FARRAH
Tumagilid ang mukha nito sa ginawa kong pag-sampal. Mabuti nga sa kanya. Kulang pa nga ang ginawa ko. Gusto ko pa siya sampalin.
"Masakit ba?" tanong ko.
Walang halong pag-aalala sa boses ko.
Hinarap niya ang kanyang mukha sa akin. Buong tapang kong sinalubong ang titig niya. Ang kapal ng lalaking ito magpakita sa akin. Noong kailangan ko siya ay wala siya sa tabi ko. Tadhana nga naman sadyang mapagbiro. Kung kailan naka-move on na ako ay saka pa siya nagpakita.
Hinimas nito ang bahagi ng pisngi na dinapuan ng aking palad.
"That's it?" sarkastikong tanong nito.
Sa tagal na panahon ang boses nito ay ganoon pa din ang epekto sa akin. What the?
Binalingan nito ang lalaking katabi.
"Attorney, can you leave us?" So, abogado pala siya.
Talagang nagdala pa ito ng abogado para may witness.
Lumabas ang lalaki.
Bago ito lumabas ng kwarto ay umiling-iling pa ito.
Sinara nito ang pinto.
Kami na lang dalawa ang naiwan. Ngayon ako tila nawalan ng tapang. Presensya pa lang ng lalaking ito nakakapanghina na.
Binalingan ako nito ng lumabas na ang tinawag nitong attorney.
Tumaas ang isang kilay ko.
Dumako ang tingin nito sa papel na hawak ko. Sa inis ko ay hinampas ko iyon sa dibdib niya. Hindi naman ito natinag sa ginawa ko. Kinuha nito ang papel.
"Sino ka para magdesisyon sa buhay ko?!" tumaas ang boses ko. Muling bumalik ang galit ko sa kanya.
"You don't have a choice, Far," mahinahon nitong wika.
Natigilan ako. Walang pagbabago kung paano niya banggitin ang pangalan ko noon at ngayon. No! Nangako ako sa sarili ko na hinding hindi ko mapapatawad ang lalaking ito.
Inabot nito sa akin ang papel. Marahas kong kinuha sa kanya ang papel at akmang pupunitin.
"Kahit punitin mo 'yan ay bibigyan at bibigyan kita ng pipirmahan mo. I told you, you don't have a choice." Sa sinabi nito ay hindi ko tinuloy ang pagpunit sa papel.
Umalis siya sa harap ko. Sinundan ko siya ng tingin. Tinungo nito ang kama. Kinuha nito ang tray na may laman na pagkain. Dinala nito iyon sa lamesita. Pagkatapos ay muling bumalik sa higaan para ayusin naman iyon. What is happening to him? Hindi siya ganyan noon. Parang may nagbago sa kanya.
"Paano kung hindi ko pirmahan 'to?" tanong ko. I have a choice. Iyon ay ang hindi ko pirmahan ang Marraige Contract.
Tumigil siya sa paga-ayos ng higaan.
"I told you, you don't have a choice." Mahinahon pa din ito magsalita. Argh! Hindi ko gusto ang kaharap ko. Hindi siya iyon.
"Wala ka bang ibang sasabihin kundi 'I don't have a choice?' Paano nga kung hindi ko pirmahan ito?" tanong kong muli. May bahid na ng iritasyon ang boses ko. Sana mabigyan na niya ako ng sagot.
Humugot ito ng malalim na hininga.
"You can't leave here until you sign that papers," sagot nito.
Muli nitong tinuon ang atensyon sa ginagawa.
"What?!" bulalas ko. "So wala nga talaga akong choice. So, kapag pinirmahan ko 'to makakaalis na ako dito?" Tanong kong muli. Gusto ko makasiguro na tutupad siya sa usapan.
"We'll see," sambit nito at tinapos na ang ginagawa.
"Zick, ano ba! Gusto ko maka-sigurado na papaalisin mo ako dito." Nakapamulsa itong humarap sa kanya. Salubong ang kilay nito.
"Just sign the papers," maawtoridad nitong wika.
Pasalampak akong naupo sa couch na nasa kwarto. Padabog kung nilagay sa lamesita ang papel. Tiningnan ko siya ng masama. Nakatingin lang siya sa akin. Gagantihan kita. Magsisisi ka na pinapirmahan mo sa akin ito! Sigaw ng utak ko.
"Ballpen!" singhal ko sa kanya. Agad naman itong tumalima. Kinuha nito ang ballpen na nasa bedside table. Inabot nito iyon sa kanya. Padarag ko kinuha ang ballpen sa kanya at pinirmahan ko ang dapat pirmahan.
Napangiwi ako. Sa isang iglap lang ay hindi na ako Farrah Suarez. Isa na akong Farrah Suarez Morgan. Bakit sa ganitong paraan pa? Pinangarap ko naman noon na maging Morgan pero hindi sa ganitong galit ako sa taong pinapangarap ko noon.
Binalingan ko siyang muli.
"Masaya ka na?!" sarkastiko kong tanong sa kanya. Wala akong mabasang emosyon mula sa kanya.
Kinuha nito ang papel at naglakad palayo sa akin. Wala akong nakuhang kahit anong sagot mula dito. Sa inis ko ay tumayo ako. Malapit na siya sa pintuan.
"Hindi ito ang pangarap kong kasal, bwisit ka!" Kasabay niyon ay ang pagbato ko ng hawak na ballpen sa kanya. Tumama iyon sa ulo nito.
Tumigil ito. I bit my lower lip. Napalakas yata ang bato ko dahil dinig ko kung gaano kalakas ang tunog ng pagtama niyon sa ulo nito. Ngunit hindi ako nagpatinag. Kulang pa iyon para sa ginawa niyang pagdurog sa puso ko.
Hindi siya nito hinarap.
"Eat your breakfast," malamig nitong wika na hindi man lang ako nilingon.
Tuluyan na itong lumabas ng kwarto.
Nanghihina akong napaupo sa couch. Anong nangyari? May asawa na ako at tanging kami lang ang nakakaalam. Paano si Papa?
Nang maalala ko ang ama ay mabilis kong tinungo ang pintuan ngunit naka-lock na naman iyon. Ang tanga ko. Bakit nga ba ako naniwala na papaalisin niya ako dito.
"Zick, palabasin mo ako dito! Kailangan ako ni Papa. May sakit siya!" sigaw ko habang kinakalabog ko ang pinto.
"Please, Zick. May buhay din ako sa labas!" Ngunit tila walang nakakarinig sa akin.
Dumausdos ako ng upo sa sahig habang nakasandal sa pintuan. Naramdaman ko ang pagdaloy ng mainit na likido sa aking mukha. Umiiyak ako.
Niyakap ko ang aking tuhod at sinubsob ko ang aking mukha. Unti-unti bumabalik ang sakit. Ang akala kong sakit na tinaboy na ng mahabang panahon ay muli na naman nangibabaw ng makita ko siya.
"Bakit mo ' to ginagawa sa akin, Zick? Bakit ka pa nagpakita sa akin? Masaya na ang buhay ko ng wala ka. Bakit nandito ka na naman? Binabalik mo lang ang sakit na pinaranas mo sa akin noon." Sabi ko sa kawalan at muli akong umiyak.
Nang wala na yata akong mailabas na luha ay tinungo ko ang kama. Muli akong nahiga doon. Wala na akong magagawa kundi ang sumabay na lang sa agos ng buhay. Ito na ang kapalaran ko ngayon. Isa na akong may asawa. Ang hindi ko lang matanggap ay ang lalaking iniwan ako sa ere ang s'yang mapapangasawa ko.
Gusto ko syang tanungin. Madami akong gusto itanong sa kanya. Ngunit paano ko magagawa iyon kung galit ang umiiral sa aking puso. Galit ako sa kanya.
Hanggang sa nakatulugan ko na ang pag-iisip.
Naalimpungatan ako ng may mainit na bagay na dumadampi sa aking mukha.
Unti-unti kong dinilat ang aking mata. Isang puno ng pag-aalala na mukha ang aking nabungaran. Nakaupo siya sa kama malapit sa akin.
"Z-zick?" sambit ko.
Biglang bumilis ang t***k ng puso ko.
"Hindi ka kumain," mahina nitong wika. "It's lunch already. Nagdala ako ng pagkain mo." Sabi nito na tinuro ang lamesita.
May pagkain nga doon ngunit wala akong ganang kumain.
Bumangon ako. Lumayo ako sa kanya. Hanggat maaari ayoko mapalapit sa kanya. Sa papel lang kami mag-asawa hindi sa totoong buhay.
He heaved out a deep sigh.
Tumayo ito. Nakapamulsa siyang humarap sa akin. Nagpalit na din ito ng damit. Kahit simpleng itim na t-shirt at naka-short lang ito ay hindi pa din nabawasan ang kagwapohan nito. Napansin ko din na clean cut na ang gupit ng buhok nito. Hindi tulad noon na kahit bawal ang pagpapahaba ng buhok sa School nila ay nagpahaba pa din ng buhok ito. Wala na itong hikaw sa isang tenga. Ang laki ng pinagbago nito. Nakakapanibago.
"Don't worry about your father. He's been taking care of. And about your team, thier already know your fine." Paliwanag nito.
Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Gusto ko tawagan si Papa. Gusto ko sya kumustahin. Saka kailangan ko bumalik sa trabaho. Kailangan ako ng team ko." sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"I already told them you're going to resign." Sa sinabi nito ay tiningnan ko siya ng masama.
Tumayo ako.
"What did you just say?!" tumaas ang boses ko. "Hindi sa lahat ng bagay mamanipulahin mo ang buhay ko, Zick! Pinirmahan ko na ang lintik na Marraige Contract na 'yan. Bakit mo pa ako kailangan ikulong dito? Tandaan mo, sa papel lang tayo mag-asawa!" Sigaw ko sa kanya. Nanginginig ako sa galit.
Hindi nakaligtas sa mata ko ang pagtagis ng kanyang mga bagang. Dumilim ang mukha niya. Siya pa ang may ganang magalit samantalang ako itong simula ng pirmahan ang Marraige Contract na iyon ay simula na din ng paghihirap ko.
"It's for your own good." Tanging nasambit nito at tumalikod na ito.
Hindi ko napigilan ang sarili ko na habulin siya. Hinampas ko siya sa likod.
"Why are you doing this to me? Masaya na ako sa buhay ko. Bakit ka pa bumalik?!" Hindi na ako nakapagtimpi. Gusto ko ilabas sa kanya ang matagal ko ng kinikimkim.
Hanggang sa tuluyan na akong umiyak.
Humarap siya sa akin. Hindi pa ako nakuntento ay pinaghahampas ko din ang dibdib niya. Gusto ko iparanas sa kanya ang sakit na naranasan ko noon. Noong kailangan ko siya pero wala siya sa tabi ko.
Hindi siya natinag sa ginagawa ko. Sinampal ko siya. Wala akong pakialam kung mangapal man ang mukha niya sa sampal ko. Gusto ko ilabas ang galit ko sa kanya. Dahil sa ganoon na lang ako mabubunutan ng tinik.
Sampal at pagbayo sa dibdib niya ang ginagawa ko hanggang sa napagod na ako. Ngunit nanatili lang siyang nakatayo. Bigla ako nakaramdam ng awa sa kanya dahil pulang-pula na ang pisngi niya sa sampal ko.
"Sana hindi ka na lang bumalik, Zick. Sana hindi na lang," sambit ko habang patuloy na dumadaloy ang aking luha.
Wala akong makuhang reaksyon mula sa kanya kaya minabuti kong bumalik sa higaan. Wala din akong balak kumain.
"I'm sorry, Far. I'm sorry." Natigilan ako.
Thats it? Sorry lang ang maririnig ko sa kanya. Paliwanag ang gusto ko marinig mula sa kanya.
Pumihit ako paharap ngunit palabas na siya ng pintuan. Sinulyapan muna niya ako. Kakaiba ang tingin niya sa akin. Hindi ko mabasa iyon.
Hanggang sa tuluyan na nitong sinara ang pinto. Naiwan na naman ako mag-isa sa kwarto. Ikukulong lang ba niya ako dito buong araw at sa mga susunod pang araw?
Sinulyapan ko ang dala nitong pagkain. Natakam ako. Nakaramdam na din ako ng gutom. Napagisip-isip ko na kaysa pahirapan ko ang sarili at magmukmok ay kailangan ko ng lakas para makaalis ako dito. Hindi ako papayag na manipulahin niya ang buhay ko.
Lumapit ako sa lamesita. Kailangan ko kumain. Naupo ako at sinimulan ko ng kumain. Naubos ko ang pagkain sa tray. Natawa ako sa sarili. Para akong sira. Para akong bibitayin kinabukasan dahil sa dami ng kinain ko. Nang matapos ako kumain ay inikot ko ang buong silid. Baka may makita ako na bagay para makatulong sa pagtakas ko.
Naghalungkat ako sa mga drawers. Ngunit nahalungkat ko na yata lahat ay wala akong makitang bagay na tutulong sa akin. Sinadya talaga siguro niya na hindi niya lagyan ng kung ano man gamit dito. Bwisit!
Tinungo ko ang bintana. Nakatabing ang puting kurtina doon. Hinawi ko ang kurtina at isang salamin ang tumambad sa akin. Sa labas niyon ay may grills. Nanlumo ako. Nawalan ako ng pag-asa.
Binuksan ko ang slide window. Dumampi sa aking balat ang simoy ng hangin. Nasamyo ko ang preskong amoy niyon.
Tumanaw ako sa labas. Halos magkanda-haba na ang leeg ko sa kakasilip kung may mga kapitbahay ba ngunit wala akong nakitang bahay na malapit. Nasaan ako? Kahit yata magsisigaw ako dito ay puputok lang ang litid ko sa leeg dahil wala din naman makakarinig sa akin. Now what? Ito ba ang magiging buhay ng asawa ng lalaki na 'yun? Ang ikulong ako sa kwartong ito? Nasaan ang kalayaan ko?
Dahil wala naman na akong pag-asa na makaalis dito ay minabuti kong maghalungkat ulit. Ang closet naman ang pinuntirya ko. Nalula ako sa nakita ko. Puro damit pambabae iyon. Lagi ba s'ya nagdadala ng babae dito? Siguro, dahil noon pa man ay lapitin na siya ng babae.
Hindi ako makapaniwala na sa apat na magkakaibigan sa kanya pa ako nagkagusto. Samantalang ang tatlo nitong kaibigan ay makalaglag panga din naman. Bakit sa kanya pa?
Kumuha ako ng sleeveless na damit. Iyon ang isusuot ko. At short na hindi naman ganoon kaiksi. Binuksan ko ang drawer ng closet. Halos manlaki ang mata ko sa nakita. Mga branded na panty at bra iyon. Pambihira. Hindi ko alam kung pinaghandaan niya o talagang nakalaan ang mga ito sa babae na dinadala niya dito.
Maliligo ako. Kahit pa may aircon ang kwartong ito ay nanlalagkit pa din ako.
Tinungo ko ang banyo. Malaki din ang banyo. May bathtub pa iyon. Mas pinili ko na lang mag-shower. Sawa na ako sa bathtub noon. Halos puro pambabae din ang gamit sa loob at halatang bago pa iyon. Niri-riserve ba niya ito sa mga babae na dinadala niya dito? Sa naisip ay nag-init ang ulo ko. Subukan mo lang magdala ng babae dito. Hindi lang sampal ang ipaparanas ko sayo, Mister Morgan! Sigaw ng utak ko.
Kinuha ko ang bath towel at ibinalot ko iyon sa aking katawan pagkatapos ko maligo. Lumabas na ako ng banyo ngunit gayon na lang ang gulat ko ng makita ko siya. Nakaupo siya sa couch. Hawak nito ang cellphone. Wala na din doon ang pinagkainan ko. Marahil pinaligpit na nito.
Awtomatikong napatingin ito sa akin. Saglit siya nitong tinitigan at muling itinuon ang atensyon sa cellphone.
Umismid ako. Kunwari pa na hindi nagulat sa hitsura ko. Ano kaya kung sa harap niya ako magbihis.
Ipinilig ko ang ulo. Hindi ako desperada para akitin siya.
Kinuha ko ang damit at pumasok akong muli sa banyo. Doon ako nagbihis.
Paglabas ko ay nandoon pa din siya.
Tinungo ko ang malaking salamin na nasa kabilang gilid ng kama. May mga nakalagay doon na mga beauty products. Kumpleto iyon. Puro branded din. lotion, perfume at kung anu-ano pa. Tsk! I'm sure, lahat ng dini-date niya puro may kaartehan sa katawan.
Aminado ako noon na hindi ako nabubuhay na walang nakapahid sa katawan at mukha. Ngunit natuto na ako.
Kinuha ko ang lotion at naglagay ako sa aking braso at binti. Sinubukan ko din ang perfume. Nag-spray ako ng bahagya. Napapikit ako. Naalala ko ang gamit kong perfume noon. Ngunit ng mawala kami ng yaman hindi ko na nabili iyon dahil may kamahalan din iyon.
"You like it?" dumilat ako. Sinulyapan ko siya mula sa salamin. Nakapamulsa itong nakatayo hindi kalayuan sa aking kinauupuan.
Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Masyadong matapang," anas ko. Kahit hindi totoo.
Gusto ko matawa sa naging reaksyon niya. Nagsalubong ang kilay nito kalauna'y tumaas din ang isang kilay. Para itong professor sa college na sinagot ng estudyante ng pabalang.
Lumapit ito sa akin. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko.
Nang makalapit siya ay kinuha niya sa akin ang hawak na botelya ng perfume.
Tinitigan nito iyon.
"Are you sure? I thaught it was your perfume?" Inamoy pa nito iyon.
Natigilan naman ako. Ibig sabihin para talaga sa akin ang mga ito. Pati 'yung perfume na gamit ko palagi noon ay sinadya nitong bilhin. Nagtaka ako ng dalhin nito ang perfume at nagsimulang maglakad.
"Wait!" pigil ko sa kanya.
Hinawakan ko pa ang kamay niya na may hawak na perfume. Tila may kung anong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan. Mabilis kong inalis ang kamay ko.
"Saan mo dadalhin 'yan?" tanong ko.
"You said it smells strong. I'll just throw it away. I will buy you a new one." Seryosong wika nito.
Muli ito naglakad. Napailing ako. Palibhasa mayaman kaya ganoon na lang magtapon ng bagay.
Mabilis ko syang hinabol at kinuha sa kanya ang hawak. Bumalik ako sa salamin at nilagay iyon. Salubong ang kilay nito ng sulyapan ko siya.
"Matuto ka pahalagahan ang bagay na mayroon ka." Makahulugan kong wika.
Hindi na ito nagsalita. Nagbago ang ekspresyon ng mukha nito. Parang may gusto itong sabihin ngunit hindi nito masabi.
Naglakad siya palapit sa akin. Umatras ako. Bumilis na naman ang t***k ng puso ko.
Nang malapit na siya sa akin ay tumunog ang cellphone nito sa bulsa. Kinuha nito iyon at sinagot ang tawag.
"Dude, what is it?" Sinulyapan siya nito.
Dumako ang tingin niya sa ibabang bahagi ng aking mukha partikular sa aking labi. Nagtagal iyon ng ilang segundo. What is he thingking?
Tumango-tango ito. "Okay, I'm on my way." Tinapos na nito ang tawag. Muli niya akong binalingan. Nagtaas-baba ang dibdib nito. Tumalikod ito sa akin at nagsimula maglakad patungo sa pintuan.
"Zick!" tawag ko sa kanya ng malapit na ito sa pinto.
Humarap ulit ito sa akin. "H-hindi ba ako pwede lumabas man lang ng kwarto?" tanong ko. Nagbabakasakali na sana ay makalabas na ako.
Hinintay ko siyang sumagot ngunit nanatili lang siyang nakatitig sa akin.
"I'm sorry," tanging narinig kong sagot nito. Na naman?
Mabilis kong kinuha ang unan na nasa kama at hinagis ko iyon sa kanya ngunit nakalabas na ito ng kwarto.
"I hate you, Zick! Ang sama mo! Pagsisisihan mong dinala mo ako dito!" Sigaw ko sa kanya kahit hindi ako sigurado kong naririnig niya ang sinasabi ko.
Tumulo na naman ang luha ko. Tahimik akong umiyak. Sinubsob ko ang mukha sa nag-iisang unan na nasa kama. Ganito na lang ba iikot ang buhay ko?Kasama ang kwarto na tanging ito lang ang nakakasaksi kung gaano ako naghihirap at nasasaktan ngayon? Bakit ka pa bumalik Zick, kung ganito din ulit ang gagawin mo sa akin? Ang saktan akong muli.