Celestine’s POV Nakabalik na si Dominique at may dala-dala na siyang tubig para sa akin. Kaagad naman akong nagpasalamat sa kanya atsaka ‘yon ininom. Saktong kakatapos na rin ng kantahan at magsisimula na ang pagdiDJ kaya aasahang mas magwawild ang mga tao rito. Palalim na rin ng palalim ang gabi at mas nagiging madami na rin ang mga alcoholic drinks ang nagkalat. Halos maubos na rin ang ilang alcohol stations dito dahil sunod-sunod ang mga taong bumibili ng maiinom. “Sabihin mo lang ako kung gusto mo nang bumalik sa hotel, ihahatid kita,” sabi ni Dom sa aking tabi. Tumango ako sa kanya atsaka nagpasalamat sa kanyang alok. “Wait. Are you Xyler? Xyler Gutierrez from Italy?” Sabay kaming napalingon ni Dom sa isang babaeng kumausap kay Xyler na nasa tabi lang namin. Bakas naman sa muk

