Nagsimula na sila ulit maglakad palabas ng tuluyan sa airport habang nakayakap na muli sa baywang ng isa’t-isa. “Thank you sweetheart… Pero bakit hindi ka umalis?” naisip niyang itanong. “Ewan ko… Naisip kong ipagpaliban na lang ang pag-alis ko at siguro dahil pinag-iisipan kong guluhin mamaya ang party niyo.” Natawa na lang siya sa sinabi nito. Napansin din nito ang maliit na sugat sa ulo niya at ikinuwento niya ang nangyari kanina. Maybe, it’s also a blessing in disguise na nauntog siya kanina dahil iyon marahil ang nag-trigger na bumalik ang memories niya. Pagkalabas nila sa airport ay nagulat pa siya nang makitang naghihintay pa roon ang driver ng lola niya. Hindi ba ito hinahanap ng lola niya? “Kuya, sa presinto muna tayo.” Sumakay na sila sa kotse at habang nasa biyahe ay

