Celestine’s POV Nakuha ko na ang gradeslip ko noong nakaraang araw. At laking tuwa nina Mama at Papa dahil kung noon, dos ang pinakamalaki kong marka, ngayon naman ay may flat 1 na ako sa isang subject ko. Line of 1 ako sa finals grade ko kaya sobrang tuwa ko rin. Lahat ng pagod ko sa pagrereview at pag-aaral ay nasuklian na. Ang mga gabing walang tulog at minsan ay pumapasok sa school ng puyat ay may matamis na resulta sa huli. Hindi man ako nakapasok sa Dean’s List this sem dahil sa mga marka kong nakuha noong midterm namin, atleast isa ako sa mga aangat this school year. Sobrang nakakaexcite rin pero may bahid na pagkalungkot dahil isang taon na lang at tuluyan na akong aalis sa Wilksven. Ang aking pangalawang tahanan ay unti-unti ko ng lilisanin sa takdang araw ng aking pag-alis.

