Chapter two
Canteen
Lunch break
12:30 pm
May mangilan-ngilan na lang na studyante ang kumakain, marahil katatapos lang ng iba, alas dose e medya na rin kasi at kalimitan ng lunch break ng bawat year ay eleven thirty to twelve. Meron kaming one hour lunch break.
Hawak sa magkabilang kamay ang tray ng pagkain ko ay dumiretso ako sa table na napiling pwestuhan namin, nakaupo na silang tatlo dahil nauna silang pumila sakin para bumili ng kanin.
Maingat ko munang ipinatong ang kalahati ng tray sa lamesa para may space pa ako sa paglalagay ng pagkain ko sa table. Bumili lang ako ng pakbet na gulay at isang piraso ng fried shrimp na binalot ng harina. Meron kasi akong baong kanin kaya ulam na lang binili ko.
Daming pagkain na nakalagay sa table namin, ilang putahe kasi ang dalang baon ni kc nasa apat na Tupperware ang nilagyan nito ng ulam, bukod pa ang panghimagas na nakalagay sa isang Tupperware din. Kaya naman puro kanin lang ang binili nilang tatlo.
"Zameerain, bakit bumili ka pa ulam? Dami kong dinala o!" - sabay turo sa mga Tupperware na isa-isa ng binubuksan ni kc.
Hindi ko alam ang isasagot ko kaya ngumiti na lang ako.
"Basta! Bukas alam mo na ha!" - nakangiti pang saad ni kc.
Tumango na lang ako.
"Oops, wait! before we eat mag thank you muna tayo kay GOD." -at nagsimula ng pumikit si kc, kasabay ay pag usal ng pasasalamat sa pamamagitan ng panalangin.
"Pwede na tayong kumain." -si kc ulit.
"Oy, nice! Ganda talaga! ng timing ko."
Napalingon ako sa nagsalita sa likuran ko.
"Ikaw pala, Ranniel kumain ka naba?." - nakangiting tanong ni kc.
"Hindi pa nga e, pwede bang makikain?" - sabay hila ng isang bangko sa katabing lamesa at sumingit sa pagitan namin ni chillet.
"Oo ba! Ito may extra ako ditong paper plate." -si kc ulit pagka bigay ng paper plate.
"Thanks!..-si Ranniel. ( tingin kay kc ng nakangiti) kaya naman pinamulahan ng pisngi ang huli.
...Chillelat penge rice." -baling nito sa katabi. Kumuha na lang ito basta sa kanin ni chillet.
"Wala, ka na namang baon?"- nakataas ang isang kilay na tanong ni chillet sa ngumunguya ng katabi.
" Walang huli si tatay kagabi, tapos tinanghali ako ng gising kaya di ako nakapagsaing." -paliwanag ni Ranniel pagkalunok ng pagkain sa bibig.
"Kc, penge ako nito ha." - si Monica na nakaturo sa ulam na bicol express.
Tumango naman si kc.
Tahimik lang akong kumakain habang nakikinig sa kwentuhan ng mga kasama ko sa table. Inalok ako ni kc ng ulam kumuha naman ako pero kunti lang may binili kasi akong ulam.
Manggo Graham pala ang panghimagas na dala ni kc. Naunang kumuha si Monica dahil paborito pala nito iyon. Sumunod si chillet na kumuha. Si Ranniel ay nilagyan ni kc sa paper plate nito maging ako ay nilagyan din nito.
Nagkasabay pa kami ni ranniel na mag thank you kay kc. Kaya naman napangiti ako tapos nagulat ako kasi tumingin sakin si Ranniel.
"Hoy! Ulo yung tingin mo! Ayusin mo, kaibigan namin yan!" -hampas ni chillet sa braso ni Ranniel.
"Naku! Naman, nagselos agad itong chillelat ko, syempre mas pretty ka pa rin sa eyes ko."-
"Ew! Kasuka talaga kayong dalawa, napaka PDA niyo." - si Monica habang kumakain ng manggo Graham.
Muli akong tumingin kay kc. Nakita ko itong tumahimik bigla.
" Sos! Inggit ka lang! Maya pag nakita ko si twinyboy Sanchez mo, sabihin ko maging sweet man lang sya sayo."
"Malinao! Ayusin mo, baka gusto mong lumabo.."- bigkas ni Monica.
"Okay po, Miss Santos. Cute kaya surname ko." - si Ranniel.
"Oo Malinao nga surname mo, kaya lang labo mong ka usap." - dagdag pa muli ni Monica.
"Sige, mauna na ako, salamat ulit Lopez" -
Tango at tipid na ngiti lang ang tugon ni kc.
" Chillelat, sabay ulit tayo maya ha!" - at umalis na nga ito.
"Gulo ng jowa mo." - puna ni Monica kay chillet.
"Tange! Di ko jowa yun." - tang gi ni chillet.
" Di jowa, syota lang." -pang bibiro pa ni Monica.
"Ewan ko sayo, Monica tigilan mo ako." - si chillet.
"Naku! Para kang si zamee, napaka lihim." -biglang baling sakin ni Monica.
"Ha!?"-gulat at taka kong sabi.
"Crush mo yong transferee." - hindi sya tanong, bagkus ay may katiyakang saad ni Monica.
Para akong nasamid sa sinabi nito kaya mabilis kong dinampot ang tubig ko. Habang umiinom ay nakapokus ang tingin ko sa tatlo at katulad nga ng hinala ko nasa akin nga ang atensyon nila. Bakas sa mukha nila ang panunukso.
"Monica, close pala kayo ni Rustan?"-biglang agaw atensyon ni kc na syang pinagpasalamat ko sa isip.
Kita ko sa mukha nito ang pagkagulat sunod ay inis. Dinampot nito ang baso at inisang lagok ang tubig na laman niyon.
"Anong sinasabi mo?" - may halong inis na tanong pa ni Monica.
"Tinutukoy mo si tipaklong?" -si Monica ulit.
"Sino naman si tipaklong?"-si kc na nakisabat na rin.
"Sino pa! e di si Sanchez."- si Monica.
"Tipaklong yon sayo! e ang cute nga nya e, medyo parang masungit lang." -si chillet.
"Chillelat! Cute na yun sayo? Kainis nga yung tipaklong na yon, napakatamad magdala ng gamit tapos sakin mambubwesit sa paghingi."
"E! Close nga talaga!kayo."-si kc na nangingiti.
"Hindi nga!" - tang gi muli ni Monica na parang irita na.
"Hindi daw, pinahiram mo nga ballpen tapos binigyan mo pa papel." - kc ulit.
Nabaling tingin ko kay kc, nakita din pala nya yon kanina.
"Good Samaritan lang ang peg ko, kawawa kasi ang pulubi." -si Monica.
"Pulubi na sayo yun? Ang cute naman ng pulubi mo." - out of nowhere ay nasabi ko.
"Cute din sayo si tipaklong, zamee? O kala ko ba! yung transferee crush mo?" -si Monica.
Yan comment pa more! E di hot sit ka ulit nila.
"Tamo to! pag na co corner natatameme."- si Monica.
"Napaka bilyaka mo kasi." -si kc.
"To! Naman si kc, di naman gaano, slight lang." - sagot ni Monica.
"Slight!? Ikaw pag talaga! Nalaman kong crush mo si Rustan...
"Ano!?...-agaw ni Monica
"E di..... bongga! May pa confetti tapos fiesta na, kawayan na lang at Apple ang kulang."- si chillet.
"A, ganun! Lechon!? Pasalamat kayo di ako dagtang papaya, naku! Me araw din kayo sakin." - si Monica.
"Joke lang yun." -sabay yapos ni chillet sa katabing si Monica.
"Ewan! ko sayo chillelat, pagkatapos mong ma hurt ang feelings ko, magiging clingy ka! Galing mo rin talaga!."- si Monica.
"Girls...12:57 na." -agaw pansin ko sa kanila.
"Ha!?"- isang boses ng tatlo.
Pagkatapos ay para kaming mga hinahabol sa mga kilos namin. Three minutes na lang kasi ang meron kami before science subject namin.
*****************
Science Building
Science Subject
Room SB-104
Katulad ng nasa isip ko, tama! na late nga kaming apat. Napakamot ako sa gilid ng sintido ko habang kagat ang labi ko, parang sa pamamagitan niyon ay mapapawi ang hiyang nararamdaman ko.
Binaybay naming apat ang gilid sa room namin.
"Lat, Lopez, Menbosa and Santos...( tingin sa relo)..... five minutes late."-si ma'am Valle na inayos pa ang pagkakasuot ng salamin sa mata.
"Sorry po ma'am." -isang sabi naming apat habang nakatungo lahat.
"I hope tomorrow will not be like this...
...class did I already told all of you yesterday that I hate a student who always late." - si ma'am Valle ulit.
"Always naman sabi nya, e now lang tayo na late.." - mahinang sabat ng nakatungo pa ring Monica katulad ko. Hanggang ngayon nakatayo pa rin kami sa gilid.
"Temang! wag ka na magsalita, marinig ka ni ma'am, baka di tayo makaupo." -siko ni chillet.
"Take your sit now!" - si ma'am Valle.
Para kaming nakaahon sa matarik na bundok, eksaherada! pero ito na feel ko. Kilala kasi si Miss Adelaida Valle sa pagiging masungit at mahigpit na guro sa Science Subject.
Alphabetical arrangement din ang upo namin. Kaya naman ito katabi ko ulit si DA.
"Okay ka lang?"
Tumingin ako dito." Oo" -tipid kong sagot at itinuon ko na ang tingin sa unahan.
Meron kaming Pre-test ngayon, ito yung kalimitan na ine-exam sa una. Nakalagay dito yung mga topic and lesson na pag aaralan namin buong school year.
Kinuha ko ang ibinigay ni DA na test paper sakin, "salamat!" -ani ko. tapos ay pinasa nito sa likod nya ang natitira pa.
Magsusulat na sana ako ng pangalan ko ng maalala ko ang ballpen na hawak ko.
"D,A. itong ballpen..-tumingin ako sa katabi ko na noon pala'y sakin din nakatingin.
"Sayo na yan." - mabilis na sagot ni DA.
"Thanks."- iniiwas ko ang tingin ko, mahirap na! Baka mahalata nya ang pag iinit ng pisngi ko.
May sinabi pa si DA pero hindi ko na nadinig nagpokus na kasi ako sa pagsulat ng pangalan ko.
Meron lang kaming half an hour to answer the Pre-test. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng room, marahil takot sa kahit kaunting ingay na maaaring ma produce, tumingin ako kay ma'am na nakaupo sa unahan sa tapat ng table nya. Bigla ulit akong tungo. Paano kasi nakatingin pala si ma'am sakin. Pinagpawisan ako ng malamig, lalo na ng maalala na sinipat pa ako nito ng tingin patungo sa itaas ng salamin nito.
"Try to calm yourself." -boses ni DA.
Taka akong pumaling dito.
"Nadidinig ko dito ang heart beat mo."
(Ngumiti sakin)
Anak naman ng pusit, DA. Sa palagay mo nakatulong yang ngiti mo?
"Ho! (Tunog ng exhale ko) para pakalmahin ang sarili.
"Quite!" - saway ni ma'am na nakataas pa ang kaliwang kilay.
Napangiti ng may tunog si DA kaya naman napangiti rin ako.
"Menbosa!,Mendez!" - pinanlakihan kami ng mata ni ma'am.
"Sorry po ma'am."- sabay naming saad ni DA.
Kinagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilan ang pag alpas ng tawa. Sinilip ko si DA hinarang nito ang palad sa parteng gilid ng noo hanggang pisngi. Kaya naman hindi ko na nakita reaksyon nito.
*****************
Main building
Naglalakad kami para pumunta sa Values Education Subject namin, andito kami sa pasilyo ng main building.
"Grabe! Piling ko mag co collapse ako kay ma'am Valle kanina."- komento ni kc habang naglalakad kasabay ko.
"Sinabi mo pa!" - sang ayon naman ni chillet na nasa likuran namin.
"Ikaw kaya walang lablyf, kung di ka maging katulad ni ma'am." - ngisi ni Monica.
"Bakit ikaw! me lablyf ka ba?" -nagtatanong kong paling kay Monica.
"Yan! Ganyan ka! palibhasa sweet nyo kanina nung transferee."
"Sino nga ba yon? Drave Anthony Mendez?" - tila naninigurado pang tanong ni Monica.
"Dami mong kuda! Tara na! at baka malate na naman tayo."- higit ni chillet sa katabing si Monica.
Ho..! Relief na tahimik kong buga ng hangin.
*****************
Main building
Values Education
Room MB-10
Walang sitting arrangement kaya magkatabi kami ni kc, ganun din si Chillet at Monica. Wala pa teacher namin kaya malaya kong naigala ang paningin ko sa loob ng classroom. Napahinto ang tingin ko sa ikalawang upuan mula sa unahan. Katabi ni DA si Elaine habang masaya silang nag uusap na para bang close sila.
"Okay lang yan! Masasanay ka rin kagaya ko." - may pilit na ngiti sa mukha ni kc ng pumaling ako sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" - tanong ko para pagtakpan ang pinong sakit sa dibdib.
"Si Mendez, crush mo sya diba?"
Nanlaki mata ko kay kc na sinagot lang ako sa pagtawa nito. Kaya minabuti kong takpan ang bibig nya gamit ang palad ko.
"Please..secret lang natin yun." -nahihiya kong pakiusap kay kc pag tanggal ng palad ko sa bibig nito.
Tinawanan pa ako lalo nito.
"Katulad mo meron din akong gusto pero halata naman na hindi ako gusto."- malungkot na sabi ni kc.
"Si Ranniel ba?"-tanong ko kahit may kutob na ako.
"Oo"-
"Teka pano mo nalaman?"- nakangiting tanong pa ni kc.
"Good afternoon class LTU-18." - agaw pansin samin ng kadarating lang na si ma'am Aurilia Villanueva. Binanggit pa nya section namin. Dahil sa pagdating ni ma'am ay nalimutan na ni kc ang tinatanong nya.
Nagsulat si ma'am sa blockboard.
Food for thought for the day
(June 10, 2003)
"A Good words, make the heart glad"
Ito ang mababasa sa blockboard.
"Sino pwedeng bumasa? at ipaliwanag na rin."
"Anyone.."- si ma'am nakalahad ang palad saming mga studyante nya.
Walang nagtatangkang magtaas ng kamay. Nameywang si ma'am habang inililibot ang tingin samin lahat.
May kinuha si ma'am sa loob ng dala nyang bag.
"Sige, tatawag na lang ako."
"Monica Santos."- tawag ni ma'am sabay hanap sa tinawag nyang pangalan.
"Pesti! Mahina ako sa English." -medyo pabulong na sabi ni Monica na umabot sa pandinig ko. Napansin kong napaubo ng mahina si kc sa tabi ko.
"A G-Good word-s, make t-the heart glad." -basa ni Monica.
Ramdam ko ang hiya sa pagbabasa ni Monica.
"Ayon sa binasa mo, can you explain it?"- tanong ni ma'am.
"Ano po, uhm..Sabi po na.. na.. Ang mabuti daw pong salita ay nakakapagpagaan ng puso."-si Monica.
"Tama naman!" - tumango-tango pa si ma'am.
"Pwede ka nang maupo Santos." - utos ni ma'am.
"Pero, I need more explanation or at least give me some example." - si ma'am ulit na muling naglibot ang tingin.
"Yes! Uhm..-
"Elaine Nantes po ma'am."- pakilala ni Elaine.
"Ok, Elaine." - si ma'am.
"It tells po na we must always sensitive sa bawat salita na sinasabi natin o binibitiwan, cause we never know when someone is having a bad day o baka may pinagdadaanan syang problema, big help po kong e pa-practice natin na piliing mabuti yung mabubuting salita na sasabihin natin, dahil kung magandang salita yung sasabihin natin malaki yung effect nito sa makakarinig ng sinabi natin. Yun lang po ma'am." -nakangiting paliwanag ni Elaine sabay tingin kay DA. Thank you! Ito ang salitang nabasa ko sa buka ng bibig ni Elaine kay DA ng makaupo na ito.
"Very good, Elaine." -sabi ni ma'am.
Lumipas ang ilan pang segundo na halos wala akong maintindihan, nakatingin lang ako sa teacher namin sa unahan, pero pakiramdam ko tumatagos ang tingin ko dito. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Basta ang alam ko masakit ang t***k na ibinibigay ng puso ko.
May sakit na yata ako sa puso, tsk..
Normal pa ba itong nararamdaman ko? hindi ko na alam.
Para akong temang! tanong ko sagot ko.
******************
Vacant
Fifteen minutes
Acacia
"Zamee!!!" - sigaw sa tainga ko ni Monica.
"Ano!!?"-ganting sigaw ko kay Monica.
"Galit ka?"- tanong ni Monica.
"Hindi.. balak mo pa yatang basagin ang eardrum ko." - hindi ko maiwasang mainis.
Teka! kanino ba ako naiinis?
"Sorry! Kanina ka pa kasi namin inaalok ng pagkain pero, tulala ka lang."- si chillet ang sumagot.
"Sorry! zamee." - hinging pasensya rin ni Monica.
"Ok lang, me iniisip lang ako." -sagot ko.
"Tulad ng...?" - si kc na may pigil na ngiti sa labi.
"Ng.. bakit? Yung puso nag iisa, tapos nasa kaliwa pa." - para akong temang, kasi bakit yun ang lumabas sa bibig ko.
"Alam ko yan e!."- si Monica na tila nag iisip pa.
"Wag na! Monica, baka sumakit lang brain mo, kanina pa nga lang halos mapiga mo na mga brain cells mo, tapos tinagalog mo lang yong Food for thought natin kanina." - awat ni chillet.
"Ang alam ko, kaya daw nasa kaliwa ang puso natin. Kasi hindi daw laging tama ang sinasabi ng puso, kaya nasa kaliwa sya, at Kaya naman daw nag iisa lang sya dahil tayo ang dapat mag balanse ng sinasabi nya, kailangan natin gamitin ang utak natin, bulay-bulayin kung dapat ba nating sundin o hindi ang sinasabi ng puso natin, dahil hindi nga laging tama ang sinasabi nya." -seryosong saad ni kc.
"Teka! me lagnat kaba?" -sabay hipo ni Monica sa noo ni kc.
"Temang! Na pe-feel ko lang si Zameerain."- si kc.
"Ikaw ang temang! Bakit? palagay mo samin ni chillet anino lang."- alaskador na sabi ni Monica.
"Tingnan mo! Kaya ko ring I touch si zamee."-sabay hawak sa braso ko ni Monica.
Sabay kaming napatawa ni kc sa ginawa ni Monica.
Nagkatinginan ang dalawa ni chillet.
"Ay!! Me secret sila.."
Nanlaki mata ko sa sinabi ni chillet.
"Sira, paranoid na naman kayong dalawa, Tara na sa train room." - sabay tayo ni kc.
Sumunod na ako, gayundin ang dalawa.
***************
Train Room
English Subject
Room TR-4
Katulad ng ginawa namin sa science may Pre-test kami ngayon. Meron din kaming sitting arrangement.
Katabi ko si DA, pero hindi na ako nag abala pang tingnan sya, o kahit sulyap ay di ko ginagawa kaya naman ng ibinigay nito sakin ang test paper ay nag thank you lang ako pero hindi ko ito tinapunan man lang ng tingin.
Ewan ko, Basta deadma lang. Ayoko muna syang tingnan. Nagmumukha tuloy akong temang! Paano sa kagustuhan kong wag syang sulyapan man lang ay sinikap ko ring maglagay ng kahit kunting space sa pagitan namin. Ang resulta nga muntikan na akong malaglag sa lapag dahil sa kaunting space na inuupuan ko.
Buti na lang notebook lang na pinagpapatungan ko ng test paper ko ang nalaglag.
Dadamputin ko na sana pero naunahan ako ni Hemosa.
Nakangiting inabot nito sakin ang notebook ko. "Thanks" tipid kong sabi.
"Basta ikaw, nanginginig pa." - sagot ni Hemosa.
Medyo na ilang ako sa sinabi nito kaya pilit na ngiti lang binigay ko.
Ano ba yan! Creepy naman nya.
"Class you only have thirty minutes to answer. I only give this to Mr CY. I'll be back in a minute." - wika ni Mrs Aurora Smith, English teacher namin.
"Bakit kasi ang layo mo? Hindi naman ako mabaho,, ( sabay amoy sa katawan) will you please sit like this."
Nanlaki ang mata ko ng akbayan ako ni DA sa balikat at marahang hinila palapit sa kanya. Tumingin ako sa kanya at nagulat ako ng makita ang kunot noo nito na parang galit.
"Much better!" - dinig kong tinig nito.
Hindi ko na mabasa ng ayos ang mga questions sa test paper, pano kasi magkadikit na ang mga braso namin ni DA. Katulad ko right handed sya pero di ko maintindihan kung bakit nakapatong din sa ibabaw ng lamesa ang kaliwang braso nya. Di tuloy maiwasang magdikit ang mga braso naming dalawa. Pakiramdam ko tuloy may kakaibang boltahe na nanunulay sa braso ko, patungo sa dibdib ko, kung kaya ganun na lang kabilis ang pintig nito.
******************
"Oy... Nakita ko yon."- may pagsundot pa sa tagiliran kong sabi ni kc.
Kasalukuyan kaming naglalakad patungo sa last subject namin na social studies.
"Tingnan mo tong dalwang to! me secret to e!."- naka pa meywang na humarang samin si Monica.
"Ha!?"-tanong ni kc.
"Naiwan mo."
Napatigil kami sa paglalakad dahil sa paglapit ni DA, hawak nito ang notebook ko at ibinibigay sakin.
Nakatingin lang ako at tulala sa kanya. Kaya siguro kinuha nito mismo ang kamay ko at inilagay ang notebook doon. Tapos ay umalis na ito.
"Secret pala ha! hmm."- si Monica na tinusok pa ang tagiliran ko ng daliri nya.
"Secret nga diba!" -saway ni chillet na tinakpan pa ang bibig ni Monica.
"Tara na!"-hila sakin ni kc.
Napahawak ako sa pisngi ko. Dyahe! kakahiya.
*************
Alumni building
Social studies subject
Room AB-8
Mrs. Liwayway T. Umali, adviser at social studies teacher namin.
Nahuli kaming pumasok sa loob ng classroom, may sitting arrangement din kami dito. Nakita kong nakaupo na si DA at may katabi ito sa upuan.
Si.... Elaine.
Ibang level naman closeness nila kasi humawak pa si Elaine sa braso nito. Tapos tumawa lang si DA at hinawakan pa sa ulo si Elaine.
Nag alangan tuloy ako kung lalapit ba ako sa mga ito o maghihintay na lang akong tumayo si Elaine.
Mabuti na lang at dumating na si ma'am Umali kaya tumayo na si Elaine at lumipat ng upo.
"Zamee upo ka na sa tabi ni crush, umalis na ang epal."- bulong sa tainga ko ni Monica.
Panlalakihan ko sana ng mata si Monica kaya lang umupo na ito sa tabi ni Rustan.
Pagkaupo ko, ramdam ko ang tingin sakin ni DA pero kailangan kong maging kalma. Kahit kinakabahan ay lumingon ako kay DA kaya lang bigla itong nag iwas ng tingin.
"Class open na ang mga club org. and sports org., pwede ng mag try out kung sino may gusto." -si ma'am Umali.
"Nice, makakapag try out na ko ulit sa basketball"
"Try out tayo sa Glee club."
"Try out tayo sa volleyball"
At kung ano-ano pang kwentuhan ng mga classmates ko.
"Class mamaya niyo na pag pag usapan yan! Ito munang Pre-test ang gawin nyo." -si ma'am sabay pasa ng mga test paper.
Si DA muli nag abot ng test paper sakin, nag dikit pa nga ang mga kamay namin tapos nagkatinginan kami at sabay din nag iwas ng tingin sa isat isa.
Para tuloy akong sinisilihan sa pagkakaupo kaya medyo di ako mapakali.
Para akong na estatwa ng maramdaman ang kamay ni DA sa braso ko.
"Rain.. please stay calm, hindi ako makapagsagot sa ginagawa mo."
Anak ng pusit naman o! Rain..?
Elementary days pa namin ng huli nya kong tawagin sa pangalan kong iyon dalawang tao lang ang tumatawag sakin non. Sya at si Papa.
Malambing at tila musika sa tainga ko ang pagtawag nya sakin non, katulad din ng pagtawag ni papa sa pangalan ko.
Minuto na ang lumipas pero, nasa braso ko pa rin ang kamay ni DA.
Bakit? kaya di pa rin nya tinatanggal ang kamay nya. hm.. di daw sya makapagsagot. E! Ako naman ngayon ang di makapag sagot ng ayos.
Naku! Sure na ako, mababa score ko sa Pre-test. Naubos ang ilang minuto na hindi ko masyadong naintindihan kong tama ba ang mga sinagot ko. Hanggang sa ipapasa samin ni ma'am ang test paper, wala na! lutang ako.
****************
Exit Gate
Naglalakad na kami papunta sa exit gate, tapos na ang klase namin kaya papalabas na kami ng school.
Malayo pa lang tanaw na namin si Ranniel na nasa gate malapit kay mamang olan, ang security guard sa school namin.
"Tagal mo!"- nakakunot ang noo na saad ni Ranniel habang nakatingin kay chillet.
"Bakit? kasi di ka pa nauna."- sagot ni chillet na sinimangutan ang kausap.
"Ayoko, gusto ko sabay tayo."- ngiting saad ni Ranniel na nais pang kunin ang bag ni chillet pero nahihiyang iniiwas iyon.
"Girls, uwe na ko, bukas na lang ulit." -si kc na kumaway pa samin bago tumawid sa kabilang kalsada, dahil doon ito mag aabang ng masasakyang jeep.
"Alis na rin kami, bye! bye!" - si chillet na naglakad na rin papunta sa terminal ng tricycle, nakasunod dito si Ranniel na pilit kinukuha ang bag niya.
Natuon ang pansin ko sa katabi ko na si Monica nakatingin ito sa loob ng school namin kaya tumingin din ako. Natanaw ko si Rustan na tila nagmamadali sa paglalakad.
"Zamee, babush na! at anjan na ang bwesit na tipaklong."
"Tek-
-naputol ang tangka ko sanang sasabihin ng maglakad na papalayo si Monica.
Habol ang tingin ko dito.
"Asan si Santos?"- tanong sakin ni Rustan ng makalapit.
"Ha! E!-
Tumingin sa paligid si Rustan at ng mahagip ng mata nito si Monica na mabilis na naglalakad ay bigla na lang itong umalis para habulin si Monica.
Naiwan akong naguguluhan,
hm..akala ko ako lang me secret, sya din pala. Napangiti na lang ako na tinanaw ang dalawa na halos malapit ng mag abot.
Habang nakaguhit ang ngiti sa labi ay bumalik ang tingin ko sa loob ng school. Nawala ang ngiti ko ng makita kong magkasabay na nag lalakad si DA at Elaine.
Mabilis akong tumalikod at pinara ang parating na jeep.
Pesti! Nawika ko sa isip dahil maluwag pa ang jeep na sinakyan ko kaya sigurado ako na mag aabang pa ito ng pasahero.
Dyahe! naman talaga! Gusto ko ngang umiwas e, pahamak tong si mamang driver. Yan tuloy papasakay na yung mga taong iniiwasan ko.
At anak ng pusit! Sakin pa talaga! tumabi.
Enhale... exhale...ho!!!
Pagpapakalma ko sa isip. Pumikit ako ng mariin bago pumihit ng kaunti para sa labas ng bintana ako tumingin. Pero bago yon ay inipon ko muna sa kamay ko ang mahaba kong buhok para di tangayin ng hangin at hindi bumalandra sa mukha ni DA.
Kanang kamay ko ang pinanghawak ko sa buhok ko, kaya naman di ko malaman kong paano dudukutin sa bulsa ko ang pang bayad ko.
"Pakisuyo po ng bayad."- wika ni DA pagkaabot ng fifty pesos na papel.
"Ilan dito?"- mamang driver.
"Tatlo po."- sagot ng katabi ko.
"Thanks, Anthony." - malambing na wika ni Elaine.
Thanks.. Anthony..wee.. utot mo!
Pang gagaya ng isip ko.
Sos! Selos ka lang.
Hindi Kaya!
Tila may nag dedebate sa isip ko.
"Rain, may bayad ka na."- tila natural lang na saad ni DA sakin.
"Okay, Maya ko na lang bigay sayo pag uwe sa bahay."- saad ko sa mahinang boses.
"No need."- tila may halong inis na sagot ni DA sakin.
**************
May ilang minuto na simula ng dumating ako dito sa bahay namin at ilang minuto na rin na nag ngingitngit ang isip ko. Bukod sa hindi ko napanuod ang sinusubaybayan kong palabas sa tv, dahil brown out ng makarating ako sa bahay.
Dagdag pa na, naiinis na ako sa sarili ko, bakit ba ako nagkakaganito? Dahil ba brown out? o dahil ba hindi ko nakasabay pauwe dito samin si DA? Dahil ba kasama nito si Elaine? at hanggang ngayon e wala pa ito sa kanila. Panay ang silip ko sa bintana sa tapat ng bahay namin nagbabaka sakaling nakauwe na si DA.
"Pangit mo lalo!"- inis na sabi ni ate weather sakin ng makitang nakasimangot ako.
"O! Anjan na pala si Drave e."- si ate na nakasilip sa bintana namin.
Tumayo ako sa pagkakaupo at pasimpleng sinipat ang labas ng bintana namin. Kadarating nga lang nya. Napatakbo ako sa kwarto ko ng pumaling ng tingin sa gawi ko si DA.