Napabalikwas ng bangon si Zeke dahil sa sunud-sunod na pagtunog ng doorbell. Napatingin siya wall clock na nasa kuwarto niya. It’s past 11 pm! Sino naman kaya ang walanghiyang istorbong nambubulabog sa pagtulog niya? Wala pa man din ang kuya niya at bukas pa raw ito makakauwi kaya napilitan na lang siyang bumaba sa kama para labasin ang istorbong nambubulahaw sa bahay nila sa katahimikan ng gabi. Nagsuot lang siya ng boxer shorts at roba at salubong ang mga kilay na bumaba na siya. Nang nasa may sala na siya ay tumigil naman na ang nagdodoorbell pero lumabas pa rin siya sa bahay at nakita pa niya at narinig sa labas ng gate ang tila nagbabangayan doon. The f**k! Bahay pa yata nila ang napagtripan ng mga adik. Papalagpasin na lang sana niya ang pangyayaring iyon ngunit nang marinig na

