Chapter 8: Hug

2041 Words
Kapwa kaming tahimik at seryoso sa kanya kanya naming trabaho. Dito ako nakaupo sa dining table samantalang nasa couch naman si Sir. Sa totoo lang sumasakit na rin ang ulo ko, maghapon na akong nakaharap sa computer hanggang ngayon computer parin. Ang daming pinarevised na report ni Sir Lei kahit okay naman pinaparevised pa rin niya tipong basta may maipagawa lang. Nakakainis tlaga! kung hindi lang din niya sinabing doble ang sahod ko ngayon uuwi na talaga ako. Antok na kaya ako, ilang araw na rin akong walang sapat na tulog mula ng magtrabaho ako sa kanya. "ahhhh-hhaaaaaa" hikab ko sabay inat pataas ng dalawang braso. Napabaling ng tingin sakin si Sir Lei dahil sa paghikab ko. "Sorry po!" napayuko ako sa hiya. Biglang may kumatok sa pinto ni Sir Lei marahil yun na yung inorder niyang food. Sakto at gutom na gutom na talaga ako. "Yan na yata yung inorder ko. Mamaya mo na ituloy yan kumain na muna tayo." tumayo siya at naglakad papuntang pinto para kunin yung pagkain. Ako naman ay nagligpit ng mga gamit na nakalapag sa dining table para makapag hain na. Paglapit niya sa dining dalawang malaking plastic ang bitbit niya. "Parang fiesta ah" biro ko sa kanya. "sa lakas mong kumain baka kulang pa yan" sagot niya habang tumatawa. Nagningning ang mga mata ko ng isa isa ng ilabas ni Sir mula sa plastic yung nga inorder niya. May pork barbeque, buttered shirmp with corn, honey glazed chicken, japchae saka fried rice. Para kaming bibitayin sa sobrang dami nito. Nagsimula na kaming kumain kaya galit galit muna. "ikaw lang ang nakatira dito?" takang tanong ko sa kanya kanina pa kasi kami magkasama sa condo niya pero wala manlang akong nakitang ibang tao bukod saming dalawa. Tumango siya bilang tugon habang patuloy parin sa pagkain. "sobrang laki ng bahay mo tapos magisa ka lang hindi ka ba nalulungkot?" huminto siya sa pagkain saka ako tinignan. "bakit gusto mo bang tumira dito? pwede naman kung gusto mo para may kasama ako." nasamid ako bigla sa sinabi niya. Marahan akong uminom ng tubig saka nagpatuloy sa pagkain. "namamangha lang ako. Yung bahay kasing tinutuluyan ko parang kasing laki lang ng banyo ng condo mo" natatawa kong kwento sa kanya. "talaga? hindi ka ba nahihirapan?" tanong niya sakin na inilingan ko naman. "sanay na ako walong taon na akong nakatira dun" "yung magulang mo dun din sila nakatira?" tanong niya na ikinatamik ko. Hindi na ako kumibo ayoko kasing pinaguusapan ang buhay ko lalo na ang tungkol sa magulang ko. tumikhim siya marahil napansin niya ang pananahimik ko. "Sorry sa tanong ko" sabi niya. "okay lang po hindi niyo po kailangang mag sorry." nagangat ako ng tingin sa kanya saka ako ngumiti. Hindi na ulit kami nagusap hanggang sa makatapos kaming kumain. Nagprisinta na akong magurong para makapag umpisa na ulit si sir sa trabaho niya. Konti lang din naman yung uurungin kaya mabilis akong natapos. Pabalik na rin ako sa pagtatrabaho ng lumapit sakin si Sir Lei sa dinning. "Bago yan hindi ko pa nagagamit you can take a shower para maging kumportable ka" sabay abot ng damit polo shirt yun saka boxer brief. "uhmm hindi na po kailangan sir. Kumportable naman po ako sa suot ko. Saka uuwi rin naman ako pagkatapos ng trabaho natin" sabay abot pabalik sa kanya ng mga pinahiram niyang gamit. "NO! Hindi pwede. Masyado ng delikado kung uuwi ka pa saka hindi naman natin alam kung hanggang anong oras tayo matatapos. Kaya dito ka na matulog. Maaga kitang ihahatid sa inyo para makapag palit ka ng damit saka tayo papasok sa opisina." mahaba nitong paliwanag. "Pero sir sanay naman akong umuwi ng gabi kahit nga alas dos ng madaling araw nakakauwi ako galing Elixir 'eh" "Sssshhhhh! can you please shut your mouth Ms. De Guzman. Ang ingay mo! One more complaint I'll kiss you!" babala niya. may sasabihin pa sana ako pero bigla akong natahimik pinoproseso ng isip ko yung mga salitang sinabi niya. 'tong bwisit na 'to lakas mag banta'. Nasa ganong pagiisip ako ng bigla siya lumakad palapit sakin. Nagulat ako sa biglang paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Ang bilis ng pangyayari hindi ako nakakilos agad. Konti nalang kasi mahahalikan na niya ako. Nakita ko pang binasa niya ang ibabang labi niya saka iyun kinakagat kagat ng mga ngipin niya. Inaakit niya ba ako. Napalunok laway nalang ako ng salitan niyang tinititigan ang mga mata at labi ko. Pinaninindigan ako ng balahibo sa buong katawan pag ganito ang mga akto niya. Mariin akong napapikita dahil naduduling na talaga ako sa sobrang lapit niya. Maya-maya pa'y naramdaman kong ikinikiskis niya yung ilong niya sa pisngi ko 'bwisit tlaga tong taong 'to' sabay bulong sa aking tainga. "Maligo ka na ang baho mo na!" sa inis ko malakas ko siyang tinulak sa kanyang dibdib na nagpaatras sa kanya. Bwisit talaga siya ang hilig mang inis. Inirapan ko siya pero tumawa lang siya ng tumawa. Nakikita niyang kasing pikon na pikon na ako sa mga ginagawa niya. Sa sobrang inis ko pinaghahampas ko ang mga braso nya wala na akong pake kung boss ko siya. "Ouch Stop! Cielo! Stop it! Ano ba ang sakit" sigaw niya habang sinasangga ang mga hampas ko. Ilang hampas pa ang ginawa ko saka ako tumigil saka ko siya binelatan "buti nga sayo" sabi ko. Akma siyang gaganti kaya hinablot ko agad yung pinahiram niya na damit sa ibabaw ng countertop at mabilis na nagtatakbo papasok ng banyo. "pag naabutan kita hahalikan talaga kita" dinig ko pa ang sigaw niya. Kaya mas biniliaan ko pa ang takbo ko habang tumatawa. Agad kong sinarado at nilock yung pinto para hindi siya makapasok. Rinig ko pa ang sigaw, katok at pag babanta niya sa labas ng banyo. Natatawa nalang ako sa mga sinasabi niya parang bata lang. Naalimpungatan ako mula sa pagkakatulog. Naramdaman ko ang isang matigas, mabango at nainit na bagay sa harap ko. Niyakap ko itong mabuti dahil masarap sa pakiramdam ang init na nagmumula dito. Isiniksik ko pang lalo ang mukha at katawan ko ng maramdaman ang lamig sa paligid. Siguro dahil sa himbing ng tulog ko kagabi kaya hindi ko ito namalayan at ngayong gising na ang diwa ko ay saka ko lang naramdaman ang sobrang ginaw. Inaantok pa ako kaya nanatili pa akong nakapikit ng makarinig ako ng mumunting ungol. "HuhHh? bakit may umuungol?" bulong ko sa isip. Hinahaplos haplos ko pa ang bagay na yakap ko, pinapakiramdaman ko kung ano ito para kasing hindi ako pamilyar sakin parang wala akong ganitong gamit sa kama ko. Napakunot ako ng noo ng makarinig ulit ako ng ungol "sh*t ang aga aga naman ng mga kapitbahay ko" sabi ko ulit sa aking sarili. Nang hindi ko talaga maisip kung ano yung bagay na yakap yakap ko ay marahan kong minulat ang mga mata ko. Inaninaw ko pang mabuti ang nasa harap ko dahil medyo madilim pa ang paligid. "Leeg??" kunot noo kong tanong. Minulat kong mabuti ang aking mata para makita ng malinaw ang nasa harap ko pero leeg talaga ang nakikita ko. Inangat ko ang aking mukha pero nanlaki ang mga mata ko ng makita ko ang mukha ni Sir Lei. "Sir Lei???" sinampal ko pa ang pisngi ko baka nananaginip pa ako. Pero hindi gising na gising na ako. "ouch! s**t! si Sir Lei nga aannnNNoong???" hindi ako nakakilos agad nanlaki ang mata ko sa posisyon namin. Nakayakap kaming parehas sa isa't isa habang ako ay nakaunan pa sa kanang braso niya. Napabalikwas ako ng higa at malakas siyang itinulak. Tumayo ako sa gilid ng kama habang ang mga kamay at braso ko ay niyayakap sa katawan. "aaaahhhhhh!!!! My god Sir Lei anong ginawa mo???" pasigaw kong tanong sa kanya. Marahan siyang umangat paupo habang nagkakamot ng ulo nakapikit pa ang isang mata niya. Nanlaki ang mata ko ng makitang naka topless siya at sweatpants lang ang suot niya. "anong nangyari sir? bakit magkatabi tayong matulog? at bakit ka nakatopless? my god sir" sunod sunod kong tanong dito. "SSssshhhh! Huwag kang OA Cielo wala akong ginawa sayo." sagot niya habang nagkukusot ng mata. "halika ka dito matulog pa tayo inaantok pa ako" dagdag pa niya sabay hablot sa braso ko. "Hh-hindi. Hindi na ako inaantok sir" sabi ko habang pumipiglas sa pagkakahawak niya sa braso ko. Pero ang tigas niya di manlang natinag. Nagulat nalang ako sa bilis ng pag hila niya sakin hindi ko namalayan na napahiga na ulit ako sa kama. Inayos niya ang pagkakahiga namin tulad ng higa namin kanina. Mas humigpit nga lang ang yakap niya ngayon sakin nakadantay pa ang mga binti para siguraduhing hindi ako makakawala. "ten more minutes cielo. I'm still sleepy." wika niya sa malambing na boses habang pumapatak ng halik sa noo ko. "Hug me back please, I want to feel your warmth" utos niya pa sakin. Mas nanlamig ang pakiramdam ko sa mga salitang sinabi niya. Na estatwa ako at hindi nagawang gumalaw. Hindi ko alam kung susundin ko ba siya sa sinabi niya o hindi. Ang iba't ibang emosyon na nararamdaman ko ay pawang bago lahat para sa akin. Hindi ko maipaliwanag at hindi ko matukoy. Parang may pagaalinlangan akong gawin. Pero bakit? si Leo nga niyayakap din ako pero hindi ako nakakaramdam ng pagkailang pero ngayon kay Sir Lei hindi lang pagkailang ang nararamdaman ko kundi pati pagkabog ng dibdib at paghinto ng hininga ay sabay sabay kong nararamdaman. Sa huli ay pinagtaksilan ng aking katawan ang aking isip. Ayaw ng isip ko pero ginawa ko parin ng katawan ko. Niyakap ko siya tulad ng sinabi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at dinama ng ilang minuto ang init ng aming katawan. Kahit inaantok pa ay nagmadali na kaming nagasikaso ng sarili dadaan pa kasi kami sa apartment para makapag palit ako ng damit bago dumeretso ng opisina. Naikwento din ni Sir Lei ang nangyari kagabi. Marahil daw sa sobrang pagod ko at antok ay nakatulog na ako sa dining. Ginigising daw niya ako pero hindi ako magising mukhang mahimbing na daw ang tulog ko kaya naman daw binuhat na niya ako at dinala sa kwarto para makahiga ng maayos. Wala daw siyang choice dahil iisa lang daw ang kwarto at kama sa condo niya dahil siya lang naman daw ang nagisang nakatira dun. Hindi naman daw pwedeng na sa sala niya lang ako patulugin. Tahimik lamang ako habang nasa byahe kami papunta ng opisina. Nasa labas ng binta ang aking tingin habang sinasabayang kantahin sa isip ang musikang naririnig mula sa stereo ng kotse ni sir. Narinig ko ang pagtikhim niya kaya napabaling ako sa kanya ng tingin. "Are you okay?" may pagaalala tanong nito sa akin. Tumango lamang ako at maliit na ngumiti bilang tugon sa tanong niya. Iniliko niya ang kotse at dumaan sa drive thru ng isang kilalang coffee shop. Hindi kasi kami nakapag almusal bago umalis sa condo dahil late na kami. Kaya siguro nagtake out nalang siya ng almusal namin. Habang nasa byahe ay sinimulan ko ng kainin yung cinnamon bread na inorder ni Sir. Natigilan ako, nahiya akong kumain samantalang siya ay hindi makakain dahil busy sa pagdadrive. Kaya naman pumiraso ako ng maliit sa tinapay at isinubo iyon sa kanya. Nagawa namain maubos yung binili niyang almusal bago pa man kami makarating sa opisina. Sa pagpasok namin sa building ay agad kong dinistansya ang sarili ko kay Sir Lei. Ayoko kasing mapagisipan kami ng hindi maganda ng mga tao dito. Kahit pa alam naming wala namang kaming ginagawang masama hindi parin natin masasabi ang takbo ng isip ng ibang tao. Ayokong mapulaan si Sir Lei ng dahil sakin. Pagbukas ng elevator agad na kaming naglakad palabas ni Sir Lei habang ako ay nananatili sa likod niya. Malapit na ako sa table ko ng mapansin ang paghinto ni Sir Lei sa paglalakad. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Tulad nung mga nakakaraang araw nakatanggap na naman ako ng regalo mula sa secret admirer 'kuno' ko. Isang bouquet of white roses, chocolates at isang heart emoji stuff toy naman ngayon ang nasa ibabaw ng lamesa ko. Napanguso ako ng kunot noo akong binalingan ng tingin ni Sir Lei. "Style nila bulok" aniya. Saka nagpatuloy sa paglalakad papasok ng opisina saka pabalyang binagsak ang pinto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD