganin akong ngumiti. Nakita ko ang galit na mukha ni mama. Nakapamewang ito at hindi na maipinta ang mukha. Dalangin ko na sana ay nandito si papa para ito na ang magdahilan kay mama. Ngunit sa ganitong oras ay nasa kasarapan na din ng tulog si papa dahil sa pagod ito sa pag-aasikaso ng aming negosyo.
"Sorry, ma. Hindi na po mauulit," sambit ko at yumuko. Sana umipekto ang paawa effect ko.
"Sa tingin mo madadala mo ako ng paganyan-ganyan mo? I know you're 18, Farrah. Pero h'wag naman na halos gabi-gabi lumalabas ka ng bahay para gumimik. Noong dalaga ako hindi ko nagagawa ang mga ginagawa mo." Panimulang sermon ni mama.
As usual, ito ako, makikinig sa paulit-ulit na sermon niya. Ang sabi ni papa hayaan na lang si mama magsalita dahil magsasawa din ito.
Kumawala ako ng isang malalim na buntong hininga. Naglakad ako papalapit kay mama. Nang makalapit ako ay niyakap ko ito. Kahit pa ganito ito sa akin panay ang sermon ay mahal na mahal ko ito. Ito lang din ang nalalapitan ko kapag may problema ako sa School.
"Sorry na po. Nag-i-enjoy lang naman po ako. Saka isa pa, iba naman po 'yung panahon ninyo noon sa panahon ng kabataan ngayon," katwiran ko.
Bahagya akong kinurot ni mama sa tagiliran. Natawa ako sa ginawa nito.
"Nangangatwiran ka pang bata ka. Ikaw lang naman ang iniisip ko dahil nag-iisa ka naming anak. Babae ka pa man din. Paano kung may nagkainteres sa'yo sa bar? Eh, di umuwi ka ditong iika-ika at wala ng maipagmamalaki?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni mama. Hindi sumagi sa isip ko na mangyayari iyon. Alam ko nasa tamang pag-iisip na ako at alam ko kung ano ang tinutukoy ni mama.
Kumawala ako sa pagkakayakap rito. Wala ng bakas ng galit ang mukha nito bagkos ay puno ng pag-aalala.
"Ma, kayo lang nag-iisip ng gan'yan.
Syempre alam ko naman na ang ginagawa ko. Hindi na ako bata. Anyway, kapag may lumalapit sa akin ay tinatarayan ko." Dahilan ko pa.
"Kahit na, iwasan mo din ang pagtataray dahil baka mainis sa'yo ang lalaki ay pag-tripan ka pa,"sambit nito.
"Ang gulo n'yo naman po, ma." Natatawa kong wika.
Ngumiti na ito at siya na ang kusang yumakap sa akin.
Kinabukasan, kahit puyat ay maaga akong pumasok. Siguro ay babawi na lang ako ng tulog mamayang gabi.
Pinasok ko ang aking sasakyan sa parking area ng School. Nang makahanap ako ng space para mai-park ang aking sasakyan ay dahan-dahan kong pinaandar iyon ngunit hindi pa man ako nakakalapit doon ay may walanghiya na umagaw ng parking space na nakita ko.
Dahil sa inis ko ay sunod-sunod na busina ang pumailanlang sa parking area. Ang kapal ng mukha na agawan ako ng parking space.
Sa dami ng sasakyan dito sa school mahirap maghanap ng Car parking space. Kaya ko nga din inagahan para makapag-park ako agad at hindi na maghanap.
Dahil sa ginawa ng driver ng sasakyan na iyon ay nasira na ang araw ko. Wala na akong nagawa kun'di ang maghanap ng ibang parking slot. Mabuti naman at nakahanap ako agad.
Pagbaba ko ng sasakyan ay nakita ko ang driver ng sasakyan na nasa labas at nakasandal doon. Nakayuko ito at nakasuot ng itim na sumbrero kaya hindi ko makita ang mukha. Hindi ko na pinagkaabalahan na komprontahin ang mayabang na lalaking iyon kaya naman ay tinungo ko na ang building kung saan ang aking course.
Pagdating ko ng classroom ay pasalampak akong naupo. Ayaw ko ang course na pinakuha sa akin ni mama. Pero dahil kailangan ko sumunod sa gusto niya ay napilitan akong iyon ang kunin ko kahit pa labag sa loob ko.
Hindi Business Administration ang gusto ko. Ayaw ko humawak ng negosyo. Ayaw ko ma-stress. Gusto ko maging isang flight attendant. I want to travel all over the world. I want to enjoy my life. Pero hindi ko na magagawa iyon dahil ito ang gusto ng mama ko. Ang humawak ako ng negosyo.
Kaya nga tamad na tamad ako kapag pumapasok sa klase. This is not my dream. Mas masarap mag-aral kapag gusto mo ang kursong kinuha mo.
"What are you thinking?" pukaw sa akin ni Selina mula sa malalim na pag-iisip.
Sinulyapan ko ito. Gusto ko matawa ng makita ko ang itsura nito. Nangingitim ang ilalim ng mata nito at para pa itong puyat. Hindi na din nito nagawang mag-ayos. Kitang-kita tuloy ang mga pekas nito sa mukha.
Maputi si Selina kaya naman ay sobra ito mag-make up. Anong oras na kaya umuwi ang mga ito?
"Oh come on, Far. H'wag mo na pigilan ang tumawa." Inirapan ako nito pagkatapos iyon sabihin. Ngumiti lamang ako at hinanap ko ang dalawa pa naming kaibigan. Nang hindi ko makita ang dalawa ay alam ko ng hindi nakapasok ang mga ito.
"Sa susunod ay sumama ka na sa aking umuwi. Look at yourself, you look like a… manananggal," sambit ko at hindi ko na napigilan ang tumawa.
Nauna na kasi ako umuwi sa mga ito. Hanggang alas-dose lang ang oras na binigay sa akin ni papa. Para akong si cinderella na nagmamadaling umalis ng bar. Mabuti na lamang at hindi naiwan ang sandals ko. Dahil kung nangyari iyon ay wala na nga akong pinag-kaiba kay cinderella.
Umupo ito sa bakanting upuan at humarap sa akin. Nilapit nito ang mukha sa akin. Tila may sasabihin ito na walang dapat na makarinig kun'di kami lamang.
"Alam mo bang nandoon ang Heartthrob kagabi. Oh my! They are so handsome and hot. Walang tulak kabigin sa kagwapohan nila. s**t! Para akong naihi sa panty ko ng makita kong nagtatawanan ang mga iyon," sabi nito na kinikilig.
"Tapos," nangingiti kong usal.
"Isa sa kanila palaging nakatingin sa pwesto namin. s**t! s**t! He is so f*****g hot, Girl. Lahat sila hot! As in hot!" Hindi nito napigilan ang tumili dahilan para mapatingin sa gawi namin ang aming mga kaklase.
"And…" kung alam lang nito na hindi ko kilala ang sinasabi nitong Heartthrob. Gusto ko lang ito magkwento. Para iwas bagot na din dahil tinatamad talaga ako ngayong araw.
Nakangiti pa ito habang nag-iisip ngunit kalauna'y napalis iyon. Kinuyom nito ang kamao at marahang hinampas ang arm desk.
Nagsalubong ang aking kilay. May nangyari kaya kagabi na hindi ko alam? Dapat pala hindi ako umalis na hindi ito kasama.
"I hate them talaga, Girl. Kung hindi ko lang sila kaibigan baka kung ano na ang sinabi ko sa kanila. Mga feeling maganda. Baka nga wala pa sila sa kalingkingan mo sa kagandahan. May make-up lang sila kaya nagmukha silang tao." Gigil nitong wika. Kahit hindi ko itanong kung sino ang tinutukoy nito ay base sa mga sinasabi nito ay si Kyra at Mitchell ang tinutukoy nito.
"What happened ba?" tanong ko.
"Out of place na kasi ako kagabi. Dapat pala sumama na ako sa'yo umuwi. Alam mo bang iniwan nila ako sa pwesto at lumipat sa pwesto ng Heartthrob. Ang kapal ng mukha. Feeling nila gusto sila ng Heartthrob. Hindi sila ang tipo na gugustuhin ng Heartthrob, 'no." Reklamo nito sa dalawa.
"Can I ask?"
"Sure, what is it?"
"Who is Heartthrob?" tanong ko at alanganing ngumiti sa kaibigan.
Hindi nakaligtas sa mata ko ang pag-awang ng bibig nito. Natawa na lamang ako sa naging reaksyon nito.
"Good news!" bungad ng isang kaklase namin ng pumasok sa classroom. Napangiti ako sa sinabi nito.
Tumayo na ako at kinuha ko ang aking shoulder bag at agad ko iyon sinukbit sa aking balikat. Binalingan ko si Selina na nakatingin lamang sa aking ginagawa.
"Sasama ka ba?" tanong ko rito na nanatili lamang na nakatunghay sa akin.
Ngumuso lamang ito at umiling. Pinisil ko ang ilong nito at tinalikuran na ito.
Ang ibig sabihin ng sinabi ng kaklase namin ay vacant ang klase namin. Walang professor ang magle-lecture. Baka busy ang mga iyon dahil sa nalalapit na sports event na gaganapin sa loob ng university.
Kapag ganoong walang klase ay pumupunta ako sa paborito kong tambayan. Malapit sa gymnasium sa malaking puno, doon ako palaging tumatambay at nagbabasa ng pocketbook.
Doon ko unang nakilala si Zick. Hindi man naging maganda ang una naming pagkikita ay naging malapit naman kami sa isa't-isa. Naging magkaibigan kaming dalawa.
Kung dati ay palaging nakamando si Kyra, nagbago iyon ng mapansin nitong palagi kaming magkasama ni Zick. Para itong naging maamong tupa lalo na kapag kaharap namin si Zick. Si Mitchell naman ay palagi ng nakadikit sa akin. Hindi na ito sumasama kay Kyra. Labis naman ang tuwang naramdaman ni Selina na nag-iba na ng pag-uugali si Kyra. Para itong nagtagumpay sa laban dahil sa pagbabago ni Kyra.
Habang nasa canteen ng school ay panay ang sulyap ko sa aking cellphone. Kapag ganitong oras ng tanghali ay tumatawag o kaya ay nagti-text si Zick. Minsan kasi ay sumasabay siya kumain sa amin kasama ang mga kaibigan nito. Pero nakapagtataka at anong oras na ay hindi pa ito tumatawag.
"Wala si Papa Zick, Far?" tanong ni Selina. Marahil ito ay nagtataka rin kung bakit wala si Zick.
Umiling ako bilang tugon. Inisip ko na lamang na baka busy ang mga ito dahil may mga pinagkaka-abalahan din ang mga ito.
Muli kong tinuon ang aking atensyon sa aking pagkain. Hindi ko na naituloy kainin iyon ng tumunog ang aking cellphone. Agad ko iyon kinuha.
"Excited, Girl?" makahulugang turan ni Selina. Ngumiti lamang ako at sinagot ko na iyon.
"Far?" anang sa kabilang linya. Kumunot ang aking noo dahil hindi iyon boses ni Zick.
"Dammit, Drixx. Pataying mo Yan!" dinig kong wika ng isang boses. Si Zick iyon.
"Can you come to the meeting room? It's urgent, thanks." Pinatay na nito ang tawag pagkatapos iyon sabihin.
Bigla akong kinabahan. Ni minsan hindi ako pinatawag sa meeting room ni Zick. Pero ng sinabi ni Drixx iyon ay bigla akong binalot ng kaba. Agad kong kinuha ang bag ko at binalingan ko si Selina na patuloy sa pagkain.
"Sel, okay lang ba?" tanong ko rito. Umikot ang mata nito at tumango. "Thank you, babawi ako. Promise." Sabi ko bago ako lumabas ng canteen.
Tinungo ko ang building ng Business Marketing. Habang nasa pasilyo patungo sa maliit na silid kung nasaan ang meeting room ay para akong nanginginig sa sobrang kaba. Hindi ko mapigilan ang mag-isip ng hindi maganda. Kilala ko si Zick na mainitin ang ulo lalo na kapag may naaagrabyado na kaibigan. Lagi itong nadadawit sa gulo sa loob maging sa labas ng university. Pati mga kaibigan nito ay nakikisali sa gulo. Sabagay hindi ko masisisi ang mga ito dahil magkaibigan ang mga ito. Sa oras ng kagipitan ay magkasama silang apat.
Nang malapit na ako sa silid ay inisang hakbang ko na lamang iyon. Mabilis kong pinihit ang seradora at nagulat ako sa aking nabungaran.
Tiningnan ko isa-isa ang apat. Simula kay Drixx na kahit putok ang labi ay nakangiti pa din. Si Syke na magulo ang buhok at putok din ang bahagi ng kilay. Si Haru naman na hindi maipinta ang mukha. Puro dugo ang kamao nito. May mga galos din ito sa dalawang braso nito. Hanggang sa gumawi ang tingin ko kay Zick na hindi makatingin sa akin. Naawa ako rito dahil punit ang damit nito. Katulad ng tatlo nitong mga kaibigan ay may galos din ito.
Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga. Lumapit ako sa kan'ya. Habang papalapit ay hindi ko inaalis ang tingin sa kan'ya. Hinihintay ko na tumingin ito sa akin. Nang sa wakas ay sinulyapan na ako nito ay tumaas ang kilay ko.
"Bakit ayaw mo ako ipakausap kay Drixx?" gagad ko rito. Hindi ko ito narinig magsalita bagkos ay nagkamot ito sa ulo. Alanganin itong ngumiti sa akin.
"I don want you to worry," saad nito. Sumimangot ako sa sinabi nito.
Paglapit ko ay hinawakan ko ang baba nito at inangat ang mukha nito. Hindi na ito makakita dahil sa namamaga nitong mata. Napailing ako sa itsura nito.
"Bakit ba kayo nakikipag-away? May napapala ba kayo? Wala 'di ba? Puro sugat lang ang nagiging resulta ng pakikipag-away n'yo." Sermon ko sa mga ito na nakatingin lamang kay Zick.
Narinig ko ang pahapyaw na sipol ni Drixx. Ito lang naman ang madalas na gumawa niyon.
"I guess, we have an open forum meeting later." Pasaring nito sa mga kasama. Kung ano man ang pag-uusapan ng mga ito ay siguradohin lang nila na walang gantihan na pag-uusapan.
Napalingon ako ng bumukas ang pinto. Nakita ko ang isang babae na puno ng pag-aalala ang mukha. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan nito. Kay Haru ito nakatingin. Girlfriend kaya siya ni Haru?
Agad itong pumunta sa isang sulok at kinuha doon ang Medicine kit. Base sa kilos nito kung paano ito gumalaw sa loob ng maliit na silid ay tila matagal na itong pumupunta dito.
Umupo ito sa tabi ni Haru. Akma nitong lilinisin ang sugat ni Haru ng balingan nito ang mga kaibigan ni Haru.
"Okay lang ba na unahin ko si Haru?" tanong nito.
"Sure, Lui." Sagot ni Syke na nakangisi.
I guess, mayroon sa kanilang namamagitan ni Haru. Kung paano nito tingnan si Haru. Kung paano tingnan ni Haru ang babae.
"Bakit ba kayo nakikipag-away? May napapala ba kayo? Wala 'di ba?" sabi nito na ikinatawa ni Syke at Drixx.
"Mga babae nga naman," makahulugang wika ni Syke.
Binalingan ko si Zick na matamang nakatitig sa akin. Ang lalaking ito ang hindi mo dapat baliwalain. Tingin pa lang nito nakakatunaw na.
"Sa susunod na makipag-away ka pa, hindi na ako pupunta dito para gamutin ka. Kahit tawagan pa ako ng mga kaibigan mo. Naiintindihan mo ba?" Pagbabanta ko rito.
Wala akong narinig na sagot rito kun'di tango ang naging tugon nito. Ang mukha nito na parang natakot sa sinabi ko.
Nang araw na iyon ay saka ko na-realize na may umusbong na damdamin para sa kan'ya. Hindi ko lubos akalain na mahuhulog ako sa isang Zick Morgan. Ang bad boy ng grupo ay binihag ang puso kong tahimik. Pero sinabi ko sa sarili na hindi dapat niya iyon malaman. Gusto ko e-enjoy ang mga araw na magkasama kami. Natatakot ako na baka kapag nalaman niya ay magbago ang pakikitungo niya sa akin. Masaya ako kung ano ang mayroon kami. Ayaw ko na masira iyon dahil sa nararamdaman ko para sa kan'ya.