Masaya siyang pumunta sa kusina at naabutan niya roon na nakaupo ang kuya ni Zeke samantalang tila nagluluto naman ang mahal niya. “Oh, Steph, nandiyan ka na pala. Dito na lang kayo kumain ng Lola mo dahil nagluluto na ang Ti— si Zeke.” Anang kuya ni Zeke nang mapansin siya nito. Nalilito pa rin talaga ito sa relasyon nila ni Zeke. Pero pasasaan ba’t masasanay rin ito. “Kakaalis lang po ni Lola, D-Dad. Pinapasabi na lang po niya sa inyo. Ahm, nagpaalam po ako na dito muna ako matutulog ngayong gabi. Ok lang po ba?” Paalam niya rito. Medyo naiilang na rin siya rito at parang hindi na bagay kung Daddy pa rin ang itatawag niya rito gayong kuya ito ng sweetheart niya. Siguro ay dapat na rin niyang sanayin ang sarili niya na hindi ito tinatawag na Daddy dahil sooner or later ay magpapakasal

