CHAPTER 1

1266 Words
Nang dumating siya sa bahay ng mga Reyes, hindi niya nadatnan ang kanyang stepsister dahil nasa ospital ito at nanganak. Kagaya niya, binuntis lang din ito ng isang lalaki at iniwang mag-isa. Sa loob ng maraming taon ay naipon ang kanyang galit para kay Daniella Reyes dahil inagaw nito ang kanyang ina. Pasulyap-sulyap siya sa babaeng malapit ng maging senior citizen na abala sa pagkarga ng kanyang anak – ang kanyang ina na si Paloma. Hindi niya alam ang buong kwento ngunit bigla na lamang itong umuwi sa Camotes at bumalik sa kanyang piling. Ayaw niya sanang tanggapin ang babae dahil sa poot at galit, ngunit kailangan niya ng karamay sa kanyang pagbubuntis. Noong una ay inakala niya na habangbuhay na niyang masolo ang kanyang ina, ngunit nagkamali siya. Pagkatapos niya kasing manganak ay iminungkahi nito na sumama siya sa pag-uwi nito sa Oslob. Sa loob ng isang taon na nakasama niya ang kanyang ina ay nasanay na siya sa presensya nito at nagustuhan niya ang pakiramdam na mayroong nag-aalaga sa kanya. Kahit na inalagaan din naman siya ng kanyang lola noon, iba pa rin sa pakiramdam na ang sariling ina ang kanyang kasama. “Akala ko ba ay ngayon uuwi si Ella, bakit wala pa siya?” Nairita siyang tinanong ang kanyang ina na kanina pa ayaw pumasok sa bahay dahil gusto nitong makita kaagad si Daniella kapag nakauwi na. Mas lalo lang tuloy siyang nainis sa babae. “Parating na siguro ‘yon,” sumagot si Paloma. “Excited ka na bang makilala ang kapatid mo?” Tinanong niya si Lilian. “Hindi ko siya kapatid,” maikli ang naging sagot ni Lilian sa tinuran ni Paloma. “Mabait si Ella, anak. Hayaan mo at makikilala mo rin siya ng lubusan balang araw,” sabi ni Paloma nang makita niya ang pag-irap ni Lilian. Hindi niya ito masisisi dahil sa nangyari, ganunpaman, gusto niyang magkasundo ang dalawang babae. “Mabait? Hmmm I don’t think so,” sabi ni Lilian, ngunit nabulabog ang kanyang pagkainis nang dumating ang isang sasakyan kung saan lulan si Daniella at ang sanggol nito. “O nandito na pala sila, eh. Common, Lilian. Sasalubungin natin ang bagong dating,” excited na wika ni Paloma dahil makikita na rin niya ang isa pa niyang apo. Hindi alam ni Daniella ang kanyang pag-uwi kasama si Lilian, ngunit nabanggit na ni Ella noon na welcome si Lilian sa malaking bahay. “Ella!” Tinawag niya ito nang makababa sa sasakyan. Nakatuon ang kanyang pansin sa babaeng nakasunod sa kanyang stepmother. Sa kanyang tantiya ay mas bata lang ito sa kanya ng ilang taon o di kaya ay magkaedad lang sila. Kagaya ni Paloma ay maganda rin ito, ngunit habang nakatitig siya sa mukha ng babae, bigla niyang naalala ang lalaking dumurog sa kanyang puso. Saka lang niya napansin na may karga ding sanggol si Paloma kagaya niya kaya nagtaka siya. “Ma, kaninong sanggol ‘yan?” Tinanong ni Daniella si Paloma. “Anak ni Lilian,” sumagot si Paloma. Noong una ay nagalit siya kay Lilian dahil basta na lang ito nagpabuntis sa isang lalaki at ang pinakamasaklap sa lahat, tumanggi si Lilian na pangalanan ang hudas na ‘yon. Pero may magagawa pa ba siya? Wala na! At parang sabay pang nabuntis sina Daniella at Lilian. Tumango si Daniella. Pagod siya at gusto niyang magpahinga. “Feel at home, Lilian.” Nakangiting sabi ni Daniella kay Lilian ngunit inirapan lang siya nito. “Ma, doon na muna ako sa aking silid.” Nagpaalam siya kay Paloma. Tumango si Paloma at hinayaan si Daniella na umakyat sa silid nito. Sa loob ng ilang buwang nanatili siya sa Camotes kasama ang kanyang anak, nakilala niya si Lilian ng husto. Lilian was a good woman but her heart was full of hatred and envy. At kasalanan niya kung bakit naging bitter ang kanyang anak. Dalangin niyang sana ay magbabago rin ito at mawala ang galit at poot na naimbak sa puso nito. "Lil, kailan natin pabibinyagan si Vanessa?" The baby was a great help to Lilian's personality. Medyo, kalmado na ito simula nang dumating ang kanyang apo. "Kapag one-month old na po,” matipid na sumagot si Lilian. "Ano kaya kung sabay nating pabinyagan sina Vanessa at si Ariana?"suhestiyon ni Paloma. "Bakit kailangan pang isabay? Gusto ko na si Vanessa lang bibinyagan sa araw na iyon. Gusto ko na maramdaman niyang espesyal siya!" Tila may hugot ang kanyang sagot sa sinabi ng ina. Pero totoo naman, ah. Ayaw niyang maranasan ng kanyang anak na makipag-agawan ng attention kagaya niya. "Bakit ka ba nagagalit? Suhestiyon lang naman iyon. Kung ayaw mo, eh di huwag! Hindi mo naman kailangang sumigaw pa dahil hindi ako bingi." Nainis si Paloma sa inasal ng kanyang anak. "Sorry, Mama. Ewan ko, pero naiinis talaga ako kay Daniella, Ma.” Pag-amin ni Lilian. "I know. Hindi mo pa kasi lubusang kilala si Daniella. Common, Lil. Hindi ka naman ganyan. Mabait na tao si Daniella. Sigurado akong magkakasundo kayong dalawa." Naintindihan niya si Lilian kung bakit naiinis ito kay Daniella.  "Soon, Ma. Malay natin, baka sa susunod na buwan, maka-move on na ako." Matagal na rin niyang pinag-isipan na mag-move on na. Afterall, Daniella has no other family except her mother. Maybe soon, kaya na niyang lunukin ang galit na namumuo sa kanyang pagkatao at patawarin ang kanyang stepsister. "Aasahan ko yan, Lil. Mas gusto kong sabay na lumaki sina Ariana at Vanessa para sila lang din ang maglalaro. Malungkot ang buhay kapag walang kalaro, alam mo yan." Ipinaalala ni Paloma kay Lilian ang nangyari sa kanilang buhay noon. Kung paano sila nagkakahiwalay. "Kaya lang, hanggang ngayon ay hindi ko pa rin maintindihan kung bakit mo ako iniwan." Matagal na niyang gustong tanungin si Paloma pero nahihiya lang siya.  "Patawarin mo ako, anak. Isa lang ako sa mga naging biktima ng pag-ibig. Kaya dapat may matutunan kang leksyon sa nangyari sa ating dalawa. At huwag mong hayaan na mangyari kay Vanessa ang nangyari sayo. Understand?" Pinaalalahanan ni Paloma si Lilian. "Opo," she said because she would never want a man's attention or love again! Tama na ang minsan na umibig siya at nagparaya sa isang tao na walang kaluluwa. She was hurt when she learned about his betrayal and deceit. Kung sakali na muling magtagpo ang kanilang mga landas ni Alexis Ortega, puputi na muna ang uwak, bago niya ito patatawarin. Hindi biro ang nagawa nitong kasalanan sa kanya. Napatiimbagang siya nang maalala ang huli nilang pag-uusap ni Alexis. ******** "Buntis? Hindi ka ba nagpi-pills? You tricked me!" dumadagundong ang malakas na boses ni Alexis sa loob ng bahay na nirerentahan sa Santiago. Lilian worked part-time in the homestay and they got along very well.  "I never said that I used pills and I was a virgin on our first night. Anong alam ko tungkol sa mga pills na iyan?" Lilian reasoned out. Yes, makabago ang kanyang pananamit at sunod sa uso. But it doesn't mean na sunod din sa uso ang kanyang paniniwala tulad na lang pag tungkol sa premarital s*x. But he promised! And she believed him for goodness sake! "My God, Lilian. Did you expect me to marry you?"  Hindi niya inasahan ang pagsigaw ni Alexis sa kanya kaya sobra siyang nasaktan. Hindi lang ang kanyang ipinagbubuntis ang inayawan nito, kundi pati na rin siya. "Pero sabi mo pananagutan mo ako," gumaralgal ang kanyang boses habang ipinaalala kay Alexis ang tungkol sa mga pangako nito sa kanya. "Yes, but not to the extent of getting married. You're not even my ideal type! You're just........available!" Doon na nagpanting ang taynga ni Lilian sa sinabi ni Alexis na available lang siya. Sinampal niya ito ng paulit-ulit hanggang sa sumakit ang kanyang palad. "Huwag na huwag kang magpapakita sa akin kahit kailan! At baka ikaw pa ang gagawin kong pamasahe papunting bilibid!" she cursed at him so bad that she wished he would die slowly in great pain. Bitter na kung bitter!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD