bc

Ruined by You(Bachelor Series 1)

book_age18+
236
FOLLOW
1.3K
READ
love-triangle
sex
second chance
drama
sweet
office/work place
first love
virgin
lawyer
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

"Forgiveness is Love"

Alora Cielo De Guzman is a musician, singer and dancer. Ulila man ay hindi ito naging hadlang para tuparin ang pangarap niyang maging isang abogado. She work for it! Ginamit niya ang sariling talento para buhayin at pagaralin ang sarili. Because of her dedication, captivating beauty and pure heart she gets Philip Kalei's attention.

Sa isang kisap mata his attraction to her turn into love. Paano siya mamahalin ni Cielo kung nananalaytay sa dugo niya ang dugo ng taong sumira sa buhay at pamilya niya? Ang kasalanan ba ng ama ay kasalanan din ba ng anak?

-----

"Cielo"

balak ko sana siyang biruin dahil first name basis na ang pagtawag niya sa akin na dati ay Ms. De Guzman.

Bago pa man ako makalingon ng tuluyan sa kanya ay agad na niya akong hinatak sa aking braso para mapalapit sa kanya. Ang isang kamay naman niya ay mabilis na humatak sa aking bewang.

Nanlaki ang mata ko dahil mariin niyang pinaglapat ang aming mga labi.Magkalapat lamang ito nung una pero ilang sandali pa ay nagumpisa ng gumalaw ang kanyang mga labi. Salitan niyang pinaglalaruan at sinisipsip ang itaas at ibabang labi ko.

Nanginginig ang isang kamay kong napahawak sa kanyang balikat. Nanghihina ako. Nahihirapan akong huminga. Pakiramdan ko'y para akong nauupos na kandila sa mga halik na ginagawad niya sa akin.

Inabandona ng isang kamay niya ang braso kong hinatak niya at marahan itong inihaplos sa aking balikat papunta sa aking leeg na nagbigay ng kiliti sa aking buong katawan hanggang sa mahigpit na itong humawak sa aking batok para mas palalimin ang kanyang mga halik.

Sinisipsip. Hinihigop. kinakagat ganyan ang paulit ulit niyang ginagawa sa labi mga labi ko na nananatiling nakatikom.

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Collision
"Late na ko! Late na ko! Late na ko!" bulong ko sa sarili habang lakad takbo kong binabagtas ang hallway papunta sa parking lot. After ng klase ko dumederetso ako lagi sa bar. Hindi para magWalwal kundi para magtrabaho. Musician and vocalist ako sa isang sikat na Bar dito sa Quezon city ang ELIXIR Liquor and Music Bar. Anim ng taon na akong nagtatrabaho dito at ito na halos ng bumuhay sakin at nagtustos sa pagaaral ko sa college. Nasa huling taon na ako ngayon ng pagaaral sa Law School. Hindi naging madali para sakin na tuparin ang aking mga pangarap. Napaka dami kong pinagdaanang hirap at mga pagsubok sa buhay. Halos dugo at pawis na ang ipinuhunan ko. Halos hindi na ako natutulog mapagsabay lang ang pag-aaral at pag-tatrabaho. Zombie mode lang ang peg ko araw-araw lalo na during exam week. Kulang nalang magturok na ako ng kape sa katawan sa dami ng annotation and codals na dapat basahin at kabisaduhin. Sabay pa ng nga daan-daang cases na dapat aralin kada subjects. Ilang buwan nalang ang bibilangin at makakagraduate na ako. Pagkaraan noon Bar Exam naman. Ito ang huling baitang na pagdadaanan ko para tuluyan ko ng matupad ang pangarap ko at pangarap ng magulang ko sakin. Pag nangyari yun taas noo ko ng maipagmamalaki ang sarili ko sa ibang tao. "Atty. Alora Cielo De Guzman" usal ko ng mga ngiti sa labi. Halos habol hininga akong nakarating sa kinaroronan ng motor ko at kasalukuyang kinakamada ng mga dala kong gamit sa motor. Agad kong isinuot ang aking black face mask at black hoodie jacket. Akmang isusuot ko na ang aking helmet para makaalis na ng biglang tumunog ang cellphone ko. Napangiti ako ng makita kung sino ang tumatawag. "Hello! sweetie asan ka na? malapit ng magstart ang set natin" sigaw na sabi ni Leo sa kabilang linya. Maingay kasi sa loob ng bar kaya kailangan nyang sumigaw para marinig ko sya. "Hi! papunta na! pasensya na kakatapos lang kasi ng exam ko" "Mabuti naman. Oh kamusta ang exam mo?" tanong nya. "ANG HIRAP!" in exagerated tone sabay tawa. "sus! humble..ayan na naman sa hirap tapos perfect naman lagi ang exam" "ahahaha..makaPerfect naman! mahirap naman talaga" nakangiti kong sabi. "Kamusta jan? kumpleto na kayo? si Mama Ten andiyan na?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. "Oo kumpleto na ikaw nalang ang kulang, Kaya eto si Mama Ten nagHisterical na naman dito walang ginawa kundi patawagan ka dahil baka indianin mo na naman daw sya" natatawang saad ni Leo. May mga pagkakataon kasi minsan pag busy ako sa school at marami akong nirereview ay hindi ako nakakapasok sa bar. Kung minsan naman ay last minute ako kung magpaalam na hindi makakapasok pag nagextend ng oras ng class ang professor namin kaya pati mga ka banda ko nagagahol. The good thing in our band is all around kami pagdating sa mga instruments and lahat kami sanay kumanta. Kaya kahit kulang ng isa kaya paring dalin ng buong banda. Ganun sila kalupit. "Ahaha I imagine Mama Ten's face now! nakakatakot" natatawang sagot ko kay Leo. Noong napadpad ako dito sa maynila halos si Mama Ten na ang tumayong pangalawang magulang ko. Siya ang owner ng bar na pinagtatrabahuhan ko. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, sa kanila ni Leo. Noong mga panahon na walang wala ako at kailangan ko ng tulong walang pagaalinlangan nila akong tinulungan at sinuportahan sa maraming bagay. Kahit hindi nila ako kadugo Tinuring nila akong pamilya pinaramdam nila sa akin na hindi ako nagiisa. Tinulungan nila akong bumangon ulit at magpatuloy sa buhay. "konting lambing mo lang dito ok na alam mo namang love na love ka ni Mama Ten!" "I know! at Love na love ko din kayo ni Mama Ten! O'sya tama na ang drama baka magkaiyakan na naman tayo. Mamaya nalang ng hindi ako matraffic." paalam ko kay Leo. "Osige, Dala mo ba motor mo? huwag mong kalimutang isuot yang helmet mo. Ingat sa pagDrive. Huwag kang kaskasera! I love you sweetie" may panenermong sabi ni Leo. "Opo magiingat po ako! sige na bye" malambing kong tugon. Lakas makaJowa ng indearment ni papa Leo 'no? Simula nung nagkakilala kami sweetie na ang tawag nya sakin. Kaya madalas napagkakamalan kaming magBoyfriend because of his gestures everytime na magkasama kami. Leo is my hero. I owe my life to him. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin kung hindi siya dumating sa buhay ko. That is why I love and respect him as my brother and best friend. Pero Minsan di ko maiwasang isipin ung mga sinasabi ng mga katrabaho namin na baka may gusto sakin si Leo. Hindi daw kasi normal yung sweetness niya sakin. Lagi kasi itong nakayakap, madalas din siyang humalik sa aking noo o pisngi. Minsan naman ay magkaHolding hands pa kami. Hindi ko na lamang ito pinapansin. Normal kasi sa kanya ang pagiging maalaga at maalalahanin sa lahat ng tao. Isa pa matagal na kaming magkakilala kaya ayokong lagyan ng ibang kahulugan ang mga ginagawa niya. Mas gusto ko siya bilang kapatid dahil napaka importante niya sakin at ayaw kong masira iyun dahil sa ano mang bagay. I ended up his call and immediately put on my helmet. Sumakay ako sa motor ko at agad itong pinaharurot paalis ng campus namin. As I expected traffic na naman. Buti nalang talaga at nakapag pundar ako ng motor. Hindi ako masyadong nahihirapan sa byahe hindi ko kinakailangang makipag unahan at makipagsiksikan sa mga pasaherong naghahabol sa mga pampasaherong sasakyan para makauwi. Kailangan lang ng dobleng ingat dahil napaka delikado sa daan lalo na dito sa maynila na napaka daming barumbadong driver. Isama mo pa ang mga pedestrian na kung saan-saan nalang tumatawid at sumusulpot. Hindi alintana ang peligro sa daan. May pagiingat kong binabagtas ngayon ang daan papuntang Elixir. Ilang kilometro nalang at nandoon na ako. I only have an hour before our set starts. May oras pa ako para makapag ayos ng sarili mamaya. Ilang sandali pa ay may isang pangyayari ang hindi ko inaasahan at ngayon pa talaga kung kelan ako nagmamadali. Isang batang babae na may bitbit na mga panindang candy ang bigla nalang sumulpot sa harap ko. Buti nalang at alerto ako. Kinabig ko ang aking motor at agad na inapakan ang preno dahilan para tumaob din ako. Napapreno din bigla ang mga kasunuran kong mga sasakyan dahil sa nangyari. Napaupo ako saglit sa kalsada dahil sa pagkakatumba buti at wala namang nangyari masama sakin.Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo ko at agad na tinanggal ang suot kong helmet. Dinaluhan ko ang batang muntik ko ng masagasaan para icheck kung okay lang ba siya. Nakaupo siya sa kalsada at isa isang pinupulot ang mga nagkalat na candy sa paligid niya. "Ayos ka lang ba? may masakit ba sayo?" may pagaalala kong tanong dito. "okay lang po ako ate. Wala pong masakit sakin." Tumingin siya sa aking saka umiling. "Sigurado ka? Gusto mo bang dalin kita sa ospital? Nasan ang mga magulang mo?" sunod sunod na tanong ko dito. "huwag niyo po akong intindihin ate ayos lang po ako si sir nalang po ang tanungin nyo mukhang sa kanya po kayo magkakaproblema" sabi ng batang babae sabay turo sa lalaking nasa likod ko. Tumingin ako sa dereksyon na tinuro nung bata. Mula sa pwesto ko kiya ko pa ang napaka daming mga tao at motoristang nakiki usyoso sa nangyari kaya siguro hindi ko siya napansin agad kanina. Kakababa lang nito sa kotse niya at halata sa mukha niya ang pagkainis at pagkadismaya. Ilang malulutong na mura ang kanyang pinakawalan habang nakapamewang at mariing tinitignan ang tagiliran ng kotse niya na may mga yupi at gasgas. Napabalik ako wisyo ko ng makitang asa tabi nun yung motor kong nakatumba. Mukhang tama nga yung bata mukhang sa kanya nga ako magkakaproblema. Tumaya ako mula sa pagkakahulod ko nang dinaluhan ko yung bata. Naglakad ako papunta sa motor kong nakatumba at itinayo iyun pansamantala konitong itinabi sa gilid ng kalsada para makaraan yung ibang mga sasakyan na naipit sa traffic. Nagcause na kasi kami ng traffic. Pagkaraan nun ay nilapitan ko yung may ari ng sasakyang nabangga ko. Halata sa pananamit at kilos niya na nakakaangat siya sa buhay. He is wearing a white fitted shirt, black ripped jeans, white shoes and denim hoodie jacket. Bagay ang suot niya sa kanya lalo na at matangkad siya. Maputi at makinis ang kanyang balat. Maganda ang kanyang mga mata at matangos din ang ilong. Yun nga lang ay nakasalamukot ang kanyang mukha ngayon sa inis kulang nalang kainin niya ako ng buhay. "S-sir, pa-sen-sya na po kayo hindi ko po sinasadyang mabangga kayo. Bigla po kasing tumawid yung bata kaya po napakabig ako bigla." nauutal kong paghingi ng pasensya sa lalaki na nananatili paring masama ang tingin sa akin. "She's just a kid you shouldn't blame it to her. Ikaw ang matanda, ikaw ang may lisensya. It's your reaponsibility" pasigaw at iretableng sagot nito. "Hindi naman po sa ganun sir. Pinapaliwanag ko lang po yung nangyari. Pasensya na po kayo hindi konpo talaga sinasadya" "Where is your license? Don't you know how expensive my car is? para ganun-ganon mo nalang banggain? alam mo bang kayang-kaya kitang ipakulong ngayon?" Sa sinabi niyang yun lalong nadagdagan ang kaba at takot ko. Ito ang unang beses na masangkot ako sa disgrasiya. May lisensya naman ako kaya naman pinapanatili kong kalmado ang sarili kahit ang totoo ay sobra talaga ang kaba ko. "Please sir, Pagusapan po natin ito. Huwag nyo po akong ipakulong. Handa naman po akong bayaran ko po ung naging damage sa sasakyan nyo. Please sir! " pagmamakaawa ko sa lalaki. Handa anong gawin kahit ano huwag lang akong makulong. Hindi ako pwedeng magkarecord mababale wala ang pag-aaral ko. "kung ganun bayaran mo ako ngayon." "Pero sir, wala po akong dalang pera ngayon. Papasok palang po ako ng trabaho. Kung gusto nyo sir iwan ko nalang po sa inyo yung lisensya at calling card ko. Kailangan ko na po kasing umalis sir. Kailangan na po ako sa trabaho." "what did you say? seriously? Hoy Miss na naka mask baka nakakalimutan mo. Hindi lang ikaw ang naabala sa katangahan mo kundi lahat kami. Akala mo ba makakatakas ka ng ganun ganun nalang?" "Sir hindi ko naman po kayo tatakbuhan. Babayaran ko po kayo wala lang po talaga akong dalang pera ngayon. Diyan lang naman po ako sa Elixir nagtatrabaho kung ok lang po sa inyo dun niyo nalang po ako puntahan para mabayaran ko po kayo. Please sir huwag nyo po akong ipakulong. Hindi po ako pwedeng makulong" Totoong wala tlaga akong dalang pera ngayon. Sakto lang kasi lagi ang dinadala kong pera para makatipid ako. Ngayon palang din ang sahod namin sa bar. Kaya kung sakali mamaya ko palang ako magkakapera pagkauwi namin. Magsasalita palang sana ulit yung lalaki ng biglang tumunog yung cellphone ko na nasa bulsa ng hoodie jacket ko. "Excuse lang po sir" sabi ko sa lalaki at agad na kinuha yung cellphkne at sagutin ito. "Hello, papunta na! papunta na! pasensya na may nangyari lang." sagot ko kay Leo sa kabilang linya. Malapit na daw kasing magumpisa yung gig pero wala parin ako. binaba ko na yung tawag at ibinalik ko sa aking bulsa yung cellphone ko. Binalingan ko ulit ng tingin yung lalaking nabangga ko na ngayon ay parang pinagsakluban na ng langit at lupa ang mukha. "Sir sorry po talaga pero kailangan ko na po talagang umalis. Kailangan nampo ako sa trabaho ko. Puntahan niyo nalang po ako sa Elixir. Huwag po kayong magalala babayaran ko po kayo. Hindi ko po kayo tatakbuhan. Pasensya na po talaga." Hindi ko na inantay yung sasabihin niya. Tinalikuran ko na siya at agad na pinuntahan ang motor ko. Baka pag dumating ang mga pulis at abutan pa ako dito ay mas lalo akong hindi makaalis. Sumakay na ako sa aking motor at sinuot ang aking helmet. Sinulyapan ko pa siya ulit bago umalis. Hindi naman na niya ako pinigilan nakatingin lamang siya sakin habang nagkakamot ng ulo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook