Habang pababa na si Steph sa hagdan at nakasunod siyang naglalakad sa Daddy niya ay hindi niya maiwasang mapaisip. Bakit mukhang malungkot ang Daddy niya? Graduation pa naman niya… Tsaka bakit ito nagso-sorry sa kanya at ano ang sinasabi nitong kailangan nilang harapin? Tinanong niya ito kanina pero hindi naman ito sumagot at bagsak ang mga balikat na nagpatiuna na lang itong naglakad pababa sa hagdan. Wala naman siyang naaalalang kasalanan nito sa kanya lately kaya bakit ito nagso-sorry? Actually ay naging mas malapit na nga silang dalawa in the past few years at masasabi niyang bumabawi na ito sa kanya sa mga panahong ipinagpalit siya nito kaysa sa negosyo. Siya pa nga ang may kasalanan dito, sila ng kapatid nito dahil may lihim silang relasyon. Hanggang sa makababa sila sa hag

