Chapter 12: Promise

1724 Words
"Where do you want to go?" nakangiting tanong niya. sandali akong natigilan sa aking ginagawa. Binalingan ko siya ng may pagtatakhang tingin dahil hindi klaro sakin kung anong ibig niyang sabihin. "I promise you right? Pag may bakanteng oras mamamasyal tayo?" Yeah! now I remembered. Bago pa kami dumating dito sa quezon ay may usapan nga pala kami na mamamasyal dito pag may bakanteng oras. Winaglit ko na ito sa aking isip at hindi na rin ako umasang matutuloy pa kami dahil sabi nga niya trabaho ang pinuntahan namin dito at hindi pamamasyal. Sa pagkakaalala ko rin ay nasabi niya sakin na kailangan din namin umuwi agad pagkatapos na pagkatapos ng conference dahil may business meeting pa siyang pupuntahan pagbalik ng manila. Sa unang dalawang araw namin sa quezon ay naging busy kami parehas sa conference. Siniksik din kasi ang lahat ng activities sa loob lamang ng dalawang araw at inaabot pa ito ng gabi. Sa sobrang pagod kaya dumederetso nalang din kami sa hotel room para makapag pahinga. Kaya ngayon huling araw ng conference ay halfday nalang ito. Kaya hindi ko inaasahan na magaaya pa siya ngayon lalo na at kailangan naming umuwi agad dahil may mga aasikasuhin pa siya pagka uwi namin. "Di po ba may business meeting kayo mamaya?" may pagtataka kong tanong. "I cancelled it, pinareschedule ko nalang bukas" aniya. Kung babyahe daw kami pauwi ngayon ay baka gabi na rin ang dating namin sa manila. Kaya minabuti niyang ipagpabukas nalang para hindi daw siya pagod at gahol sa oras. Malawak ang ngiti na nakapaskil sa aking mukha habang naglalakad papunta sa aming hotel room. Nagmamadali ang mga kilos ko dahil sa excitement na nararamdaman. I don’t want to waste time. I want to make the most of our last day here in Quezon. Minsan lang itong mangyayari kaya susulitin ko na. "don't be in a hurry we still have a long time" aniya. Habang naghuhubad ng kanyang suot na coat at necktie. Nauna na siyang pumasok sa banyo para maligo habang ako'y abala pa sa pagaayos ng mga dadaling gamit. Ilang minuto ang nakalipas ng manoot sa aking ilong ang mabangong amoy ng pampaligong sabon ni Sir Lei. Hindi ko tuloy napigilang mapalingon sa dereksyon ng banyo ng tumunog ang lock nito. Kita kong kakalabas palang ni Sir Lei mula doon. Suot niya ang isang robang puti na medyo maluwang ang pagkakatali kaya kitang kita ang nalapad niyang dibdib pati ang mga butil ng tubig na tumutulo pa mula sa kanyang ulo. Marahan niyang pinupunasan ng maliit na bimpong puti ang kanyang basang buhok at salitan itong sinusuklay ng kanyang mga daliri. Maraming napansin niya ang pagtitig ko sa kanya kaya napaangat siya ng tingin sa akin na ikinagulat ko naman. Tumalikod ako agad para itago ang pamumula ng aking mukha. Napabuga ako ng malalim na hininga dahil sa hiya ng mahuli niya akong nakatingin sa kanya. Sinubukan ko siyang silipin sa likod ko at nakita kong nakatingin parin siya sa akin. Napakagat labi nalang ako at agad na naglakad papunta sa kama ko habang kumakamot ng kilay. Agad kong kunuha sa ibabaw nito ang aking pamalit na damit at saka dumeretso sa banyo. Dinig ko pa ang pag ngising ginawa niya nung madaanan ko siya. Saglit akong naligo bago magpalit ng damit. Simpleng black sleeveless crochet lace crop top at maong short ang suot ko na pinatungan ito ng gray cardigan. Muli kong tinignan ang sarili sa salamin at siniguradong presentable akong tignan bago lumabas ng banyo. Sa aking paglabas sumalubong agad ang mga mata ni Sir Lei sakin. Napaayos siya ng tayo mula sa pagkakasandal ang likod sa hamba ng balcony. Habang ang dalawang kamay niya ay nakapaloob sa bulsa ng kanyang brown khaki short. Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Nakakunot ang kanyang noo para bang dismayado sa suot ko. "change your clothes" utos niya. Habang nakapamewang at nananatiling nakakunot ang noong nakatingin sa kabuoan ko. "why is there a problem with what I'm wearing?" may pagpoprotestang tanong ko. "I don't like it" aniya ng napapailing pa. "Pero ito ang gusto kong isuot" "if you don't change we won't leave" aniya sa matigas na tono. sa kagustuhan kong matuloy kaming umalis ay wala akong nagawa kung hindi magpalit. Nakanguso akong kinuha ang aking maleta at namili sa mga damit na dala ko. Isang white crop top tshirt at pink floral skirt na may ribbon sa gilid ang nadampot ko. Pinakita ko muna sa kanya yun para masiguradong aprobado sa kanya dahil ayokong magpapalit palit pa ng suot kung sakaling ayaw na naman niya ng napili ko. Sayang ang oras. "That's better" sagot niya bago pa ako tuluyang makalabas ng banyo. Kinuha niya sa ibabaw ng kama yung bag na hinanda ko para dalin sa lakad namin. Lumapit siya sakin at walang salitang ipinalibot ang kanyang isang braso sa aking batok para akbayan ako at saka giniya palabas ng room namin. Mahigpit akong napakapit sa laylayan ng damit niya sa likod dahil sa muntikan na akong matumba sa biglaan niyang pagakbay sakin. Ala una y media na ng hapon ng makaalis kami ng hotel. Marami akong gustong puntahang pasyalan dito sa quezon pero iilang oras nalang ang meron kami at baka sa byahe palang ay maubos na ang oras namin. Aabutin ng trenta minutos ang byahe namin papunta sa unang destinasyon. Sakay ng kanyang kotse una namin pinuntahan ang sikat na kainan dito sa quezon. Sa social media ko unang nalaman ang tungkol sa restaurant na ito. They were known not only for the taste of the food they offered as well as the scenery and ambiance of the entire restaurant. You can't say you've been to quezon if you haven't eaten here. So why not give it a try. Pagpasok palang namin ng pinto ay tumambad na agad samin ang mga staff ng restaurant na mga nakasuot ng baro't saya sa mga kababaihan at barong tagalog sa mga kalalakihan. Nakapalibot sila sa buong parte ng gusali habang sinasabayan ng kanta at indayog ang masiglang tugtog ng mga musikero gamit ang mga instrumentong pilipino. May ilang mga torista din na sinasabayan ng palakpak at indak ang tugtog kaya naman mas lalong napuno ng kasiyahan ang buong paligid ng restaurant. Paupo na kami sa bakanteng lamesa ng biglang may humawak sa kamay ko at pilit akong hinihila palayo sa upuan namin. Napahinto ako at hindi agad nakapagreact agad sa ginawa niya. Bumaling ako kay Sir Lei at kita kong pati siya ay hatakhatak din ng isang staff. Nagkalayo kami ng pwesto nasa gawing kanan siya samantalang nasa gawing kaliwa naman ako. Napabalik ako sa wisyo ng magsimula na ulit ang nakakaindak na tutog. Sinabihan ako nung babaeng staff na katabi ko na gayahin ko ang mga gagawin niya. Madali at paulit ulit lang naman ang step ng sayaw kaya madaling kabisaduhin. Nagsasayaw din naman ako kaya nadali para sakin na sundan sila at makipagsabayan sa pagsaway. Sa buong durasyon ng sayawan ay naguumapaw ang sayang naramdaman ko. Puro ngiti at tawa lang ang nagawa ko. Mas dumoble ang saya na nararamdaman ko ng matanaw ang pamilyar na bulto ng isang tao. Kahit malayo ako sa kanya ngayon at napalilibutan kami ng maraming tao ay nagawa parin siyang mahagip ng aking mga mata. Nakakatuwa siyang makita sa ganitong estado. Naka brown khaki short, plain black tshirt at white and black sneakers malayong malayo sa three piece suit na palagi niyang suot sa opisina. Hindi mo aakalain na CEO at tagapag mana siya ng isang napaka laking kumpanya. Halos mawala na yung mga mata niya sa kanyang pagtawa. Sa pakikipaghalobilo niya sa ibang tao sa oras na ito aakalain mong katulad lang din namin siya. Kahit na sa totoong buhay ay sobrang layo ang agwat ng estado namin sa buhay. Nagtapos ang sayawan sa malakas na palakpakan. Nilibot ko ang aking paningin para hanapin si Sir Lei at makabalik na kami sa aming upuan ngunit hindi ko siya nakita. 'saan na naman kaya sumuot yung isang yun?' Kaya naglakad na ako papunta sa table namin doon ko nalang siya hihintayin. "Hey" bati sakin ng isang pamilyar na boses. Ang mga kamay niya ay parehas na patulak akong hinawakan sa aking balakang. Hindi pa man ako nakakalingon sa kanya ay inundayan na niya ako ng halik sa sintido. Napaigik ako sa inakto niya at hindi agad nakapagreact. Hindi pa ako nakakahinuha sa ginawa niya ay bigla niyang inilapat ang kamay niya sa aking pisngi. "Hhmmm pawis mo" sabay punas sa mga butil ng pawis. Pinanliitan ko siya ng mata habang pinupunasan ang nganpawis ko na tinawanan lang niya. "Ang cute mo talaga pagnaiinis" sabay kurot sa maliwang pisngi ko. Hinawi ko yung kamay para mahinto siya sa pagkurot pero agad niyang pinagsalop ang aming mga kamay. "Let's go, umorder na tayo. I'm already hungry" ngumiti sila saka ako hinatak papunta sa table namin. Hindi daw siya pamilyar sa mga pagkain dito sa quezon kaya hinayaan niya na ako ang mamili ng pagkain namin. We are known for our love of food and eating. Of course, you cannot deny yourself with some of the best delicacies in the province. Maraming sikat at masasarap na pagkain dito sa Quezon. But I have a particular dish that I want to taste because of the feedback and vlogs that I see on social media. Una kong inorder ang pinagmamalaki nilang lucban longanisa with sunny side up egg and garlic rice. Dahil sa gutom ako gusto ko ng rice. Sunod kong inorder ang Sinantomas o mas kilala sa tawag na pork calderata. Sa iba ito ay luto sa gata at tomato sauce pero dito sa quezon ginamitan siya ng soy sauce, pineapple juice, catsup, tomato sause at keso kaya mas naging malinamnam ang lasa niya. Meron din akong inorder na Lucban Meatloaf o Hardinera kung tawagin dito at Budin o mas kilala sa tawag na cassava cake at sempre hindi mawawala ang pansit habhab. Sikat ang pansit habhab sa buong pilipinas hindi lang dahil sa lasa nito kundi sa kung paano siya kainin. Napapangisi tuloy ako sa naiisip ko. Pano kaya kumain ng pansit habhab ang mayayaman. Mukhang mapapasabak sa pagkain nito si Sir Lei. "Ang dami mong inorder 'ah may pambayad ka ba?" nakangising tanong niya pagkaalis ng waiter sa table namin. "Wala! pero ikaw meron!" tumatawa kong sagot dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD