“Baby… Hindi mo naman ako ipagpapalit sa iba, tama? We will still see each other often, ok?” Napangiti na lang si Steph sa nahimigang pag-aalala at takot sa tono ng sweetheart niya. It’s past 11pm at kasalukuyan nang natutulog ang Daddy niya. Hindi man niya ito tunay na ama pero ito pa rin ang kinilala niyang magulang. Nandito naman sila ni Zeke ngayon sa kuwarto niya at magkatabi silang nakaupo sa gilid ng kama niya. Nang masigurado kasi nitong tulog na ang kapatid nito ay pumunta na ito sa kuwarto niya para magkausap sila ng maayos tungkol sa kanilang dalawa. “Siyempre naman. How can I even think of forgetting you? Ikaw lang naman ang mahal ko.” Natatawa niyang sagot dito. Sumandal siya sa balikat nito at huminga siya ng malalim. “I’ll wait for a perfect timing para sabihin kay lol

