FARRAH Marahan kong iminulat ang aking mata at kumurap. Nakararamdam pa din ako ng pagkahilo. Pilit kong inaalala kung ano ang nangyari ng mga nakalipas na araw. Panaginip lang siguro ang lahat. Nang isipin ko iyon ay nakahinga ako ng maluwag. Bumangon ako sa higaan at inikot ko ang aking paningin sa loob ng maliit na silid. Ngunit gayon na lamang ang labis na kaba ng mapagtanto kong hindi panaginip ang naganap kanina. Nasa maliit ako ng kwarto at walang tanging makikita doon kun'di isang papag na higaan kung saan ako nakaupo at mesa na maliit sa gilid ng papag. Naramdaman kong sumakit ang aking likod. Marahil siguro ay sa papag na hindi man lang pinagkaabalahang lagyan ng sapin. Tumayo ako ngunit nakaramdam ako ng pagkahilo at muli akong napaupo sa papag. May nilagay silang gamot

