FARRAH Napabalikwas ako ng bangon. Hinahalukay na naman ang t'yan ko. Kahit inaantok pa ay mabilis kong tinungo ang banyo. Doon ay sunod-sunod akong nag-suka. Naramdaman ko ang marahang paghagod sa aking likuran. "Are you alright, baby?" Tumango ako saka naghilamos at nagmumog sa Bathroom sink. Sinipat ko ang sarili sa salamin. Pangalawang araw na akong ganito at sa umaga ako nagsusuka. Hindi kaya sa kinain kong mangga? Ngayon lang nag-digest sa t'yan ko. Pero hindi naman ako tinatawag ng kalikasan. Nakita ko mula sa salamin ang nag-aalalang mukha ni Zick. Kinuha ko ang nakasabit na bath towel at tinuyo ang mukha. Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni Zick mula sa aking likuran. "Gusto mo ba tawagan ko si Doc. Maria? She's our family doctor." Mariin akong umili

