Celestine’s POV Nakapalumbaba ako habang tinatanaw ang mga sasakyang dumaraan sa kalsada. Ngayong araw na ‘to matatapos ang aming finals exam. Nababagot na ako dahil kanina ko pa hinihintay sina Sasha at Dominique na matapos sila sa huli nilang subject test. Nasa rooftop ako ng university dahil mahangin dito. Ayokong tumambay sa school grounds dahil maaalala ko lang si Achilles. Tuluyan na siyang naexpelled dito sa Wilksven dahil may nalaman kami na may pinuwersa rin pala siyang makipagtalik sa kanya na estudyante mula sa nursing at tourism department. Napakahayop talaga nang lalakeng ‘yon! Kung sino-sino na lang ang binibiktima. Mabuti na lang at nakakulong na siya ngayon. Napabuga na lang ako ng hangin habang nakatingin pa rin sa kalsada. Dahil tahimik ang buong lugar, naalala ko n

