Mahihinang mga katok sa pinto ang nagpagising sa diwa ni Steph. Bumiling siya sa kama dahil inaantok pa siya pero naramdaman niyang iba ang kamang kinahihigaan niya kaysa sa kama niya sa bahay ng lola niya dahil di hamak na mas malambot ng kaunti ang kama niya sa mansiyon. Kaya nasaan siya? Agad niyang idinilat ang mga mata niya at napagtantong hindi nga siya nagkakamali. She’s in an unfamiliar bedroom! But then, habang inililibot niya ang paningin niya, it seems that it’s not unfamiliar at all. Parang nakita na niya ang kuwartong iyon somewhere.. “Steph, gising ka na ba?” Naagaw ang atensiyon niya ng boses na iyon sa labas ng pinto. Parang boses iyon ng Daddy niya—kinilalang daddy to be exact. Ibig sabihin ba ay doon siya natulog sa bahay nito? Sa dati niyang kuwarto?? Pero baki

