"Welcome back to Sunflower Haven, Drey!" masayang bati ni Shana nang pumasok siya sa pinto ng shop nang umagang iyon. Isang linggo na ang lumipas matapos ang pag-uusap nilang iyon ni Sloven sa apartment niya. She ended up crying to her friend. Hindi niya inakalang gagaan ang loob niya matapos niyang ibahagi ang kwento niya rito. Sloven was very caring that she didn't leave her the whole night. She stayed there and listened to her story, and cried with her, too. At sa loob ng isang linggo matapos ang pag-uusap nilang iyon ay hinayaan muna siya ni Sloven na makapag-isip at makapagpahinga. Sa gabi ay pumupunta ito sa apartment upang magdala ng pagkain na iniluto ni Auntie Letty, saka sabay silang kakain. She would leave after two hours to go back to the shop— nabanggit nitong may mga tina

