Makalipas ang mahigit isang oras ay bumalik sina Dreya at Sloven sa event's hall. Sa loob ng mahabang oras na iyon ay wala silang ginawa kung hindi ang mag-usap doon sa coffee shop at mag-ikot sa lobby kung saan naroon ay may mga naka-display na magagandang mga paintings mula sa mga sikat na pintor ng bansa. Alam niyang disimulado siyang inaaliw ni Sloven dahil ayaw nitong mag-isip siya tungkol sa natuklasan kanina. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang tungkol sa pagkakaroon ng ugnayan ng Madrigal Enterprise sa Alexandros Corp. Dahil kung mayroon man— ay hindi imposibleng makita nila roon si Kane Madrigal. At kanina pa siya tahimik na nag-iisip tungkol sa bagay na iyon. Sa dinami-rami ng mga sikat na flower shops sa Carmona, bakit sa Sunflower Haven pa nag-book si Miss Sandovez? The A

