Tuluyang nagising si Steph dahil sa mahihinang katok sa kuwarto niya. Agad niyang tiningnan ang oras sa relong nakapatong sa bed side table niya. It’s 7am! Usually ay hindi naman siya ipinapagising ng lola niya para magbreakfast. So what’s the rush? Bakit ang aga siyang ginigising ngayon? Muling bumalik sa gunita niya ang panaginip niya. Her dream was still clear in her mind dahil bago pa lang iyon at kagigising lang niya. Eversince her Tito Zeke kissed her, naging malinaw na ang mukha nito sa mga sumunod na panaginip niya. It’s as if her subconscious mind is trying to remind her of what she has forgotten. “Ma’am Steph, nandito po ang Mommy ni Sir Francis. Hinahanap po kayo at mukhang galit.” Narinig niyang sabi ng kanilang katulong kaya itinuon na lang niya roon ang pansin niya. Tinat

