bc

THE BAD BOY When Bad Turns Good

book_age18+
9.4K
FOLLOW
57.3K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
kidnap
second chance
manipulative
badboy
tragedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Ang pamilya ni Farrah ay nakaka-angat sa buhay. Kung baga namulat si Farrah na may gintong kutsara sa bibig. Pero naglaho ang lahat ng iyon na parang bula. Nabaon ang pamilya niya sa utang ng hindi niya alam kung paano nangyari.

Na-depress ang ina niya, dahilan para hindi nito kayanin ang depresyon. Namaalam ang ina niya na lugmok na lugmok pa sila. Kasabay niyon ang pagkabigo niya sa unang lalaking minahal. Iniwan siya nito sa ere ng panahon na walang wala siya.

Simula noon ay galit ang umiral sa kanya sa lalaking minahal.

Taon ang lumipas ngunit sa hindi inaasahang pangyayari muling nagkrus ang landas nila ng lalaking ni sa hinagap ay hindi na niya makikita pang muli.

Ang masaklap ay mayroon itong pinapirmahan sa kanya. Isang Marraige Contract. Dahil sa wala siyang pagpipilian ay pinirmahan niya iyon.

Paano na lang kung malaman niya na isa si Zick sa dahilan ng pagkakalubog nila sa utang noon?

Paano kung malaman niya na ang lahat ay naka-plano?

Mapapatawad pa kaya niya ang binata na kahit anong gawin niyang pambabaliwala dito ay mas lalo naman niyang minamahal?

May pag-asa ba na magpatawad ang pusong iniwan na durog o tatanggapin ang katotohanan na kahit ipagtabuyan mo ang lalaking nanakit sa iyo ay ikaw din naman ang nasasaktan?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
FARRAH Halos mabingi ako sa lakas ng sounds na nagmumula sa stage. May DJ doon na sumasabay sa ritmo ng musika. Sikat na Nightclub sa pasay ang pinuntahan ng team nila. Pamilyar din sa kanya ang pangalan ng bar ngunit hindi na lamang niya iyon pinansin. Pinili nilang umupo sa bandang sulok. Kahit upuan ay malambot. Inilibot ko ang tingin sa loob ng bar. Malawak iyon at maaliwalas tingnan. Base sa nakikita ko ay may mga sinasabi ang pumupunta dito. May nakita din akong mga CCTV. Mukha namang secured ang lugar na ito. Malalaki din ang katawan ng mga bouncers kaya walang mangangahas na manggulo sa loob. May ilan pa akong nakita na celebrities. Marahil kilala din ang may-ari dahil ilan sa mga pumapasok ay VIP card ang pinapakita. "Oh my Giiii!" tili ni Juvy. Isa sa mga staff nila. Sabay sabay kami napasulyap sa kanya. "Bakit ka tumitili? bruha ka!" Sabi ni Lenny na bahagyang nilakasan ang boses gawa ng malakas ang sounds. Si Lenny ay ang Event Coordinator ng team. Habang siya naman ang Event Planner. "May nakita kasi akong gwapo, ma'am! Tumingin pa nga siya sa atin!" Sabi nito na kinikilig at muling tumili. Umikot ang mata ko. Gwapo lang kinikilig na. Hindi naman maiiwasan na walang gwapong pupunta sa ganitong lugar. "Saan naman?" tanong ni Lenny. Nagpalinga-linga ito. Halos magkanda-haba ang leeg nito sa kakatingin kung sino tinutukoy ni Juvy. "Nawala nga po agad ma'am, eh," sambit nito. Bahagyang hinila ni Lenny ang buhok nito. "Sa susunod 'wag mo solohin, ha. Mag-share ka!" nagtawanan kami. Alas-dyes na ng gabi. Padami na ng padami na din ang tao sa loob. Sa totoo lang matagal ko ng pinagsawaan ang pagpunta sa ganitong lugar. College pa lang ako ay madalas na akong pumupunta sa mga bar kasama ang mga kaibigan ko. Pero matagal ko ng iniwan ang buhay ko noon. Dahil hindi na ako tulad ng dati. Ibang- iba na ang buhay ko ngayon sa buhay na kinagisnan ko noon. Ayoko sana sumama pero pinilit lang din ako ng mga kasama ko. Lalo na si Lenny. Hindi ako tinitigilan hanggat hindi ako sumasang-ayon. Isa pa, kaya ayoko sumama ay dahil ika-a-trese ng byernes ngayon. May kasabihan na kapag lumabas ka ng a-trese ng byernes ay may hindi magandang mangyayari sa iyo. Nakakatawa man isipin pero naniniwala ako sa kasabihan na iyon. Napag-usapan na din ng team namin na lalabas kami oras na matapos ang event na in-organize namin. Dahil sa matagumpay naman namin nagawa iyon ay minabuti naming ituloy ang napagplanohan. Ang team namin ay hindi naman ganoon kalaki at hindi din kilala. Ngunit dahil sa may mga iilan na event na din kami na na-organize ay nirerekomenda naman kami sa iba pa na labis naman namin ikinatuwa. Halos isang buwan din kami tumatanggap ng kliyente pero dahil umungot si Lenny na lumabas naman daw kami ay pinagbigyan ko siya kahit labag sa loob ko. Lima kami at lahat kami ay puro babae. Bagama't may lalaki din sa team namin ay hindi sila sumama sa amin. Nag-iba ng pinuntahan ang mga ito. Tumayo ang dalawa sa aming staff. Si Ruth at Cath. "Saan kayo pupunta?" tanong ni Lenny. "Sasayaw kami, ma'am," nagkatinginan kami ni Lenny. "Sasama po kayo?" tanong ni Ruth. Bahagya pa nitong nilapit ang mukha. "Kayo muna. Mamaya kami naman. 'Di ba, Far?" sabi ni Lenny na kininditan pa ako. Alanganin akong ngumiti. Tumango na lamang ako bilang pagsang-ayon. "Sama ako," sabi ni Juvy sabay tayo. Tila excited na itong sumayaw. "Sunod kayo ma'am, ha," baling nito sa amin. Tumango lang ako bilang tugon. Tinungo na ng mga ito ang dance floor. Hindi pa man nakakarating sa gitna ay sumasayaw na ang mga ito. Napapailing na lang ako. Mabuti na lamang at wala nagpa-book sa kanila. Hahayaan niyang magsawa ang mga ito ngayong gabi. "Walang kill joy ngayon, Far, okay." sabi ni Lenny na naninigurado ang tono ng boses. Umikot ang mata ko. "Ano pa ba magagawa ko, e nandito na ako. Enjoy ko na lang din," nakangiti kong turan. Inirapan siya nito. "Napilitan ka lang kaya ka sumama." May bahid ng pagtatampo sa boses nito. Tumawa ako. "Ma'am, may nagpapabigay po," baling ko sa nagsalita. May hawak itong wine glass na may laman. Nagkatinginan kami ni Lenny. "Para sa'kin?" Baling kong muli sa waiter at itinuro ko ang sarili. "Opo, maam." Tinuro nito ang Front bar kung saan may isang lalaki na nakaupo sa tool bar chair. Nakatingin ang lalaki sa amin partikular sa akin. May itsura ang lalaki. Gwapo sa madaling salita. Lalong lumabas ang kagwapohan nito ng ngumiti. Sa hinuha niya ay nasa mid-thirties ang lalaki. Tinaas nito ang hawak na shot glass. Kinuha ko sa waiter ang wine glass at tinaas din iyon. Sabay namin ininom ang mga hawak namin. "Pakisabi, salamat," baling kong muli sa waiter. Umalis na ang waiter at lumapit sa lalaki. Hinintay ko siyang lumapit. Ganoon ang nangyayari kapag may nagbibigay sa kanya ng drinks noon. Lalapit sa kanya at magpapakilala. Ngunit nanatili lang itong nakaupo. Hinayaan na lamang niya. "Kakaiba talaga ang beauty mo, girl," tudyo sa akin ni Lenny. "Sira, hindi nga lumapit," sabi ko. Hindi ako nadismaya. Sa katunayan ay ayos lang sa akin iyon. Muli kong sinulyapan ang pwesto nito ngunit wala na ito doon. Napailing na lang ako. Kakaiba ang trip ng lalaking iyon. "Ma'am, sayaw na tayo," yaya ni Juvy. Nakalapit na pala ito. Pasayaw sayaw pa ito sa harap namin. Sinulyapan ko si Lenny. Base sa pagkakangiti nito ay sabik na din itong sumayaw. Tumayo ako. Bago kami umalis ng mesa namin ay inubos ko muna ang inumin na binigay ng lalaki. May laman pa kasi iyon. Wala din problema na iwan ang pwesto nila dahil wala naman silang gamit na dala dahil nasa sasakyan ang mga iyon. Tanging mga personal belongings lang ang dala namin at nakalagay iyon sa mga bulsa ng pantalon namin. Tinungo na namin ang gitna. Ngayon na lang ulit. Noong nag-aaral pa ako ay madalas akong sumali sa mga pa-contest. Isa sa mga talent ko ay ang pagsasayaw. Kaya pakiramdam ko ay bumalik ako sa hilig ko. It feels so good when I'm dancing. Napapangiti na lang ang mga kasama ko. Bakas din sa mukha ng mga ito ang pagkamangha. Hindi kasi nila alam na marunong ako sumayaw. Sumasabay ang pag-galaw ng aking balakang sa bawat ritmo ng musika. Naghiyawan sila. Pati ang ibang nasa gitna. Tinaas ko pa ang aking kamay at gumiling ako mula taas hanggang baba. Natatawa na lang ako sa aking ginagawa. Gusto ko i-enjoy ang gabing ito. Dahil baka sa mga susunod na araw ay hindi ko na ito magawa. Pina-ikutan nila ako. Wala akong tigil sa pagsayaw hanggang sa nakaramdam ako ng pagkahilo. Naagapan naman agad ako ni Lenny. Napahawak ako sa aking sintido. "Girl, okay ka lang?" nag-aalala niyang tanong. Ngumiti ako sa kanya. "Baka nasobrahan lang ako sa pag-giling," tumawa ako. "CR muna ako." Paalam ko sa kanya. "Samahan na kita," presinta nito. Umiling ako. Ayoko masira ang gabi nila ng dahil sa akin. Iniwan ko na sila sa dance floor. May nabangga pa ako ngunit agad naman ako humingi ng dispensa. Bawat madadaanan ko ay naghahanap ako ng makakapitan dahil habang tumatagal ay lalo akong nahihilo. Pagdating ko sa ladies room ay agad akong naghilamos. Nagbakasakali ako na maibsan ang aking pagkahilo. Ngunit tila lalo pa yata iyon lumala. Bumibigat na din ang talukap ko. Nakapagtataka dahil hindi naman ganoon kadami ang nainom ko. Kailangan ko na yata maunang umuwi. Bumuga ako ng hangin. Sinimulan ko muli ang maglakad ngunit napahawak ako sa pintuan ng isa sa mga cubicle doon ng mawala ako sa balanse. s**t! Baka hindi ko na kayanin kapag nagtagal pa ako dito. Mabilis ko tinungo ang pintuan ngunit gayon na lang ang gulat ko ng may dalawang lalaki na tila nag-aabang doon. Parang may hinihintay itong lumabas sa CR. Hindi ko na lang sila pinansin. Ngunit napatili ako ng hawakan ako ng isang lalaki sa aking braso. "Ano ba, bitiwan mo nga ako. Sino ba kayo?!" singhal ko sa lalaking may hawak ng braso ko. May takot na lumukob sa pagkatao ko dahil sa itsura ng mga ito ay para itong mga goons sa pelikula na mukhang hindi gagawa ng maganda. "Pare, umalis na tayo. Baka makita pa tayo dito," sabi naman ng isa habang palinga-linga ito. May balak ba silang masama sa akin? No! Not them. Hindi ko matatanggap na sa ganitong sitwasyon mawawala ang pinakaiingatan ko. "Bitiwan mo ako! Kung kikidnapin ninyo ako ay wala kayong mahihita sa akin. Dahil ni singkong duling ay wala kayong makukuha. Dapat noon ninyo pa ginawa 'to no'ng may pera pa kami!" sigaw ko sa lalaki. Nagpupumiglas ako. Ngunit lalo lang humigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko. Nagpalinga-linga ako. Wala ba nakakakita sa amin? "Hindi pera ang kailangan namin. Panakot ka lang ni boss," sagot naman nito. Sumenyas ang isang lalaki na kasama nito hudyat na pwede na silang lumabas "Anong panakot? Mukha ba akong si Annabelle para ipanakot ninyo?!" Walang halong biro iyon ngunit marahas siyang hinarap nito. "Pwede ba, itigil mo 'yang bunganga mo at baka hindi ako makapagtimpi ay malilintikan ka talaga sa akin!" singhal nito sa kanya. Tumigil naman ako. Baka totohanin nito ang sinabi. Nagpalinga-linga din ito. Sumunod siya sa isang lalaking nauna. Kinalabit ko siya. Bakas sa mukha nito ang pagpipigil ng pasensya. "Bakit na naman?!" singhal muli nito sa kanya. "Inaantok na kasi ako." Sumilay ang ngisi sa labi nito pagkatapos ko iyon sabihin. "Mabuti nga sa iyo iyan ng manahimik ka." Pagkatapos nito sabihin iyon ay may humaklit sa balikat nito kasabay niyon ay napaupo ako dahil nabitawan niya ang braso ko na hawak nito. Dala na din ng pagkahilo ko. "You f*****g asshole!" Sabi ng baritonong boses. Natigilan ako. Pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Hinagilap ko kung saan iyon nagmumula. Isang lalaking nakatalikod ang nakita kong inuundyan ng suntok sa mukha ang lalaking humawak sa akin. Ang lapad ng likod nito. "Don't you ever f*****g touch her because I will f*****g kill you, you f*****g bastard!" Ramdam ko ang galit nito dahil sa paraan ng pagbitaw nito ng salita at pag-unday ng suntok nito sa lalaki. Napangiti ako. So sweet. Sino naman kaya itong savior ko? "Boss, tama na. Baka mapatay mo." Pigil ng isang lalaking nakatayo. Tumigil naman ito. Base sa pangangatawan ng lalaking nagsalita ay isa ito sa mga bouncer. Napansin ko din ang isang lalaking kasama ng humawak sa kanya na nakahandusay na sa sahig at wala ng malay. Duguan na din ang mukha nito. Sinubukan ko tumayo ngunit muli akong nahilo. Napaupo akong muli. Kasabay niyon ang pagpihit paharap sa akin ng lalaking nakatalikod. Hindi ako nakahuma ng makita ko ang mukha nito. Ang mukha na matagal na panahon kong hindi nakita. Tumayo ito at lumapit sa akin. Nag-squat ito ng upo para pumantay sa akin. Wala ako makitang emosyon sa mukha nito. Nakatitig lamang siya sa akin. "Why. . You?" tuluyan ng pumikit ang aking mata. Napabalikwas ako sa higaan. Iginala ko ang paningin sa loob ng kwarto. Nanlaki ang mata ko. Hindi ito ang kwarto ko. Sinilip ko ang ilalim ng kumot. Napasinghap ako. Hindi iyon ang damit ko. Sinipat ko ang sarili. Wala naman masakit sa aking ibabang bahagi. Hinanap ko ang cellphone ko. Ngunit wala iyon doon. Kailangan ko tawagan si Papa at mga kasama ko sa bar kagabi. Tiyak na nag-aalala na ang mga iyon. Paano ako napunta dito? Hindi kaya? Hell no! Nananaginip lang ako. Mabilis kong tinungo ang pintuan ngunit gayon na lamang ang pagkadismaya ko ng naka-lock iyon. Bakit ako ni-lock dito? Bumalik ako sa higaan. Umupo ako at hinintay ko magbukas ang pinto. Inikot ko ang paningin sa loob ng kwarto. Base sa desenyo ng kwarto ay halatang mayaman ang may-ari niyon. Pero wala na ako pakialam doon. Muli kong tinuon ang atensyon sa pinto. Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas iyon. Iniluwa niyon ang isang may edad na babae at isang lalaki na nakasuot ng barong. Sa hinuha niya ay naglalaro ang edad ng lalaki sa mid-forties. Nakangiting lumapit sa akin ang may edad na babae. Nilapag nito ang dalang tray sa kama na may lamang pagkain. "Tamang tama pala ang dating namin. Mag-almusal ka na, iha," wika nito. Umiling ako. "Sa bahay na po ako kakain. Nasaan po ang cellphone ko? Tatawagan ko po mga kasama ko sa bar at ang Papa ko." Magalang kong wika. "Huwag mo na sila alalahanin, iha. Natawagan na sila," anang ng may edad na babae. Nagsalubong ang kilay ko. "P-po? Sino po tumawag?" takang tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa ng lalaki. Binalingan ulit ako ng may edad na babae. Magsasalita sana ito ng hawakan ito ng kasamang lalaki sa balikat. "Ako na bahala, Manang Yolly." Sinulyapan muna ako nito bago lumabas ng kwarto. Naiwan kami ng lalaki. "Mag-almusal ka muna, Miss Suarez," may nilapag itong papel sa bedside table. "After that, sign this paper." Sabi nito. "Para saan ang pirma ko?" tanong ko sa lalaki. "You should see it first, Miss Suarez." Tumalikod na ito sa kanya. Sinulyapan ko ang papel sa bedside table. Wala sa loob na kinuha ko iyon. Ngunit gayon na lang ang panlalaki ng dalawang mata ko ng makita ko ang mga letra na nakasulat sa papel bagama't hindi ko pa man nababasa ang nilalaman niyon. Isa lang naman 'Marraige Contract'. Anong kalokohan 'to? Pipirma ako ng wala man lang ako kaalam-alam kung sino ang pangahas na lalaki ang gustong mapangasawa ako. Hell, no! "Anong kalokohan 'to? Alam nyo po ba ang kasabihan na magbiro ka na sa lasing 'wag lang sa bagong gising?" Ewan ko ba sadyang napakahilig ko maniwala sa mga kasabihan. Hindi ako sira-ulo para pumirma lalo pa at hindi ko naman kilala ang lalaki na pangahas na gusto ako maging asawa. Pumihit ito paharap sa kanya. Tumawa ito. "Of course, I believe in that saying. But I'm sorry to tell you that this is not a joke." Tumaas ang isang kilay ko. "Sino naman ang lalaking gusto ako mapangasawa? At wala man lang ako kaalam-alam." May bahid na ng iritasyon sa boses ko. "His name is on the paper. You should see it first." Muli itong tumalikod sa akin. "Gusto ko sya makilala," anas ko. Huminto ang lalaki sa paghakbang ng marinig ang sinabi ko. Pumihit itong muli paharap sa akin. "You know him," sabi nito. Nagsalubong ang kilay ko. Kilala ko? Hindi ako nagsalita. "Are you sure you want to meet him?" Paninigurado nito. "Yes," tipid kong sagot. Dapat ko lang makilala ang talipandas na lalaking iyon. Wala siyang karapatan na manipulahin ang tahimik kong buhay. Tuluyan na itong lumabas. Kung sino man ang lalaking pangahas na iyon ay pagsisisihan niyang dinala niya ako dito. Hinintay kung bumukas muli ang pinto. I crossed my legs and arms on my chest while waiting to that man. Hawak ko pa din ang papel. Madami naman na babae dyan ako pa talaga napili. Hindi ko hahayaan sirain niya ang tahimik kong buhay. Hindi ito ang pangarap kong kasal. Pirma na nga agad wala ng kasal. Pambihirang buhay 'to. Kagabi lang may mga lalaking gustong kumuha sa akin. Ngayon naman may lalaking pinapapirma ako ng Marraige Contract. Sinasabi ko na nga ba at malas ang Friday the 13th dahil nangyari sa akin ito. Hindi ako papayag. Muling bumukas ang pinto. Iniluwa doon ang lalaking kausap ko kanina. Nakangiti ito ng sulyapan ko. "He's here," sabi nito. Hinintay ko pumasok ang bwisit na lalaki. Para namang slow motion na sinimulan ko tingnan ito mula sa paa nito. He's wearing black shoes and black slacks. Base sa haba ng paa nito ay matangkad ang lalaking pangahas. Mula sa paa ay tumaas ang tingin ko sa katawan nito. Tumagos yata ang mata ko sa suot nitong white polo long sleeve na nakatupi hanggang siko ang manggas. Tila may mga nakatagong mala-pandesal sa katawan nito. Base sa tindig nito ay magandang lalaki ito. Tumaas pa ang tingin ko. Oh my! He has a broad shoulders at kahit nakatago ang braso nito sa suot ay bakat doon ang muscle nito. Tumaas ang kilay ko. Baka katawan lang ang maganda sayo. Sabi ng isang bahagi ng utak ko. Hanggang sa dumako ang tingin ko sa mukha niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ang mukha na matagal kong hindi nakita ay nasa harap ko ngayon. His beautiful dark eyes na kapag tumitig sayo ay tumatagos hanggang sa kailaliman ng iyong pagkatao. His kissable lips na gusto ko ng halikan noon pa man. His perfect jaw line. Bakit ko pa nakita ang lalaking ito kung kailan naka-move on na ako? I automatically removed my crossed legs and arms on my chest and I realized that I am walking towards to him and when I get closer I slapped his face without hesitation. Such a great entrance. Dinig ko ang pagsinghap ng nasa likuran nito. Si Manang Yolly at Isa pang babae na ka-edad ko lang yata. Hindi naman nakakilos ang lalaking katabi nito. He deserves it after what he have done to me for a long time ago. And I hate him for that.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook