CHAPTER 2

1137 Words
Sa loob ng maraming buwan na magkasama sina Lilian at Daniella sa iisang bahay, nagkasundo rin ang dalawa sa wakas. Higit pa sa tunay na magkapatid ang turingan ng dalawang babae kaya lubos na nasiyahan si Paloma. Isa na lang talaga ang tangi niyang hiling sa Maykapal an iyon ay ang tuluyang hindi pagpapakita ng ama ni Lilian sa kanya. Simula kasi nang maikasal siya sa ama ni Daniella, araw-araw niyang kinatatakutan ang pagdating ng panahon na muling magtagpo ang kanilang landas ng lalaking ‘yon. Hindi naman siya galit sa lalaking bumuntis sa kanya, ngunit hindi siya handang makita itong muli kahit ilang taon na ang nagdaan. “Ma, malapit na ang birthday mo.” Sabi ni Lilian habang kumakain sila ng almusal. “Oo nga naman, Ma. Gusto mo bang magkaroon ng party?” Suhestiyon ni Daniella para sa madrastang tinanggap siya ng buo at itinuring na parang tunay na anak. “Party? Hmmm bakit naman hindi?” Buhay pa si Gregory nang magpaparty siya para sa kanyang kaaarawan. “Sige Ma, kami na po ni Lilian ang bahala sa lahat.” Sabi ni Daniella at nang tumingin siya sa gawi ng kanyang stepsister, ngumiti ito sa kanya. Pagkatapos ng agahan ay nagsimula ng magplano sina Lilian at Daniella para sa kaarawan ni Paloma. Nag-inquire na rin sila sa isang magandang hotel sa siyudad. Nagmi-meeting silang dalawa tungkol sa magiging tema ng party ni Paloma nang sumali sa usapan ang birthday girl. May dala itong tray na mayroong malamig na juice at sandwich. “Magmeryenda muna kayong dalawa,” pahayag ni Paloma. “Salamat Ma,” magkasabay na sumagot sina Lilian at Daniella. “Hmmm naisip ko lang naman, na mas mabuti siguro kung dito na lang gaganapin ang party.” Pagkatapos niyang magsalita ay pinagtitinginan siya nina Daniella at Lilian. Paloma opted to celebrate her 60th birthday at home. At first, the idea of having a party in a posh hotel appealed to her, but she realized that she's an old woman, and traveling a long distances would surely tire her body. “Sigurado ka, Ma?” Tinanong ni Lilian ang ina dahil baka muli na namang magbago ang isip nito, mahirap na. “Syempre naman,” sumagot si Paloma. “Ikaw po ang masusunod,” saad ni Lilian. Nang makaalis si Paloma, lubos na nagpasalamat si Daniella nang magbago ang isip ni Paloma dahil nakakapagod naman talaga ang magbyahe, lalo na kapag may kasamang bata. Malaki na ang ipinagbago ng kanyang stepmother simula nang dumating sa buhay nito ang dalawang apo. Nasa bahay na lang ito palagi. “Lil, ano kaya ang magiging tema natin para sa birthday ni Mama? Bet ko ‘yong kakaiba naman,” pahayag ni Daniella. “Japanese?” suhestiyon ni Lilian. Fan siya ng mga anime, kaya bakit hindi? “Hmmm pwede,” sumagot si Daniella. Matapos nilang magkasundo sa magiging tema ng kaarawan ni Paloma, nagsimula na silang atupagin ang iba pang mga detalye. It would be a one - week event with various activities inside their estate and the entire town. Si Lilian na ang bahala sa pag-arrange ng transportation sa lahat ng bisita ng kanyang ina. Siya rin ang bahala sa room assignment ng mga guests. Natiyak niyang magiging maingay ang buong bahay kapag magsidatingan na ang mga bisita. Basi sa natanggap na kumpirmasyon ng kanilang imbitasyon, nasa higit dalawampung tao ang kanilang mga bisita. Mostly were a married couples.  The couple could share a room while single men and ladies would be assigned to the East or West Wing of the house according to their gender. Isang araw bago ang pinakahihintay na party para sa kanyang ina, naguguluhan pa rin si Lilian tungkol sa room assignment. Ayaw niyang magkamali dahil hindi niya gustong maka-offend ng isang tao lalong-lalo na sa mga VIP guests ng kanyang ina. Hinanap niya si Daniella dahil gusto niyang pakinggan ang inputs nito at nang malaman niyang nasa greenhouse ito, kaagad na siyang nagtungo sa babae."Ella, can I have a minute please?" sabi ni Lilian nang maabutan si Ella na kinakausap ang ilang sa mga paborito nitong roses sa greenhouse. Nilingon ni Daniella ang babaeng pumasok sa greenhouse. “Sure, ano iyon?" Bukas na kasi ang birthday ni Paloma kaya ihinanda na niya ang mga bulaklak para sa dekorasyon. Kanina pa kasi niya ito hinanap dahil naguguluhan siya sa room assignment ng mga single with escort. "Hindi ko alam kung saan ang magiging room nitong kasama ni Mr. Marcus,” sabi ni Lilian. Marcus who? Gusto niyang tanungin si Lilian. Kaya lang, marami namang Marcus sa Pilipinas, at parang apelyido naman iyong binanggit ng babae. "Married?"  "Nope, single pa. In fairness ha, maganda ang tunog ng kanyang pangalan. Do you think na foreigner itong si Marcus Edward?" "I think so, wala namang pinoy na Edward ang apelyido, or he could be a half German -half shepherd?" pabirong sinagot ni Daniella ang katanungan ni Lilian. Natawa si Lilian sa joke ni Daniella kahit napaka-corny nito. "Sa tingin ko, half chinese siya." "Half-Chinese? Hindi naman Chinese ang tunog ng Edward eh." Magulo kausap itong si Lilian. Paanong naging Chinese ang Edward na apelyido? "Sabi ko nga, half-Chinese, half-ngohiong.” "Not funny," sabi ni Daniella.  Hindi naman talaga siya natawa sa sinabi nito.  "Whatever, napaka-boring mo talaga. Nakakatawa kaya iyon. Okay, back to the room assignment, hindi kaya magreklamo ang kasama ni Mr. Marcus?" "Hindi naman kasi pwedeng magsama sa isang room ang babae at lalaki na hindi pa kasal. Mahirap na. Iyon lang ba ang problema mo?" Gusto niyang batukan si Lilian sa totoo lang. Alam nitong allergic siya sa pangalan na Marcus, siya pa talaga ang nilapitan nito. "I think I can manage," sabi niya kay Daniella bago nagpaalam. Actually, there's another guest na nahihirapan siya. Magkatunog kasi ang pangalan nito sa lalaking walang modo at ginamit lang siya. O baka, mali lang ang kanyang hinala. Alexis and Alexander? Magkaiba naman ang spelling, eh. Naalala naman niya ang hudas na iyon! Mabigat ang kanyang mukha habang lumabas ng greenhouse at bumalik sa bahay. Bitbit ang listahan ng mga bisita ng kanyang ina,nagtungo siya sa swing malapit sa pool at doon muna tumambay. "Hey, problem?" puna ni Paloma kay Lilian. Kanina pa niya ito napapansin na malalim ang iniisip. "Nope. May lakad po kayo, Ma?" "Wala, ikaw talaga ang hinanap ko, eh. Nagconfirm ba si Alexander sa invitation?" Tinanong ni Paloma si Lilian kasi VIP ang lalaki sa kanyang birthday. Tiningnan niya ang listahan kung may iba pa bang Alexander. Isa lang talaga. Alexander Ortega, kaapelyido pa ni Alexis. Bigla siyang kinabahan. Paano kung iisang tao sila Alexander at Alexis? Ano ang gagawin niya? "Do you mean, Alexander Ortega?" Lilian asked her mother. "Yes. Malaki ang utang na loob ko sa taong iyan. I want you to give him the biggest guest room in the house." Utos ni Paloma. "Pero Ma, hindi ba magagalit si Ella kapag ipagamit mo sa ibang tao ang guest room na iyon?" Isa lang kasi ang pinakamalaking guest room sa buong bahay at iyon ang ginamit ng dating asawa ni Ella. “Nobyo mo ba si Alexander Ortega, Ma?” Bigla siyang nagkaroon ng lakas ng loob na tanungin ang kanyang ina.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD