Chapter one
Nagising ako sa malakas na sigaw ni nanay sa pangalan ko.
"Aba..! Zameerain, papasok ka pa ba!...anong oras na? Gumayak ka na pagpasok, at siguradong mali late ka na naman pag di ka pa bumangon dyan "-mahabang sabi ni inay.
"Opo, eto na! babangon na po." - kahit papungas-pungas ang mata at kinukusot, buhaghag ang buhok at humihikab ay lumabas ako ng kwarto para magpunta sa banyo.
Medyo pikit pa ang mga mata ko dahil inaantok pa ako kaya naman hindi ko masyadong maaninaw kung sino ang nadaanan kong nakaupo sa tapat ng lamesa sa kusina namin. Binalewala ko iyon at dumiretso sa loob ng banyo.
"Anak ng.. pusit! Inay..(tawag ko mula sa loob ng banyo) ...inay.! pakisuyo naman po ng twalya nakalimutan ko pong dalhin dito sa loob."( Sigaw ko sa tapat ng pinto sa loob ng banyo). Katatapos ko lang kasing maligo tapos nakaligtaan ko na namang magdala ng twalya sa loob.
"Ina..-(naputol ang pagtawag ko muli ng may kumatok, kunot ang noo ko na binuksan ng maliit ang pinto at twalya ni ate ang nakita ko.)...salamat inay." Kahit naninibago ay kinuha ko kay inay ang twalya. hm..himala! Walang kuda si mader! Malimit kasi sermon ang inaabot ko sa tuwing pinapaabot ko ang nalimutan kong twalya. Sinasabihan pa ako nito na ke- bata-bata ko pa daw e ulyanin na daw ako.
"Tagalog..mo, na jejebs na ako" nakasimangot na bungad sakin ni ate habang nakapamaluktot ang tayo, siguro'y talagang na t@t@* na ito.
Napangiti ako sa ganung itsura ni ate.
"Pangit... Tirhan mo ako ng pancake na dala ni drave kanina, andyan sa lamesa." - sigaw ni ate mula sa loob ng banyo.
"Ano!? Pancake!? Drave!?" Medyo napasigaw ko ring sagot kay ate.
"Oo, dinala yan ni drave kanina, nakasalubong ko sya bago lumabas ng pinto natin." - muling sigaw na sagot ni ate sakin.
"Te-teka asan ba si inay?" - kahit may nabubuong hinala sa isip ko ay tinanong ko pa rin si ate.
"Aba! Malay ko! Nauna kang ginising ni inay a! Bakit di mo alam?" -sigaw muli ni ate na parang hirap sa pag dumi.
"Ano!?"- balik na sigaw tanong ko.
"Zameerain! Piste ka! Wag mo muna akong kausapin at nag e struggle na naman ako dito.."
"Ano na naman! Kayong dalawa? Malayo pa ako e nadidinig ko na hiyawan nyo." - si inay pagkapasok sa loob ng kusina. Ipinatong nito sa ibabaw ng lamesa ang isang supot ng plastic.
"Inay! Saan po kayo galing?" - sa halip ay tanong ko.
"Lumabas sa may kanto, bumili ng asukal at kape."- wika ni inay habang isinasalin na sa garapon ang biniling asukal.
Kunot-noong tumingin sakin si inay.
"O, maige naman at nagdala ka na ng twalya sa loob ng banyo, ikaw bata ka! Magbihis ka na sa kwarto mo at tanghali na."- taboy na may kasamang tulak ni inay sakin.
Wala si inay, tapos kagigising lang ni ate. Meaning....si DA ang nag abot sakin ng twalya.
Anak...talaga! ng pusit!( Nakakahiya)
"Ahhhhhhhhh...." Sigaw ko na walang boses pero nakabuka ang bibig ko.
"Hoy, pangit! Napano ka? para kang temang!" - sabay tapik sa noo ko ng palad ni ate.
"Ew!! Ate!....Baho ng kamay mo." -inis kong wika kay ate at dali daling kumuha ng alcohol sa ibabaw ng tokador ko.
"Malamang! Galing ako sa pag jebs e!"
"Yung towel ko, akin na! Ikaw talaga twalya ko pa ginamit mo!" - pagkatapos kunin sa ibabaw ng higaan ko ang twalya ay lumabas na ito ng kwarto ko.
6:40 am
Kanto
Andito ako nag aabang ng jeep na dadaan pa puntang bayan. Kainis nga e, saktong labas ko may jeep na kadadaan lang hindi ko naman natawag yong konduktor, dahil para pa rin akong wala sa sarili pag iisip sa nangyari kani-kanina lang.
"Zamee, bayan?."- tawag sakin ni Jestoni, kundoktor ng jeep.
Sumakay ako ng jeep at napaupo sa kanang bahagi, ikatlong upo malapit sa hulihan ng jeep. Mabuti na lang at nakaabot pa ako ng isang upo dahil puno na nang sakay.
"Bayad ko, Toni." - abot ko ng seven pesos na barya dito.
"Wag na! Libre ka na." - sagot nito.
"Naku! Nakakahiya, lagi na lang akong libre. Sige na tanggapin mo na bayad ko." -muli kong abot ng pera dito. Pero talagang hindi nito tanggapin at ngiti lang ang isinasagot nito sakin.
Nakaramdam tuloy ako ng hiya ng mapansin kong nakatingin sakin ang halos lahat ng nasa loob ng jeep, tapos napahinto ang tingin ko sa unahang upuan ng jeep kalapit ng driver. Si DA
Napakagat labi tuloy ako sa sobrang hiya, nakasakay din pala sya, doon nga lang sa unahang bahagi.
"Toni, salamat ulit sa libre. " -sa halip ay nag pasalamat na lang ako kay Toni na sinuklian lang ako ng ngiti at tango.
Habang nasa byahe ay tila hinihila ako ng mata ko na tumingin sa unahan, pero hindi ko kaya, nahihiya talaga ako lalo na kapag naiisip kong sya pala ang nag abot ng towel sakin at yung pancake sa sobrang sarap ng tikman ko kanina, naubos ko, kaya katakot-takot na sapok at sigaw ang inabot ko kay ate. Dala ng iniisip ko ay di ko na namalayang pababa na kami sa terminal bayan. Bago bumaba ay muli akong nag pasalamat kay toni at ngiti muli ang sagot nito sakin.
Naglakad lang ako ng dalawang kanto bago ako huminto kung saan marami din studyante na katulad kong nag aabang din ng dadaang jeep papunta sa San Vicente high school. Nakalagay mismo sa harapang bahagi ng jeep ang placard na may nakasulat na San Vicente highschool.
Kalimitan ay halos puno na ang jeep na mga dumadaan kaya hindi ako makasakay. Napasulyap ako sa katabi kong studyante rin, katulad ko apat din ang ric-racks lines na makikita sa palda nito na ang ibig sabihin ay fourth year student din ito, napakagat ako sa labi ko. Nakita ko kasing namumula ang labi nito at nangingintab din, kutob ko'y naglagay ito ng lip gloss. Napasunod ang mata ko ng makitang dumukot ito sa bulsa ng palda nito at inilabas ang isang face powder na nakalagay sa bilog na lalagyan na meron ding salamin. Sinipat nito ang sarili sa salamin habang nagpapahid ng powder sa mukha gamit ang maliit na bilog na parang tela, nakita ko si ate ko meron ding ganun, pero hindi ko pinapakialaman, baka masabunutan ako niyon, mahirap na.
"Hmm..ganda ko talaga! Pak na pak!"
-bulalas ng katabi kong babae na tumingin pa sakin at ngumiti.
Pagkatapos sabihin iyon ay muli na nitong ibinalik sa bulsa ng palda ang face powder. Ang ganda nya. Sabi ko sa isip ng matitigan ko ang babae. Simula sa buhok nya na halatang alaga sa conditioner. Makintab ito at bagsak ang tuwid na lampas balikat na buhok. Palibhasa'y nakatagilid ang babae sakin ay kitang kita ko ang matangos na hulma ng ilong nito. Ang mata naman nya ay mayroong mahaba at malantik na pilik mata.
Libang na libang ako sa pag mamasid sa katabi ko kaya medyo nagulat ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. Nalingunan ko sa kabilang gilid ko si...teka'! sino nga ba sya?
"Raynier.. classmates tayo."- ngiting pakilala ng lalaki na nakasalamin.
"A.. Hemosa?"- tila naninigurado kong tanong.
Tumango naman ito sakin.
Tyempo namang may dumaan na jeep na papuntang San Vicente high School. Kaya agad ng nagsi sakayan ang mga students na nag aabang, sumakay na rin ako, nakasunod sakin si Raynier at iba pang students. Umupo ako sa kaliwang bahagi. May tatlo pang students na nasa unahang upuan ko kaya nasa pang apat ako at katabi ko si Raynier kanan ko. Habang sumasakay pa ang iba pang students ay napatingin ako sa harap na upuan ko. Agad akong napatungo ng makita si DA na nakatingin pala sakin.
Anak ng pusit, naman! O. Kasabay ng sabi ko sa isip ay napalunok ako. Bigla na naman kasing bumalik sa isip ko ang nangyari kaninang umaga sa bahay. Nakakahiya, talaga!.
Pero, lihim akong napangiti sa kaalamang same school pala ulit kami. Sa San Vicente kasi ito nag first year at after noon ay umalis ito halos two years din ang mga ito sa cavite kasama ang buong family nito.
"Usod na, Maluwag pa yan! O dito sa kaliwa sisiyam pa lang, sampuan yan!."- turo ng driver ng jeep sa hanay na kinauupuan ko.
Umisod ako pauna sumunod naman sakin si Raynier pero ang katabi nitong babae ay umusod pahuli, kaya sa pagitan nila nakaupo ang isa pang studyanteng lalaki na...teka kilala ko ba sya? Kunot-noong titig ko sa lalaking nakasimangot.
"Oy, classmates!"- wika ni Raynier sa lalaking katabi nya. Tumingin naman ito pero hindi man lang natanggal ang pag kakasimangot nito, parang inisnab pa nga si Raynier.
Kasabay ng pigil kong ngiti ay napawika ako sa isip. May dalaw yata.
Dinaig pa kasi nito ang babaeng may bisita sa kasungitan. Mabilis kong naitakip sa bibig ang palad ko ng mapatuon ang tingin ko sa mukha nito. Nakatitig pala ito sakin at walang sabi'y bigla itong ngumiti sakin. Nagulat ako kaya binawi ko ang tingin at pumaling sa harapan ko, pero biglang bawi ulit dahil ang kunot-noong si DA ang nakita ko. Pumaling ako sa unahang bahagi nakatingin ngayon sa likod ng driver. O mas tamang sabihin sa tuktok ng ulo ng driver na dinaig pa ang deodorant roll on, tuloy napagpasyahan kong tumungo na lang at ituon ang tingin sa mga kamay kong nakalapat sa ibabaw ng palda ko.
7:10 iyon ang nakita kong oras sa relo kong suot, meron pa akong twenty minutes before mag start ang first class namin.
"Pakiabot nga po ng bayad."- boses ng isang babae na nakita ko, single ric-racks ang nakalagay sa palda nito, ibig sabihin ay first year student ito.
Iniaabot ito kay...kaklase ko ito e, hm... hindi ko lang matandaan ang name.
A, Basta ito yong kaklase ko na napaka ikli ng introduce yourself.
Hindi man lang nito kinuha ang iniaabot na bayad, kaya naman si Raynier ang kumuha at nag abot ng pera sa unahan, patungo sa driver.
Tumingin ako sa lalaki pero agad akong umiwas ng mapansin kong papaling ang tingin nito sakin.
Dudukot na sana ako ng pamasahe sa bulsa ng palda ko ng umimik ang katabi ko.
"Zameerain, libre na kita...kuya dalawa po sa bente."(sabay abot sa unahan ng twenty pesos na papel)
"S-salamat." - kemeng sabi ko na lang.
Pero sa loob-loob ko ay nahihiya ako lalo na ng mapatingin ako kay DA.
Naka kunot ang noo nitong nakatingin sakin na para bang may nagawa akong mali. (Sabagay may nagawa talaga akong mali kaninang umaga) at hanggang ngayon ay hiyang-hiya pa rin ako pag naiisip iyon, na iimagine ko ang hitsura ko kanina, na kagigising lang at mukhang bruha dahil sa buhaghag kong buhok, kulang na lang hilingin kong kainin na ako ng dilim sa sobrang hiya. Pero wala na akong magagawa pa! para baguhin iyon dahil nangyari na at sigurado akong turn off na agad sakin si DA. Dyahe talaga! kakainis.. Ang tanging nagawa ko na lang ay napabuntong hininga. (With matching paumbok ng pisngi ko na parang pinalubo ko ito.) Sabay malungkot akong tumingin kay DA. Pero...nanlaki ang mata ko ng nakatitig pala ito sakin na wari ba'y kanina pa ito nakatingin sakin. Naku! Ano bang dapat kong gawin? Makikipag eye to eye ba ako, o iiwas? Dyahe! Baka me morning star pa ako? Tapos lakas ng loob kong makipag titigan. Pakiramdam ko lalagnatin ako sa sobrang init ng pakiramdam ko sa magkabilang pisngi ko ng makita kong tumungo si DA, pero hindi nakatakas sa paningin ko ang pigil nitong ngiti. Kaya siguro ito tumungo ay para itago ang ngiti nito.
Segundo lang ay muli itong nagtaas ng tingin sakin na medyo bakas pa rin sa labi ang pigil na ngiti. Tinaasan pa ako ng dalawang kilay na para bang nagtatanong siya kung bakit ako naka titig sa kanya?. Para kaming nagka intindihan sa pamamagitan lang ng tingin ng umiling ako sagot sa tila nag tatanong nyang tingin. Tila nag marathon ang dibdib ko dahil sa mabilis na t***k ng puso ko. Paano kasi ngumiti sakin si DA na halos sumama pa ang mata nya dahil may pagka tsinito ito.
Dahil sa abala ako sa pakikipag usap sa tingin kay DA ay di ko na namalayang tumigil na ang jeep na sinasakyan namin, ibig sabihin ay nasa harap na kami ng school namin. Kung di pa ako kinalabit ni Raynier ay di pa ako tatayo. Sumunod ako dito pagbaba tapos nakasunod naman sakin si DA.
SVNHS
Main Entrance
7:25am ito ang oras na nakita ko sa relo kong suot, mabuti na lang bukas ang malaking gate kaya madali lang kaming nakapasok. Sabay na kaming naglakad ng may kaunting bilis ni Raynier, katulad ko napatingin din ito sa suot nitong relo marahil alam din nitong ilang minuto na lang ang meron kami bago ang unang klase namin.
Habang naglalakad ay napasulyap ako sa kanang gilid ko ng makitang nilampasan kami ng kaklase namin na tipid sa introduce yourself. Napakunot noo ako ng mapansing wala itong dalang bag. Pero naka complete uniform naman ito. Ang bilis naman nyang maglakad, sabagay sa tangkad naman nyang iyon, tiyak na ang bawat hakbang. Muli akong napatingin sa tabi ko ng mapansin kasabay kong naglalakad si DA. Walang pag mamadali sa bawat hakbang nito. Ano kayang section nya?. Sana kaklase ko sya? Lihim kong asam, kasabay ko rin kasi itong binabaybay ang papunta sa first subject namin.
7:28 am, napangiti ako ng makita ang oras, eksakto nasa pinto ako, Wala pa si ma'am, ibig sabihin meron pang two minutes, hay! Thank you lord, for the first time hindi ako late. Kumaway pa sakin si kc na nakaupo na sa loob. Ginantihan ko lang ito ng ngiti at pumasok na ako sa loob ng classroom.
Nakalarawan pa sa labi ko ang ngiti ng makapasok ako at makaupo sa bangko na naka assign sakin. Pero naiwan sa kawalan ang ngiti ko at ang buka ng bibig ko ay bakas ang gulat dahil literal na nakanganga ako sa umupong katabi ko.
Nama-malikmata ba ako? Si DA, classmate ko at hindi lang yun, seatmate ko din ito.
"Hoy! Zamee, bibig mo mapasok ng langaw."- si Monica na kadarating lang.
Itinikom ko ang bibig ko sabay lunok.
Kahit tumatahip ang pintig ng dibdib ay napapaling ako ng tingin sa unahan ng classroom namin na syang kadarating lang ng teacher namin.
"Good morning! Students." -si ma'am Reyes na kadarating lang.
"Good morning! Ma'am." -iisang bigkas ng mga kaklase ko. Bumuka din naman ang bibig ko tanda na bumati din ako, pero alam ko sa sarili ko na wala namang lumabas na boses sakin dahil nga akupado ang isip ko ng taong katabi ko ngayon.
Tinawag ni ma'am si Elaine ang nakuhang class monitor ng adviser namin. Dahil ito ang mag a-update kay ma'am kung present ba lahat o may absent ba.
Pagkatapos makausap ni ma'am ay bumalik na sa upuan nya si Elaine.
Zameerain, relaks! ka lang. Wag kang obvious na crush mo sya.
Para akong sira na kinakausap ang sarili habang kinakagat kagat ang ibabang labi, kasabay noon ay inilabas ko buhat sa bag ang Filipino notebook ko at black ballpen.
Nagdikit kasi si ma'am ng manila paper sa blockboard, may nakasulat doon na kailangan daw naming isulat sabi ni ma'am.
Huminga pa ko ng malalim bago buklatin ang notebook ko at ng itinutok ko na ang ballpen ko para magsimulang magsulat....
Anak ng pusit naman o!..
Halos masulatan ko na buong space ng kwaderno ko e, langhiya! Walang tintang lumalabas sa panulat ko.
Tangka ko sanang dudukot muli sa bag ko ng ballpen ng may bumalandra sa harapan ko na black ballpen. Tumulay ang paningin ko mula sa ballpen patungo sa may hawak nito.
Seryosong mukha ni DA ang nakita ko. Nang mapansin nitong tila natulala ako ay ipinatong na lang nito sa ibabaw ng notebook ko ang ballpen tapos ay muli na nitong pinagpatuloy ang pagsusulat. Kaya sinimulan ko na ring magsulat.
Pero saglit lang.....
"Mahilig ka sigurong mag kape?"
"Ha?"- mabilis at litong tanong ko sa tanong ni DA na tuloy pa rin sa pagsusulat.
"Sabi kasi ng iba, kapag mahilig daw magkape...nerbyusin."
Nagsalubong ang tingin naming dalawa tapos para akong napaso dahil mabilis akong umiwas "hi-hindi a!" -tanggi ko.
Naku!naman pahamak na boses, hindi pa! nakiayon, dahil medyo nabulol ako.
"Nanginginig kasi kamay mo, habang nagsusulat ka."
"A-ano pas-mado, tama.. pasmado kasi ako." - saglit akong sumulyap dito at pilit na ngumiti. Habang ipinipitik ang mga daliri sa hangin.
hmm... sana lang maniwala sya sa dahilan ko.
"Hm.. okay." - tipid na sagot nito.
Makalipas lang ang ilang sandali ay nakatapos din akong magsulat. Kahit na nga pinipilit kong kontrolin ang kaba sa kaalamang katabi ko lang siya.
Bitbit ang bag, habang hawak sa kanang kamay ang notebook at ballpen ay tumayo na ako para dumiretso kay ma'am Reyes na kasalukuyan nakatayo sa exit door ng room namin.
Tsine- tsek kasi ang bawat notebook kung nagsulat kami.
Magkakasunod kaming natapos nina kc at chillet kaya nasa likod ko ang dalawa. Samantalang si Monica ay nakita kong nakamungot habang nagsusulat pa rin, nagawi ang tingin ko sa katabi nito na si tipid sa introduce yourself. Salubong din ang makapal nitong kilay habang nagsusulat pa rin.
Nagtaka ako, saan galing gamit nito? kanina naman wala itong dala. Nasagot ang tanong ko ng makitang tumayo ito dala ang makapal na kattleya notebook. Nagulat pa ako ng makitang medyo pagalit pa nitong nilapag ang ballpen sa harap ni Monica na ginantihan lang nito ng taas ng kilay.
"Menbosa! Notebook."- si ma'am.
Natauhan ako sa tawag ni ma'am sakin. Nahihiya pa akong bumigkas ng paumanhin bago iniabot ang notebook.
"Sunod." -si ma'am ulit pagka labas ko.
Tumabi muna ako sa gilid para isilid ang notebook ko sa bag. Pero agad din natigilan ng matuon ang pansin sa hawak kong ballpen. Hindi ko nga pala ito naibalik. Hinagilap ng mata ko si DA, nakita ko ito na may kausap....si.. Elaine ang class monitor namin.
Gusto ko sanang ibalik ang ballpen kaya lang, wag na lng pala. Teka'! ano ba itong tila kudlit ng kirot sa parteng dibdib ko? Nakita ko lang naman na nakikipagtawanan si DA kay Elaine.
Abnormal na yata ako? Mamaya ko na lang ibabalik ang ballpen. Kahiya naman sa bonding nila, lihim na inis ko pang usal sa isip.
"Malayo pa mahal na araw, pero nauuna na face nyo ni Monica." -napatingin ako sa nagkomento na si kc sakin.
"Gorabells na we sa next class!" - biglang wika ni chillet na syang ikinatingin naming tatlo nina monica at kc sa una.
"Sssh...ingay mo."-saway ni Monica na bakas pa rin ang inis sa boses.
"Oops.. wag! Lie low lang girl.. baka ma high blood ka." - nangaasar pang wika ni chillet.
"Hmp! ikaw..chilelat...(sabay tingin ng masama kay chillet)." -si Monica.
Napatingin ako kay chillet na nag peace sign na dahil talagang irita na si Monica.
"Nyari?"(pinaigsing salita na anong nangyari?)- mayay tanong ni kc samin nakatingin ni Monica.
Iling lang sagot ko at ngumiti ako.
"Wala, Tara na nga!"-aya ni Monica at umabresyete pa sa tig isa naming braso ni kc.
"Panu me?" -tila hinampong tanong ni chillet na nakasunod saming tatlo.
"Hmp! Di tayo, bati." -sabay isnab ni Monica at talikod. Pero napansin ni chillet ang ipit na hagikgik nito kaya mabilis nitong naiyapos ang mga braso sa bewang ni Monica.
"Girl, sarap mo pa lang e hug." - nakakalokong saad ni chillet mula sa likod ni Monica.
"Na miss ko pillow ko sa house."- dagdag pa ni chillet.
"A, ganun! Sige mamaya dadag-anan ko mukha mo, kunwari unan lang ako na nakatakip sa face mo. " - si Monica
Tipid akong napangiti sa sinabi ni Monica ganun din si kc. Pero si chillet ay sumimangot. Si Monica naman ay humalagapak ng tawa ng malingunan si chillet na nakabusangot.
"Joke.. lang!" -bawi ni Monica na nakangiti. Ngumiti na rin si chillet.
*****************
Math subject
"In a whole sheet of paper, Write down all the past lesson you've learned in math three last year." - sir Hutalla.
Kanya kanyang kaming kuha ng one whole sheet of paper sa bag.
Katabi ko sa upuan si kc nasa unahang upuan namin magkatabi Sina chillet at Monica, katabing row sa kanan naman namin nakaupo si DA, katabi nito si Raynier at sa unahan nila nakaupo si tipid sa introduce yourself katabi nito ang isa pa naming classmate na si...Jr yata name.
Nakita kong sumahod ng palad si tipid sa introduce yourself kay Monica. Padabog naman na inilagay ng huli ang isang piraso ng papel sa nakalahad nitong palad.
"Hmm,, close pala sila ng classmate natin na si Rustan." - lingon ko kay kc sa sinabi nito. Nakatingin din pala ito
sa dalawa.
Rustan, yun nga pala name nya.
Pagkabangit ko sa isip niyon ay nangingiti pa akong napailing. Kanina ko pa kasi ito pinapangalan sa isip na tipid sa introduce yourself, Rustan lang pala pangalan.
"Class you only have thirty minutes, start now."- agaw sa atensyon namin ni sir.
Napakamot ako sa ulo, kahit wala naman akong kuto, dyahe! Bakit?walang pumapasok sa isip ko. Nagkaroon na yata ako ng memory gap. Tumingin ako sa katabi kong si kc nagsusulat na ito, ganun din ang dalawa nina chillet at Monica. Mangopya na lang kaya ako. Naku! Wag Zameerain. Para akong sira sa mga naiisip ko.
Napatingin ako sa kanan ko. Si DA ang nakita ko. Napanganga ako. Genius lang ang peg! Paano kasi yung one whole nito marami na syang naisulat.
Muli akong tumingin sa papel ko na hanggang ngayon ay blangko pa rin.
Tumingin ako sa iba ko pang classmates may mangilan ngilan din na katulad kong nakatunganga pa rin at tila walang maisip na maisulat.
"Class, ten minutes." -si sir muli habang nakaupo sa harapang bahagi ng classroom namin.
Bigla akong nataranta sa boses ni sir kaya kulang na lang pigain ko ang mga brain cells ko para may maisulat ako.
.............
"Class, ten seconds.. nine.. eight..seven..
Hala si sir nakakataranta..reklamo ko sa isip.
..five..four..three.. two..one.. finished or not finished past your paper." - sir Hutalla.
"Class, quite!"- saway ni sir samin dahil para kaming mga bubuyog na bulong ng bulong dahil sa pagbilang ni sir.
"Class, listen..
...this will be your first quiz this quarter."- si sir habang nakawagayway sa ere ang mga papel na hawak.
Nanlumo ako sa narinig kay sir, ibig sabihin bagsak ako sa first quiz namin. Napapikit ako sa alaalang ilang lesson lang ang naisulat ko sa papel ko.
"Okay class, you can go now on your next class." - at lumabas na si sir.
"Zamee! Hoy!- "namulatan ko si Monica na nakatingin sakin.
"Bagsak.. yata ako..sa first quiz natin. hu!hu!" -mangiyak kong sabi kay Monica.
"Don't worry.." -napakunot noo akong tingin kay Monica dahil sa sinabi nito.
"Don't worry... dahil di ka nag iisa, na mental blocked din ang brain ko, kaya ilang lesson lang ang naisulat ko." -si Monica.
"Kaya wag ka ng mag emote, you are not alone." -nakangising tapik pa nito sa balikat ko.
"Wow! Hanep! English yon ah!"- biglang singit ni chillet.
"Ikaw! Chilelat, babanat ka na naman, baka gusto mong madag anan ng unan sa face." - taas ng kilay ni Monica kay chillet.
"Sorry naman! Ito na nga..(at tila isinepeer pa ang bibig gamit ang daliri)."
***************
Vacant period
Turo Food
"Na drain yata utak ko sa pinagawa ni sir satin kanina."- si monica habang umiinom ng coke lasaw.
"Sabi-hin mo, wa-la naman talaga! la-man utak mo." - pang bubuska ni chillet sa pagitan ng pag nguya ng burger.
"Bakit? Ikaw ba! Marami kang naisulat?."- tila nanghahamong tanong pa ni Monica.
"A..e kunti lang..din."- nakangiting sagot ni chillet.
"Anita ka!"( means baliw)medyo pabirong hila sa bangs ni chillet.
"Tsk! guluhin mo na lahat wag lang bangs ko."- sabay ayos ng bangs gamit ang daliri.
Napatigil ako sa pag higop sa straw ng coke lasaw ko at sumulyap sa noo ni chillet. Nakita kong may pimples pala ito sa noo, Kaya siguro nakataklob ang bangs nito.
"Oops!! sino yan?" - sabay turo sa pimples ni chillet.
Nakita din pala ni Monica iyon at agad na pinuna.
"Hulaan ko.. hm..si Ranniel yan ano?"
Agad na namula ang pisngi ni chillet sa sinabi ni Monica.
"Girl.. Tara na muna sa may acacia."- aya ni kc sa pagitan ng pag aasaran ng dalawa.
Naunang maglakad si kc kesa samin, sumunod ako at ang dalawa sakin.
Walang tigil ang asaran ng dalawa sa likuran ko, patuloy na binubuska ni Monica si chillet tungkol kay Ranniel, pero tumatanggi ang huli. Sumulyap ako kay kc na tila kakaiba ang reaksyon, Hindi ako sure kong tama ba hinala ko. Pero ayoko naman mangialam. Kaya hinigop ko na lang ulit ang coke lasaw. Isa pa ito sa problema ko. Coke ba ito o tubig? Napailing na lang ako sa naisip.