“Tito!” niyakap niya ng mahigpit si Zeke nang sunduin siya nito sa labas ng school. Paglabas nila ni Lucille ay naghihintay na pala ito roon. She’s so happy! Kung puwede lang ipagsigawan niya sa buong mundo ang lihim nilang relasyon ni Zeke. “Bye beshy, una na ako sa’yo.” Nagpaalam na siya kay Lucille at agad na silang sumakay ni Zeke sa kotse nito. She hugged his right arm immediately. Ilang oras lang silang hindi nagkita pero na-miss na niya agad ito. “Kumusta sa school? Marami bang nagpapapansin sa’yo?” sumulyap sa kanya si Zeke mula sa pagmamaneho. Heto na naman ang sweetheart niya. Sometimes he looks so cute when he’s jealous or insecure like this. Pero kahit sinong poncho pilato pa ang magkagusto at magpapansin sa kanya ay iisa pa rin ang gusto niya at wala nang iba. “I don’t kn

